Kabanata 5

8K 516 259
                                    

KABANATA 5

"ITO ang mapapangasawa mo, Vier? Hindi kayo nababagay!"

Napataas ang kilay ni Dalia sa lalaking kaharap. Hindi siya nasindak subalit napakaanghang naman agad ng salitang natanggap niya mula sa taong hindi kakilala?

"Ramil, hindi maganda ang biro mo," mahinahong saway ni Vier sa kaibigan. He stepped forward to come in between them. "At huwag mong dinuduro si Dalia, hindi ako natutuwa."

Dahil matangkad, buong likod na lang ni Vier ang nakikita ni Dalia. Kailangan niya pang umurong sa gilid upang masilip ang reaksyon ng matalik nitong kaibigan.

Nakasimangot na si Ramil at matalim pa rin ang titig sa kanya nang magsalubong ang kanilang mga tingin.

"Nobya? Wala naman kayong pormal na kasunduan maliban sa parehas niyo lamang pinalulugaran ang tradisyon ng inyong pamilya. Iuwi mo na 'yang batang iyan!"

Bata?!

"Ramil, tumigil ka na. Hindi ito magandang pag-uugali sa harap ng aking bisita," malumanay pa rin si Vier.

Akmang may nais pang sabihin ang Ramil na iyon subalit nagtimpi na dahil kay Vier.

Sinadya ni Dalia na iikot ang mata at kumapit sa braso ng huli. Bahagya niyang pinatulis ang nguso. "Vier, darling, am I not welcome in here?"

Napabaling sa kanya si Vier at lumalam ang mga mata. "Huwag mong isipin iyan, Dalia. Pagpasensyahan mo na si Ramil. Mukhang wala pang maayos na tulog ang kaibigan ko."

"Kumpleto ang aking pagtulog! At maganda pa ang aking gising. Nagtungo pa 'ko rito upang masalubong ang pagdating mo!" singit ni Ramil nang hindi naman kinakausap.

Mas tumaas pa lalo ang kilay ni Dalia. Ano bang klaseng kaibigang lalaki ito? Hindi naman ganito ang nakikita niyang pakikitungo nina Marko at Andoy kay Timoteo, ah?

O, kakaiba ba ang isang kaibigang lalaki kapag sa siyudad? At paano ito naging matalik na kaibigan ng isang mabait at mahinahong tao katulad ni Vier?

Wala pang ginagawa si Dalia at mainit na agad ang dugo sa kanya nitong Ramil? Bakit—

Natigilan si Dalia nang makitang mas matalim na ang titig ni Ramil sa mga kamay niyang nakakapit sa braso ni Vier.

Hmm?

"Vier..." Sinadyang mas yumakap sa braso nito. "Vier, maaari na ba tayong tumuloy? Nais ko pa sanang makapagpahinga." Mas pinalambot at pinalambing ni Dalia ang boses.

Nasa kanya ang buong atensyon ni Vier. Humarap ito at hinaplos ang kanyang pisngi. Hindi inasahan ni Dalia iyon kaya't napatingala siya rito.

"Patawad sa abalang ito, sinta. Kakausapin ko si Ramil mamaya. Halika na sa loob at naghihintay na ang silid na hinanda ko para lang sa 'yo."

Napangiti si Dalia at nilingon ang kaibigan nito.

Mas lalong tumalim pa kaysa sa patalim ang mga mata ni Ramil.

Mas pinalaki ni Dalia ang pagngisi. Hindi man lang marunong gumalang sa panauhin at babae ang Ramil na 'to? Ngayon, kung magpapatuloy ang magaspang na pag-uugali nito sa kanya ay batid niya na kung anong magpapakulo lalo ng dugo nito!

"Vier, maaari mo bang hawakan ang baywang ko at alalayan ako papasok?" ani Dalia, sinadyang pinanghihina ang tinig. "Sa tingin ko'y nanakit ang aking balakang sa napakahabang biyahe. Nakahahapo!"

Agad na tumango si Vier at hinawakan siya sa baywang.

Ramil gasped violently. "Olivier, bakit ka nagpapa-uto?!"

Sa 'Kin Hanggang Wakas (Valleroso #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon