His mother and his Ninang shared a knowing look. Umikot naman ang mga mata niya, habang nagkibit balikat lamang si Congressman at ang Tatay niya. Ang hipag naman niya ay nakangit sa kanila. Sa tabi nito ay nasa high chair ang bunsong anak, habang ang panganay ay nakaupo na sa sariling upuan.

Ipinaghila niya ng upuan si Lauren sa tabi ni Pia.

Katulad nang nagdaang gabi ay kinakausap ng mga ito si Lauren habang siya naman ay nagbabalat ng hipon at naghihinay ng alimango para sa dalaga. Hindi na niya napansing nakatutok na pala ang atensyon ng mga matatanda sa ikinikilos niya.

-

"Hija, huwag mong kalilimutan ang birthday ko. Aasahan ko ang pagdalo mo." Sabi ng Dad  niya kay Lauren.

"Si Chino na ang bahala sa kanya. Sunduin at isama mo si Lauren." Ang nanay naman niya.

Pumaling siya kay Lauren at ngumuti naman ito habang kumakain ng mga binaatan niyang hipon.

"'Nak, sabihin mo kay Esso ay gumuho ang ilang bahagi sa may bundok dahil sa ulan, huwag muna kamo siyang umuwi." Saad ni Congressman at pareho sila ni Lauren na nag angat ng tingin dito.

"May landslide sa bundok, Ninong?" Tanong niya.

"Oo, noong isang araw pa kami umuulan, lumambot ang lupa kaya gumuho."

"Kailan po maaayos ang daan?" Tanong ni Lauren. "Kailangan ko po kasing bumalik sa siyudad."

"Pag alis pa ng bagyo, hija. Ayon sa balita ay bukas pa ang landfall ng bagyo kaya't maaring sa isang araw pa masisimulan ang clearing. Dumito na muna kayo ni Chino." Saad ni Congressman.

"Oo nga, hija. Dito ka na muna, narito rin naman sina Pia at ang mga bata." Sabi naman ng Mama niya at talagang may ngitian itong dalawa ng Ninang niya.

"Sige po." Sagot na lamang ni Lauren sa mga ito pero kita niya ang pag aalinlangan sa mukha nito.

-

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Lauren nang magsabi siyang lalabas siya.

"Sa bahay ko. Titingnan ko lang bago dumating ang bagyo."

"Iiwan mo ako rito?" Tanong nito sa kanya habang mukhang umaasa na isasama niya.

"Babalik din ako agad. Wala kang gagawin doon at mukhang excited ang hipag ko na makipag kwentuhan sa'yo."

"She seems nice." Sagot ni Lauren at lumabi ito. "Bakit kasi may landslide at bakit ngayon pa bumagyo? Marami pa akong dapat tapusing trabaho."

"Hey, stable naman ang internet connection at signal dito. You can still work, remotely nga lang."

"I know that. But I do not want to stay longer, nakakahiya sa mga magulang mo."

"They don't mind. Gusto nga nila ang may bisita dahil madalas na silang dalawa lamang ang narito."

Hindi na umimik ang dalaga at nagkibit balikat na lamang ito.

"I'll be back before you know it." Saad niya at lumabas na ng bahay.
-

Hindi niya napansin ang oras dahil sa ginawa. Sinugurado niyang hindi madadala ng bagyo ang bodega niya na nasa likod ng bahay niya. Pero ipinag-aalala niya na baka may kung ano ang natangay ng hangin na pwedeng sumira sa bahay niya. Nangyari na kasi noon na may malaking sanga ng puno ang nasa harap ng mismong pintuan niya ang natangay ng bagyo.

Inaalala niyang baka mamaya ay humampas iyon sa mismong bahay niya at mabasag ang bintana.

Iniisip niyang manatili na lamang doon dahil malakas na ang ulan at ganoon din ang hangin. Pero may bisita nga pala siyang kasama na nasa bahay ng mga magulang niya.

The Audacity of Chino ArvesuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon