Chapter 12

1.2K 45 11
                                    

THE AUDACITY OF CHINO ARVESU

Chapter 12

"Where are you taking me?" Tanong ni Lauren sa kanya.

"Somewhere I can have you alone. Somewhere your damn lawyer can never disturb us." Sagot niya.

"Okay." Sagot ni Lauren. Pareho silang nakangiti habang nasa byahe.

Damn, para silang magtatanan na dalawa, and he likes it. He doesn't know it but the woman beside him feels the same way. She likes what they're doing. She's excited and giddy. She doesn't felt anything like this before and she's very much up for whatever he could give her.

-

He brought her to his hometown. Pero ang plano niyang masolo ang dalaga ay mukhang hindi pa yata matutuloy dahil sa gilid ng kalsada ay nakikita na niya ang kakambal niyang kumakaway sa kanila. Hindi niya alam na umuwi pala ang isang ito.

Buntong hiningang ihininto niya ang sasakyan. Binuksan ni Esso ang passenger seat at kitang kita niya ang pagkabigla sa mukha nito nang makita si Lauren.

"Oh, right." Saad lamang ng kapatid niya at agad na sumakay sa likuran. "Hi, Lauren. Kasama ka pala ni Chino. Nandito ba kayo para sa birthday ni Dad?" Tanong ni Esso.

"Ngayon ba 'yon? I forgot to but a gift for him." Sagot ng dalaga sa tabi niya.

"This weekend. I came home para ipaghanda siya. I'll do the catering. Huwag mo na alalahanin ang regalo para kay Dad." Sagot ni Esso pero alam niyang hindi nakampante ng salita nito si Lauren dahil agad na kinuha nito ang cellphone at nagsimulang tumipa doon.

"Nasaan ang sasakyan mo?" Tanong niya kay Esso.

"Nasa bahay. Pinauna ko na kasi si Pia na umuwi kanina dahil inaantok na ang mga bata."

"Saan ka ba galing?"

"Kina Mama Julie. Nagbigay ako ng listahan ng groceries na kailangan ko para sa birthday ni Dad." Sagot ng kapatid patungkol sa nanay ng kaibigan nilang si Julian.

"Need help?" Tanong niya.

"Hindi na, kayang kaya ko na 'to." Pagyayabang ng kapatid niyang sumusulyap sa kanilang dalawa ni Lauren. "Anyway, sa bahay kayo dederetso diba?" Tanong ni Esso.

"Huh?" Nasambit niya at nagkatinginan sila ni Lauren. Nakagat nitong muli ang ibabang labi pero marahang tumango kaya't sinagot niya ang kapatid. "Oo."

"Mabuti naman. Nandoon din si Pia at ang mga bata. Tatawagan ko si Pia na pauwi kayo."

Walang umiimik sa kanilang dalawa ni Lauren hanggang sa makarating sila sa bahay ng mga magulang niya.

-

"I thought you will take me somewhere you can have me alone?" Tanong ni Lauren sa kanya habang nakahalukipkip. Nasa may pintuan sila ng guest room na dati ng tinuluyan ni Lauren at dala niya ang maleta nito.

"Plenty of places here where I can get you alone, Ms. Cosiarelli. Patience." He teased. Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa tanong nito. Itinaas niya ang kamay para haplusin ang pisngi nito pero inirapan lamang siya nito.

"Akala ko ay doon mo ako dadalhin sa bahay mo."

"Akala ko rin. I'm sorry about my brother." He smiled, still stroking her cheek with his thumb lightly.

"Never mind. But keep your word."

"Yes, Ma'am." Sagot niya. Nang maipasok niya ang maleta nito sa kwarto ay pinag-sarahan na siya nito kaagad ng pinto. Bumaba naman siya sa kusina na nakangisi pa rin.

The Audacity of Chino ArvesuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon