"Walang hiya talaga si Mama. Alam ko namang may point siya pero my god! Grrr. Sorry, James ah? Pasensya ka na talaga. Baka akala mo puro pera ang habol ko sayo." Umiling si Maggie.

Tumawa si James habang papapasok kami sa Alps at bumungad samin  ang iilang lagoon ng hot spring. "Maganda nga yun eh. Di ko alam na makakatulong pala yung pera namin para makuha kita... no sweat."

Kinurot ni Maggie ang tiyan ni James at hinalikan niya ang pisngi nito. Hinalikan din ni James ang labi ni Maggie.

"Get a room or something..." Sabi na nga ba bad idea ang pagsama sa dalawang ito.

"Doon tayo sa pinaka huling lagoon kasi wala masyadong tao dun." Sabi ni Maggie.

"Yeah right para makapaglampungan kayo sa harapan ko." Sabi ko.

Naglakad kami papuntang pinaka huling lagoon habang naglalampungan all the way ang dalawang kasama ko. Yung huling sinabi yata ni James ang bumuhay sa katawang lupa ni Maggie eh.

"Guess what, sis!" Kay laki ng ngisi niya paglingon niya sakin.

"What?" Umirap ako.

Tinuro niya ang isang lalaking naliligong mag isa sa huli at liblib na lagoon. Sparkling abs dahil sa tubig ang bumungad sa mga mata ko. Si Jacob.

"Jacob!" Sigaw ni Maggie.

Napalingon si Jacob samin at ngumisi. Sh1t! Paken sh1t! Ayan na! Lumangoy siya papunta samin at umahon. Pinipigilan ko ang sarili kong umiling at ngumiti habang nakikita ang nakabalandra niyang abs.

"Rosie, maligo ka rin, huh?" Sabi ni Maggie habang tinatanggal ang loose t-shirt niya para ipakita ang bikini top at maiksing shorts. Tinanggal na rin ni James ang t-shirt niya at naghalikan ulit sila bago pumunta sa lagoon.

Napatingin ako sa paligid. Walang tao. Dyusko! Ang PDA ng dalawa lalo na pag walang tao. Si Jacob naman ay nasa harapan ko with his sparkling abs... Sana nga wala siya dito eh. Kainis! Kaya ko namang mag isa habang tinitignan ang lampungan ng dalawa... Di ko kailangang... lunok... ng temptation.

"Maliligo ka rin ba?" Tanong niya nang nakangisi.

"Di..." Sabi ko habang tumitingin sa malayo.

"Sige na, Rosie... Maligo tayo."

Uminit ang pisngi ko kaya tinalikuran ko siya para pumunta sa cottage na pinaglapagan ni James ng mga gamit namin. Sumunod si Jacob. Maligo TAYO?

"Di na... Maligo ka na." Sabi ko habang inaayos yung gamit. Excuses.

"Bakit?"

Pumikit ako nang naramdaman ko ang katawan niya sa likuran ko.

Parang kinikilabutan ako pag nandyan siya eh. Iniisip ko yung flowers na binibigay niya araw-araw mula noong niligawan niya ako.

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon