"Eh kasi po hindi pa ako nakakapagbreakfast, kaya sobrang gutom na ako." sagot ko sa kanya sabay subo
"Ahh kaya pala. Parehas naman pala tayo." sabi niya pero hindi ko na siya pinapansin busy ako sa pagkain
Pagkatapos naming kumain lumabas kami at
"Salamat sa peace offering mo, nabusog ako." sabi ko sa kanya
"Walang anuman yun. Masaya pala pag may kasama kang kumakain sa mesa." sabi niya. Naguluhan ako sa pinagsasabi niya, lagi bang siya'ng nag-iisa??
"Bakit lagi ka bang nag-iisa?? Wala ka bang pamilya??" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami
"Oo, palagi akong nag-iisa may mga kaibigan naman ako pero busy silang lahat. Wala din akong kapatid. May family naman ako pero busy kasi sila mama at papa sa trabaho nila. Si Lola naman hindi ko nakakasabay kasi dinadalhan lang siya ng pagkain at yung personal maid ang nagpapakain sa kanya." mahabang sabi. Ayy ang lungkot naman pala ng buhay ng lalaking ito
"Kaya pala." Yun nalang ang nasabi ko sa kanya at yumuko
"Hahahahahahaha!" biglang siyang natawa. At yung ang ikinagulat ko ano kaya yung nakakatawa or baka pinagtri-trippan lang ako ng lalaking ito.
"Bakit anong nakakatawa??" tanong ko sa kanya na nakakatawa
"Ikaw kasi eh." anong ako?? Hindi naman akong nagjo'joke
"Anong ako?? Bakit mukha ba akong joker?? Kainis!" galit na sabi ko sa kanya.
"Eh kasi ang lungkot-lungkot ng mukha mo akala mo naman ikaw yung nasa position ko. At yung reaction mo parang namatayan ng aso." sabi niya na nakangiti.
Nag-uusap lang kami at nag-aasaran habang naglalakad palabas ng Mall na ito. Ang saya niyang kasama at ang gaan-gaan sa pakiramdam. Nung nakalabas na kami nag paalam na ako sa kanya.
Panget means Beautiful. :) HAHAHAHHAHA
YOU ARE READING
Miss Panget meets Mr. Panget
General FictionPANGET nga kasi ako. Bakit inggit ka?? Edi ma-inggit ka. HAHAHAHA!
Mr. Panget
Start from the beginning
