Love is way deeper from them all, it endureth all things, fight all things, and it makes you braver. Love will easily or slowly strike you in different ways, it's an intense feeling to someone. Love is too powerful that it will makes you willing to do all things for that person. Kahit na mabigat na mga sakripisyo ay kaya mong gawin para sa pagmamahal. Love is a mixture of all feelings, both happy and sad feelings.


Kaya para kay Yijin, crush ko lang siya.

“Syempre kailangan magpaganda ako kasi uuwi ang papa mo,” ani Mama habang kinakaladkad ako sa mall. Well, not literally. Palihim naman akong napangisi, ang totoo ay tinatamad ako at gusto kong matulog buong araw. Napagod kasi ako sa christmas party namin sa school kahapon.


“Maganda ka naman na, hulog na hulog nga sa ’yo si Papa,” I teased her. Napasimangot naman siya sa ’kin.

My father is working in a company na naka-base sa Manila. Two years ang contract niya roon bago siya ulit pwedeng ma-assign sa probinsya namin. Tiniis na lang nila Mama at Papa na magkalayo ng two years para stable na kami rito at hindi na palipat-lipat.

Unang taon pa lang ni Papa roon, mabuti na lang at nabigyan siya ng mahabang Christmas break ngayon. Miss ko na talaga siya, kahit na may video call at messenger, hindi pa rin iyon sapat para maibsan ang pagka-miss ko sa kanya.

Pumasok kami sa isang beauty salon, inaya ako ni Mama ng kung ano-anong service pero wala akong mapili. Ayaw ko naman magpa-rebond ng buhok dahil gusto ko ang natural na alon nito. Kahit ang manicure at pedicure ay tinanggihan ko dahil takot ako sa nipper, isa pa malinis naman ang mga kuko ko.


“Doon na lang po ako sa arcade, Ma. Text mo na lang ako kapag tapos ka na,” paalam ko. May nadaanan kasi kaming arcade kanina at nakuha n’yon ang atensyon ko kaya gusto kong puntahan. Mabuti na lang at pinayagan ako ni Mama at binigyan ng pera.


My eyes immediately glued at the claw machine. Nasa labas ito ng arcade at nakahelira. Bawat machine ay iba’t iba ang stuff toys na nasa loob. Meron ring candy at marshmallow machine.

Gusto kong makakuha ng something sa claw machine pero mahirap daw ’yon. Gayahin ko kaya ’yung mga hack kuno sa Tiktok? Baka totoo mga ’yon?


Abala ako sa mga iniisip nang biglang may kamay na tumabon sa mga mata ko. My sight darkened, hindi ako gumalaw habang pinapakiramdaman ang mainit at malambot na kamay na tumabon sa mga mata ko.


“S-sino ka?” tanong ko pero hindi siya sumagot. Hindi ko alam kung sinong kakilala ito. I got no response kaya napasimangot ako. Umatras ako at mabilis na humarap sa taong nasa likod ko, hindi naman mahigpit ang pagkakatabon niya sa ’kin kaya mabilis akong nakawala.


“Sino ba kasi—” My jaw dropped upon seeing the person behind me. Nanlaki ang mga mata ko at agad na nag-unahan sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. “Y-yijin," I stuttered.


Tumawa siya sa reaction ko at mabining ngumiti sa ’kin. He’s sporting a maroon polo shirt and a black jeans but he looked so good! Para siyang modelo ng branded shirts sa suot niya.

Lost In The Weather (Lusiento High Series 01)Where stories live. Discover now