For the longest years of enduring all of the painful things, his eyes somehow reminded me about the danger from the past.

"Engaged or not?" muling tanong ni Roche sa atat na tinig.

I smiled sarcastically, finally losing my temper.

"What is it to you, Engineer?" I laughed.

The judges took it as a joke since they started laughing too. Roche smirked and looked at the judges but I can sense he's pissed.

"Your boys might show up on the shoot and make another scene just like what happened earlier on the exhibit," ang gagong ito...

Well... may punto nga naman siya.

"I will make sure it won't trouble the brand, Sir..." I said professionally while trying to stop myself from rolling my eyes.

Tumango ang iilang judges, but for Roche, it seems like the compromise I gave isn't enough to convince him.

Sigurado naman ako na magagampanan ko nang maayos ang trabaho ko lalo na't sa taong dumaan, seryoso ako sa lahat ng iyon at hindi pa naman pumapalpak.

Kaya ngayong makita na parang minamaliit niya ako at parang walang tiwala na kaya kong magseryoso ay nakakairita.

It was interrupted when Pauline went inside with my Portfolio and she placed it infront of them.

Iyon saglit ang pinagtuunan nila ng pinsan. The woman started scanning each pages and nodding her head like she's very entertained with the photos.

"Oh... what a pretty woman. You remind me of this certain angel in VS," ngiti niya na ikinatingin din ng ibang judges sa portfolio.

"Let me see," ang brand ambassador na bumiro sa akin kanina at sumilip.

"It's just photos. It can be photoshop," si Roche na kinuha ang aking portfolio palayo sa tingin ng brand ambassor na humaba pa ang leeg kakahabol matingnan lamang iyon.

Pauline looked at me meaningfully. Kita ko ang dahan dahang pagsulyap niya kay Roche sa harapan at bulgarang ibinalik ang tingin sa akin na para bang alam na alam niya ang nangyari dito kanina pa sa loob kanit hindi niya nakita.

The more I stayed infront of him, the more I'm losing my mind, my patience and my mood.

"Yabang!" halos ibuga ko iyon nang pagbuksan ako ng pinto ng chauffeur.

Nagsisi pa ako kung bakit nag-audition ako! I don't need Porsche! Dapat mas pinagtutuunan ko nalang ng pansin 'yung mga invites sa ibang bansa at baka mas nag-enjoy pa ako!

"Ang yabang talaga!" ulit ko habang inaayos ni Pauline ang mga gamit ko nang makapasok kami sa condo.

"Baka curious lang kung totoo 'yung tsismis, Miss Cassey..." bulong ni Pauline habang irita kong hinuhubad ang aking suot.

"Curious?! It's more like an insult, Pauline! Kulang nalang sabihin sa akin na isa rin sa mga tinatrabaho ko itong mga lalakeng sinusugod ako! At anong photoshop 'yang pinagsasabi niya!"

Isa lang naman ang tunay na rason kung bakit siya ganoon. It's because of what I did from the past. Iyon lang naman ang rason ng hindi pananahimik niya ngayon.

Kung masaya kana sa iba, at nakita mo ulit ang ex mo, bakit mo pa babalikan ang nakaraan at magpaapekto? Nakamove-on siguro sa akin pero sa itinanim na galit ay hindi.

Kahit sa shower, talagang irita ako. I have more time to fly to Hong Kong and forget all of these headaches here!

Kaya kahit wala ang team, at si Pauline lang ang tanging dala, hindi ako nagpaawat at umalis talaga para habulin ang aking flight.

H A U N T E D (NGS #11)Where stories live. Discover now