Cola's POV
Nasa Hospital ako ngayon dahil yung ate ko sumakit ang tiyan di ko nga alam kung anong nakain niya, nandito ako dahil ako ang napag-utusan na magbantay sa kanya. Nasa labas ako ngayon dahil nandun yung mga kaibigan niya sa loob binisita siya, di ko nga alam kung bakit may bumisita sa kanya eh sumakit lang naman yung tiyan niya atsaka di nman malala yung sakit niya kasi nga masakit lang yung tiyan niya.
Atsaka may marami naman kaming maid pero ayaw niya na ibang tao ang nag-aalaga sa kanya kasi di niya gusto mas gusto niya daw na ako or si Mama. Parehas kasi kami ni ate kahit na mayaman kami gusto parin naman mamuhay ng ordinaryong lang.
Nasa labas ako at naghihintay na lumabas na yung mga bisita niya kasi inaantok pa ako kulang kasi ako ng tulog kasi nagbasa pa ako ng story at wala pa akong breakfast. Gutom na ako at gusto ko nung kumain. Habang naghihintay ako biglang tumunog yung tiyan ko. Kainis naman oh.
Agad kong kinalkal yung laman ng bag ko at nagbabakasali na may biscuits or candy pero bigo ako kasi wala. Kinuha ko yung wallet ko kung may laman bang pera at meron nga 500 sayang naman to kung ipagbibili ko to, pero wala akong choice kasi yung monster sa tiyan ko nagwawala na at lumabas para bumili ng pakain.
Kainis magagastus pa tuloy yung 500 ko. Habang naglalakad ako papuntang grocery may nakabangga sa kin na lalaki at sobrang sakit ng mukha ko ikaw ba naman ang mabangga sa napakamatipunong dibdib ng lalaking to.
"Ouch!!" ang arte ko. Sa lahat ba naman nasabi ko 'ouch' yng lumabas sa bibig ko. Dapat kasi 'aray' pero di ko na inabalang na isipin pa yung sinabi ko.
"Sorry, Miss ha. Okay ka lang ba?" sabi ng lalaking nakabangga sa'kin. Napakaganda ng boses niya buong-buo parang musika sa aking mga tenga. Ano ka ba naman Cola kung ano-ano na yung iniisip mo.
"Ano sa tingin mo?? Syempre hindi ikaw ba namn ang mabangga sa napakatigas mong dibdib tignan natin kung hindi masakit. Parang nagcrack yung skull ko." Sabi ko kay Mr. Stanger. Ay!! Puteks ang napakagwapo naman ng lalaking ito. Nakaglasses siya, mestizo, napakaitim ng mga buhok at bumagay ito sa kanya dahil sa napakakinis ng balat niya. Hindi ko masyado masabi yung kulay ng mga mata niya dahil nakaglasses siya, matangos ang ilong at napakapula ng mga labi niya, naglip gloss ba tong lalaking to?? Eh mas mapula pa yung labi niya kaysa sakin. Bigla naman'g nahinto ang pagde-describe ko sa mga mukha niya dahil nagsalita siya.
YOU ARE READING
Miss Panget meets Mr. Panget
General FictionPANGET nga kasi ako. Bakit inggit ka?? Edi ma-inggit ka. HAHAHAHA!
