Kabanata 28

8.2K 544 106
                                    

KABANATA 28

BITBIT ang isang malaking timba na punong-puno ng tubig, walang kahirap-hirap na naglalakad ng tuwid si Dalia. Sa harap ng kabayong si Olivia, ibinaba niya ang timba.

Hinaplos-haplos niya ang leeg ng anak ni Hiwaga. "Magandang araw. Nandito akong muli upang maglinis!"

"Senyorita, ito po ang pangkuskos at pamunas," magalang na inabot sa kanya ng isang binatilyong tauhan ang mga gamit.

"Maraming salamat, Juan." Nginitian niya rin ito.

Inilabas ni Juan si Olivia habang nag-umpisa nang maglinis ng kuwadra si Dalia. Ginagawa naman niya ito noong dalagita pa siya upang mabigyan ng dagdag na pera ng ama.

Subalit naiintindihan niya rin ang pagtitinginan ng ilang tauhan. Hindi sanay ang mga itong makita ang Senyorita Dalia na naglilinis ng dumi ng alagang kabayo, pati ang pagkukuskos sa bawat sulok ng kuwadra.

Nilingon niya ang mga tauhang nanonood sa kanya. Napapitlag ang mga ito at biglang nagkanya-kanya sa pagbabalik sa trabaho.

Ngumisi siya at napailing-iling. Bumalik siya sa paglilinis ng dumi. "Walang problema kung panonoorin niyo 'ko basta't wala kayong napababayaang trabaho!" malakas na turan niya sa mga ito. Hindi naman galit.

Hindi ikinakahiya ni Dalia ang ginagawa sapagkat wala namang nakakahiya sa paglilinis. Gayunpaman, matagal na panahon na'ng huli niyang ginawa ito. Kaya't hindi na siya gaanong kasanay at nakikita ang hirap niya sa loob ng isang linggong lumipas.

This is her little punishment for her "rampage" in the precinct, causing for her to accidentally punch the good police chief.

Tinanggap ni Dalia ang kaparusahan mula sa mga magulang sapagkat nagsisisi naman siyang totoo sa nangyari sa hepe. Katunayan, ang hepe ang pinakanakinig sa kanyang mga paliwanag nang walang panghuhusga.

Pagkatapos pa nga nitong magkamalay ay agad na bumalik sa presinto upang palayain siya.

What she would never regret was punching the other judgmental police officer—that staff sergeant Lanza. Napagalitan rin ito at napatawan ng karampatang suspensyon. Ngunit kahit hindi ito mag-serbisyo ng ilang araw, hindi rin naman talaga ito makakapasok sa lakas ng suntok ni Vier.

Napangiti si Dalia habang nagkukuskos. Hindi siguro dapat ginagalit ang isang Vier Valleroso. Lalo na't kung kukutyain si Dalia sa harapan ng mismong esposo. Ah, walang pag-aalinlangan ang pag-ibig sa kanya nito!

Aba't kahit napatawan din ng panandaliang suspensyon si Vier mula sa ospital, tinanggap lang nito. Hindi sa natutuwa siyang nadamay ang trabaho ni Vier para lang maipagtanggol siya. Gayunpaman, napupuno ang puso ni Dalia sa kayang gawin ni Vier para sa kanya.

"Ano ang naglalagay ng ligaya sa 'yong mga labi ngayon, sinta?"

Lalong napangiti si Dalia at pinagpatuloy lang ang pagkukuskos. Hindi niya muna ito nilingon. "Liligaya ka rin kung sasabihin ko."

He lightly chuckled and rested his hands on her waists. Marahan nitong pinisil ang isa kaya't napatuwid siya ng tayo. Nilingon niya na ito.

Ang suot ni Vier ay kapares ng kanya—puting kamiseta na may mahabang manggas at jumper na yari sa kupas na maong. Nakabota rin ito sa mga paa. Subalit walang pa ring tatalo sa maayos na pagkaka-suklay ng buhok nito.

Habang suspendido sa pagamutan, nag-presenta itong tulungan siya sa paglilinis ng mga kuwadra at pati kulungan ng mga baka.

"Katatapos ko lang maglinis ng tatlong kuwadra," anito, nakangiti habang diretso ang tingin sa kanya.

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Where stories live. Discover now