XIII

185 5 0
                                    

THE BLACK MANSION

CHAPTER XIII

Panay parin ang iyak naming dalawa ni Megan. Maski si Anya ay humagulgol na sa pag iyak. Tahimik namang lumuluha si Kevin na boyfriend niya habang ang mga kasama naming lalaki ay tahimik lang ngunit alam kong maging sila ay nagluluksa rin

"B-bakit siya namatay?" Mahinang tanong ni Kevin sa amin. Umiling si Megan

"We don't know... Bigla nalang siyang nawalan nang malay nung nasa baba pa kami. Dinala namin siya sa itaas at kinuha ko lang yung inhaler at pagbalik ko Wala na! Patay na siya!" Hinagod ko ang likuran ni Megan...

"Kasalanan ko ito eh... Sana di ko nalang kayo iniwan" Umiiyak na Saad ni Kevin

"Wala nang magsisihan pa... Imposibleng mamamatay nalang ng ganun si Jessica eh Wala pa namang isang oras mula nung nahimatay siya di ba?" Sabat ni Anthony

"Anthony narinig namin ang sigaw mo kanina... Anong nangyari?" Tanong ko sakanya.

Tiningnan namin siya. Kaming lahat. Huminga siya ng malalim bago itinaas ang Isa niya braso...

Napatakip kami ng bibig dahil sa nakita. Marami itong sugat at nagdurugo ito. Nakita kong umasim ang mukha niya dahil siguro sa sakit nun

"Anong nangyari?" Tanong ni Anya?

"Biglang nagspark yung planka ng kuryente at ako ang nasa malapit Kaya sa akin sumabog..." Napatakip Naman ng bibig si Anya bago humarap sa amin

"Guys, I just want to say sorry... Kung di Sana ako nagpumilit pumunta dito di mangyayari lahat ng toh" Pagsisisi ni Anya sa sarili

"Anya walang may gusto sa nangyari. Pwede bang wag mo nang sisihin yang sarili mo okay? Hindi mo Naman kasalanan eh" Pagsaway sa kanya ni Megan

"We need to get out of here... Kailangan nating makaalis dito... Hindi pwede tuh" Saad ni Terrence...

Sandali kaming napaisip hanggang sa naalala ko ang sinabi ng matanda

"May telepono dito di ba? Baka pwede tayong humingi ng tulong kay Nanay Esther" Saad ko.

"Tama! Ako na ang gagawa!" Agad na tumayo si John at kaagad naman siyang sinundan ni Megan

"Sasama ako! Baka kung ano pang mangyari..."

Nanatili paring Umiiyak si Kevin... Tinakpan ni Terrence ng puting kumot ang katawan ni Jessica... Habang si Anya naman ay yumakap sakin

"I feel heavy in this place... Feeling ko hindi lang tayo ang tao na nandito" Saad ni Anya. Nakahawak siya sa braso ko habang ako ay niyayakap lang siya

"Talagang Hindi lang tayo ang nandito. Remember what nanay Esther said. May mga iba pang nakatira dito na hindi natin nakikita" Saad ni Anthony

Sandali kaming natahimik... Hanggang sa... May isang bagay ang pumasok sa isip ko

"Do you think guys..." Huminto ako saglit sabay tingin isa isa sa kanila

"Do you think na hindi normal ang pagkawala ni Jessica?" Hindi sila umimik while Kevin was confusingly listening to me

"Di ba Sabi nga ni Anthony, Hindi basta namamatay yung mga athmatic people kpag Wala pang isang oras na Wala yung inhaler nila?... Guys... I think..." Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang sasabihin

"I think sinadyang kunin ng Kung sino si Jessica..." And with that, nakatingin na sila sakin. Sumiksik si Anya sa akin at naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya

"We need to know what's the real history if this house... Iba ang pakiramdam ko nang tumapak tayo dito. I feel danger and pakiramdam ko parang may nakasunod na tingin sa atin... Parang may nakabantay sa lahat ng kilos natin... Remember what Jessica said before? Nakita niyang may umagos na dugo sa shower imbes na tubig...  And then, Sabi ni Marie may nakikita siyang madreng itim... Maybe there's a mystery behind this house... You think may namatay dito?" Napaisip kami

Hanggang sa biglang pumasok sa isipan ko. Minsang nabanggit sa amin ni Nanay Esther na...

Dito mismo pinatay si Isabel... Ang bunsong anak nina Donya Isabella at Don Custodio

THE BLACK MANSIONWhere stories live. Discover now