300.

1K 42 11
                                    

ANTHONY

Marami ang paraan ng pagtakas. Kahit ano... kahit saan... pwede. Kaya rin siguro bilog ang ating mundo, para ipakita na kahit ano at kahit saan, walang limitasyon ang hangganan ng mga bagay at posibilidad na pwede mong marating.

Pero minsan, tumatakas ka lang. Tumatakbo. Kahit walang destinasyon, at walang lugar na nais marating ang puso mong hapo, pero patuloy mong hinahayaang maghanap. Ng kung ano? Dati hindi ko alam. Gusto ko lang maging malayo. Maglaho. Mapagod.

"Sabi ni Tito Benj, 'wag magmadali," sabi ni Xavi sa akin habang nagmamaneho ako pabalik sa bahay. Nasa likod siya ng Jimny ko katabi ni Belts. Wala nakaupo sa shotgun dahil para lang kay Rafaela 'yon. Sina Elliot, Matti, at Ken, nasa kotse pa ni Elijah at kasunod namin.

Gusto ko na sanang pumunta ro'n nang maaga para tumulong pero bigla silang nag-aya umalis. May inuutos daw sina Ninong Felix. Bibili lang pala ng mga alak at pulutan, kailangan pa sama-sama kaming lahat.

Si Daddy, pinilit din ako. Baka raw marami 'yong utos kaya samahan ko na lang daw muna ang mga kababata ko. Maaga rin daw pupunta ang mga ninong at ninang ko sa bahay namin, kaya marami na ring tutulong do'n at mag-a-asikaso.

"Ba't ba atat na atat ka umuwi? Do'n din naman tayo mamaya," sabi pa ni Belts habang nagbubukas na ng canned beer.

"May gagawin nga ako," sagot ko.

"Ano?"

"Mag-po-propose," maikli kong sagot at sabay silang tumawa. "I'm not kidding."

Do'n lang sila tumigil. Tinignan ko silang dalawa mula sa rearview mirror. Nakaawang ang bibig ni Xavi habang natigilang uminom si Belts.

"What? You don't believe me?" I asked them.

"This fast?" hindi makapaniwalang tanong ni Belts. "Ilang buwan pa lang kayo."

"Seven," I answered quickly. "It's not about the numbers, man. Kung sigurado naman ako, ba't pa ako magdadalawang isip?"

"Sabagay. Kung si Rafi rin naman hanggang dulo, 'yon na 'yon," duktong ni Xavi bago tinapik ang balikat ko. "Tang ina, bro. Akala ko tatanda kang binata at pokpok."

"Tang ina mo, Xavi!" natatawa kong pakawala kasabay nila ni Belts.

"Pero 'di nga?" habol niya pa. "Hindi mo kami inuulol? Tang ina ka, baka naman nilalaro mo lang kami ha!"

"Tapos na akong maglaro," ngiti ko.

I knew that the moment I saw Rafaela's sad eyes. Na hinding-hindi na ako maglalaro ng babae. Na hindi na ako ang magiging dahilan ng pagkabasag nila.

And I am sure, when I made her smile, that finished the game for me. I was sure then that I won't look back to the field where I am known as a player. To a game which I thought I have mastered.

Dahil hindi nilalaro ang mga babae. At hindi nilalaro ang pag-ibig.

"Mauna ka nang pumasok, brad," nguso ni Belts sa gate ng bahay habang buhat namin ang ilang cases ng mga beers na binili. "Hinahanap ka ni Tito Benj. May kailangan yata sa'yo. Sa likod na lang kami dadaan. Do'n din naman daw i-store muna 'yong mga alak, ipapalabas na lang later after dinner."

"I'll take that, Kuya Anthony," sabi pa ni Elijah na kinuha ang hawak kong case.

"Thanks, man."

Gabi na rin kami dumating sa bahay. Because of the holiday rush, mas natagalan kami sa traffic kaysa sa ginawa naming errands. But it's okay because we're just in time. Papunta pa lang din si Rafaela kaya hihintayin ko pa siya.

Part Two: Not Like the MoviesWhere stories live. Discover now