Napapabisita rin minsan ang mga kasamahan niya, makikiinom at gaya rin ng nakasanayan ay umiiwas ako. Mostly ay umaalis ako ng apartment o 'di kaya ay nanatili ako sa aking k'warto. Kumakain, nag-se-selpon o 'di kaya ay gumuguhit.

I also looked for a job near the campus kung saan ako nag-enroll. It's also good that meron sila no'ng course na kinuha ko which was architecture. Naglayas kasi ako ng bahay ay saktong patapos na rin ang first semester.

I will be also having my first work ngayon at sa susunod na lunes naman ay magsisimula na ang klase ko. Sobrang saya ko lalo na't ang napasukan kong restaurant ay para sa mga working student. We can work there whenever we have free time. However, we cannot work past 12 a.m. Therefore, we should ask permission if we are unable to perform our duties on that particular day.

At habang tumatagal din ay nasasanay na ako rito sa kung saan ako kasalukuyang tumitira. Masakit man pero mas minabuti muna nina mama na putulin ang koneksyon sa akin. Para na rin maiwasan ang pag-aaway nila ni papa lalo na't magaling si papa na humuli ng sekreto pagdating sa mga tinatago ni mama sa kanyang telepono.

I'm still getting used to my completely different environment, but for now I'm getting comfortable with it.

Katatapos ko lang magbihis ng aking uniporme para sa aking pagpasok sa trabaho ngayon. Lalo na't whole day ako ngayon sa trabaho.

Lumabas na ako sa aking k'warto at napangiwi nang mapansin si Lucius na kasalukuyang kumakain ng agahan na niluto ko. Kung sino pa 'yong nagluto, siya pa 'yong huling kakain.

I pouted.

"Ayos, ah. Nauna ka pang mag-agahan kaysa sa nagluto." Inis kong salubong dito.

"It's not my problem," he replied. I paid for my meal. Could you just eat?"

My brows arched. Woah, siya pa may ganang magalit.

Yeah, I know. He made a deal with me. Ako magluluto ng meal niya buong buwan in exchange for two-thousand pesos. Wala naman siyang ebas sa 2k na gusto ko at pumayag na si Berry.

Naupo na nga ako at binigyan ito ng nakakamatay na tingin habang sumasandok ng kanin.

"What?" he asked.

"Ahh! I just want to say that I've been working all day today. So no lunch for today. Bawasan mo na lang ang magiging s'weldo ko." I reasoned out.

Kita ko ang pagtigil nito sa pagkain at tinusok ang adobong manok na ulam namin.

"Okay. Maybe I'll just eat outside then." He answered. Mabilis nitong tinapos ang kanyang agahan at dali-daling nilapag sa lababo ang kanyang pinagkainan.

Ayan na naman sa kanyang tantrums ang condom na 'yon. Hindi naman bagay sa kanya ang mag-inarte. Kahit ilang araw pa lang kaming nagkakasama ni Berry, mahihinuha kong kadalasan ay nasa bad mood siya. Ang biglaang pag-switch ng kanyang mood tapos manlalamig na lang.

Sinundan ko na lamang ito ng tingin, agad niyang kinuha ang itim na leather jacket sa sofa sabay sukbit nito sa kanyang balikat. Kahit hanggang sa paglabas nito sa pintuan ay hindi ko maalis ang tingin dito.

Aminado ako, minsan nakaka-intimidate ang presensya niya pero hindi naman awkward ang atmosphere sa pagitan namin.

Mabilis ko na rin tinapos ang aking pagkain, nagsipilyo, inayos ang aking hitsura at umalis na ng apartment.

Sumakay na ako ng tricycle nang makalabas ako ng court, p'wede namang lakarin papuntang trabaho ngunit tinamad na ako.

◦•●◉✿✿◉●•◦

Mag-a-alas otso pa lang ng umaga pero ramdam ko na ang matinding sikat ng araw. Napapangiwi na lang ako lalo na't ang hapdi ng sa balat.

I'm on my way to the restaurant and noticed something.

Four Of UsWhere stories live. Discover now