Kabanata 1

304 22 7
                                    

Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Papunta na ito ng pier. Ngayon ang araw ng alis ko pauwi ng probinsiya. Siksikan sa loob at sobrang init habang panay ang kabig ko sa tiyan upang hindi masiko o masagi ng mga kasabayan ko ngayon sa sasakyan.

"Ano ba kasi ang ginawa mo sa condom na binigay ko? Ginawa mong balloon?"

Sarap talaga sapakin ng tiyahin kong ito. Siya ang dahilan ng lahat ng ito. Kung hindi dahil kailangan na kailangan namin ang pera ay baka hindi ako pumayag sa offer niya.

"Sabi ko suotan mo ng condom. Ayan! Buntis ka na. Gaga ka talaga."

"Ni hindi ko nga alam paano ilagay iyon, e."

"Hindi mo medyas 'yon. Medyas niya 'yon!"

Napakamot ako. "Akala ko akin."

Namura niya ako pagkatapos. Kaya pala pahaba. Malay ko ba? NBSB ako. First time ko iyon.

"O, so paano na ngayon iyan?" Humina na ang boses niya.

Alam niyang magagalit ang Papa ko kapag nalaman niyang nadisgrasya ako ng lalaking naka-one night stand ko lang. Si Papa na lang bumubuhay sa amin noong sumama si Mama sa ibang lalaki. Lumuwas ako dito sa malaking syudad para makapagtrabaho at mapadalhan sila sa probinsiya.

Kumapit na ako sa patalim noong nabalitaan kong nadisgrasya sa motor ang kapatid ko. Ngayo'y comatose pa nga. Gusto kong sabunutan ang sarili dahil sa katangahan. Ang tanga-tanga ko talaga!

"Uuwi na lang ako."

"Sa Papa mo? Nababaliw ka na ba? Gusto mong atakihin sa highblood ang Papa mo?"singhal niya.

"Hindi naman ako uuwi sa amin. Magtatrabaho ako sa kabilang bayan. Pero hindi ako magpapakita kay Papa."

"Ang tigas ng ulo mo. Iwan ko sa'yo. Sabi ko kontakin na'tin ang ama ng bata, e."

Ayan na naman siya. Kaya pinatayan ko na ng cellphone. Sabing hindi pwede, e. Ang kulit. Ayokong malaman ng lalaking iyon ang tungkol sa bata. Mayaman iyon, samantalang slap-soil lang ako. Maisipan pa no'n na kunin ang anak ko sa akin baka nga-nga na lang ako bigla.

Ilang saglit nang makarating kami sa pier. Maraming tao sa labas na naghihintay rin sa barkong paparating maya-maya. Advance ng isang oras ang dating ko. Mas maigi na iyon kaysa ma-late ako.

Tirik ang araw at sobrang init. Panay ang paypay ko sa sarili. Feeling ko warm up ito bago isalang sa empyerno. Noong papasukin na kami sa loob ay saka ako nakahinga ng maluwag. May mga upuan na rin naman doon. Nagsisimula na rin kasing sumakit ang puson ko.

Maselan pa man din dahil two months pa lang. Tatlong buwan na rin ang lumipas noong may mangyari sa amin noong mayamang lalaki na boring ang life. Hindi ko akalaing mag-iiwan pa ng remembrance sa akin ang lalaking iyon. Hindi ko naman pinagsisihan ang mabuntis dahil twenty three na rin naman ako. Sakto na ang edad ko para lumandi.

Pero, seryoso? Di ko man lang naranasan ang magkaroon ng boyfriend bago nabuntis?

"Attention, attention." Biglang tumunog ang mga speaker sa paligid.

Napatingin ako sa relo ko. Wala pa naman ang barko.

"There's a quick inspection. Kindly remain on your seats."

Napanguso ako. Akala ko bago kami sumampa ngayon saka ang inspection. Pero dito pa pala talaga sa waiting area iyon gagawin. Usually kasi bago kami aakyat ay inspection ng mga bagahi namin.

"Ay anong mayroon?" Biglang nagsalita iyong babae.

Napalingon din tuloy ako. Nakita ko ang mga matatangkad na lalaking naka-black uniform na pumasok sa waiting area. Nasa 20 lahat at ang iba ay hinarangan pa ang doble door palabas ng waiting area. Sampu ang agad lumapit sa mga pasahero.

Mafia Ang Nabingwit koWhere stories live. Discover now