Pagkatapos naming mag usap ni clara sa cellphone, umakyat ako sa kwarto para silipin si kendric. Pag pasok ko sa kwarto namin ay natutulog parin sya kaya ginising ko na sya dahil kailangan nya nang kumain para maka inom na sya ng gamot.

"Ken? Mag breakfast kana.." sabi ko sakanya

Parang hindi nya ako narinig, dahil ang sarap parin ng tulog nya.

"Ken please wake up.." pangungulit ko na sakanya dahil hindi parin sya nagigising

Maya-maya pa unti unti na nyang minulat ang mga mata nya.

"Ken?" Sabi ko sakanya

- Kendric's POV  -

Nagising ako dahil ginigising na ako ni Yeonah, hindi ko na alam ang nangyari kagabi dahil nakatulog na ako.

Pagmulat ko ng mata ko nakita ko kaagad si Yeonah, nakaupo sya sa tabi ko habang ginigising nya ako.

"Ken, okay kana ba? How are you feeling?" Halatang nag aalala nanaman sya

"I feel better now, hon." I told her

Nilapat nya ang kamay nya sa noo ko at pinakiramdaman ang body temperature ko.

"Bumaba na nga ang lagnat mo pero, medyo mainit ka parin. Kailangan mo nang kumain para maka inom kana ng gamot, ken." Istriktang sabi nya

"Okay, doc." Sabi ko

"Sandali lang kukunin ko yung pagkain mo, teka hintayin mo muna ako dito" sabi nya bago tumalikod at naglakad palabas

- Yeonah's POV  -

Bumaba ako para kunin ang breakfast ni kendric, Sopas ang niluto ko para sakanya para makahigop sya ng mainit na sabaw. Nilagay ko ang bowl na may laman na sopas at baso ng gatas sa tray para dalhin sa kwarto.

Pagpasok ko ng kwarto nilapag ko yung tray sa bed kung saan naka upo si kendric.

"Kumain kana." Malamig na sabi ko

"Are you mad?" Tanong nya

"Kumakain ka nalang, tawagin mo 'ko kung may kailangan ka. Pupunta lang ako sa kabilang kwarto." Sabi ko

Aalis na sana ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko para pigilan ako.

"Why? Do we have a problem? Please hon, tell me." Sabi nya saakin

"Ano 'ba, Kendric bitawan mo nga ako. Ang sabi ko kumain kana." Naiinis na sabi ko sakanya

Nagpupumiglas ako sakanya, pero mas hinihigpitan nya pa ang hawak sa kamay ko.

"No. Mag uusap tayo." Sabi nya at hinila ako dahilan para makaupo ako sa kama na inuupuan nya din.

"What's our problem? Please tell me." Sabi nya saakin

"Tinatanong mo kung anong problema? Kendric anong pumasok sa isip mo para mag drive pauwi na ganon ang kalagayan mo kagabi!? Ha!? Hindi mo ba naisip pano kung napahamak ka? Mahirap bang sabihin saakin na masama ang pakiramdam mo? Kendric, magkausap tayo 'non. Ba't hindi ka nagsabi?" Mangiyak-ngiyak na sabi ko

"I'm sorry, hon.." 'yon lang ang narinig ko sakanya

"Kendric baka nakakalimutan mo, asawa mo 'ko." Tumulo na ang namumuong luha sa mga mata ko

"Stop crying, please Yeonah. I'm sorry..  i don't want you to worry about me, kaya hindi ko nalang sinabi sayo.." paliwanag nya

"At sa palagay mo ba hindi ako nag alala sayo?" Sabi ko sakanya "Kendric halos buong gabi akong hindi natulog dahil sobra akong nagaalala sayo." Tuluyan nang pumatak ang luha sa mga mata ko

"I'm really sorry, hon.." hinawakan nya ang kamay ko

"Kumain kana." Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at iniba ko nalang muna ang usapan

"Please stay, hon." Sabi nya

Habang kumakain sya at hanggang sa nakatapos syang kumain ay nasa tabi nya lang ako.

"Sorry, sa mga nasabi ko kanina" napa yuko ako dahil nahihiya ako sakanya, dahil sa mga nasabi kong hindi maganda sakanya kahit alam kong masama parin ang pakiramdam nya

"No. You don't have to say sorry. Tama naman lahat ng sinabi mo" sabi nya saakin

Niyakap ko sya dahil nakokonsensya ako dahil sa ginawa ko.

My Husband In LawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon