Chapter 10

552 30 1
                                    

THE AUDACITY OF CHINO ARVESU

Chapter 10

"I'll take you to the spot I'm talking about." Pagyaya niya kay Lauren nang matapos niyang ipakita ang plantation.

"Now?"

"Yes. Tamang tama at hindi pa umuulan, mas magandang pumunta na tayo ngayon dahil mukhang uulan mamayang hapon." Makulimlim ang panahon at umambon na rin kanina.

"Okay."

"Yes. Hindi rin tayo magtatagal."

-

He saw her eyes widening when she saw the view.

"You have a paradise here, Chino." Marahang saad nito habang inililibot pa rin ang paningin sa paligid.

"I know." Sagot niya.

"Gusto kong mas makita." Tanong ni Lauren at lumakad pa palapit sa dagat. Nakasunod naman siya rito bitbit ang payong.

"Come here. Umaambon." Saad niya at hinawakan sa braso si Lauren para ilapit at isukob sa payong niya.

"You're right. This spot is really something, you're lucky to have this kind of view."

Mas lumakas ang hangin at humigpit ang hawak niya sa payong at ganoon din kay Lauren, kasabay ng paghampas ng malaking alon sa mabatong bahagi ng dalampasigan.

"Oh."

Kasunod ng malakas na hangin ay ang isa pang mas malakas na hangin dahilan upang matangay ng tuluyan ang payong nila. Hahabulin pa sana niya ang payong nila nang marinig niyang tumawa si Lauren.

"Kawawa naman ang payong natin." Sabi nito sa pagitan ng pagtawa.

"Come here, tara na. Mababasa tayo." Yaya niya rito.

"I don't mind a little rain." Sagot nito sa kanya at umiling kasabay ng pagyakap sa sarili.

"Nilalamig ka na kaagad. Come here, baka magkasakit ka."

"No. I'm strong and healthy." Umiiling pang saad nito at ibinalik ang tingin sa dagat. "There really is beauty in chaos."

"There is." Sagot niya habang dito naman nakatingin. "A stubborn beauty in chaos." Nakasimangot pang dagdag niya.

Bumaling din ito sa kanya at kumunot ang noo nito.

"Yes, I am pertaining to you, maganda ka pero matigas ang ulo mo. Halika na sa bahay. Dadalhin na lamang ulit kita rito kapag mas maganda na ang panahon."

"But I'm still enjoying the view and I'm fine."

"No. Baka magkasakit ka."

"Okay lang ako talaga."

"Dadalhin kita ulit dito. I promise." Sabi niya pa. Sumimangot ito pero sumunod sa kanya. Inialok niya ang kamay na kinuha naman nito.

Sa buong byahe pabalik sa bahay ng mga magulang niya ay may kasakay siyang basa at nakasimangot.

-

Ikalimang bahing na yata ni Lauren mula nang lumabas ito sa kwarto matapos makapaligo at magbihis.

"You okay?" Tanong niya.

"Yes. I'm fine."

"Bumaba na tayo at sumabay kina Mama na kumain. Nandito ang mag iina ni Esso, kasama rin nila ang parents ni Pia."

"Oh."

Magkasunod silang bumaba at nakatutok ang mga mata ng lahat kay Lauren.

He introduced her to them as his business partner.

The Audacity of Chino ArvesuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon