Mamasita

442 10 0
                                    

-background info-

(Have u watched Partners in Crime? if not well makakrelate ka parin naman, alalahanin mo lang yung suot ni Vice na suit na sa likod ay sexy na lingerie type of clothing. Enjoy:))


-start-

Patapos na ang shooting ni Vice nang biglang dumating si Ion.

Hindi kaagad napansin ni Vice ang jowa na nasa loob ng tent nya dahil busy sya na mangulit sa mga kaibigan nyang staffs at sa kalagitnaan nga ng panonood ni Ion sa asawa na nagkukulit ay napansin nya si Jacque na P.A ni Vice sa gilid, may hawak syang bathrobe.

Nilapitan ni Ion si Jacque at tinanong. "Pack-up nyo na ba?" 

Tumango naman si Jacque. "Kanina pa kuya, nakapag-ayos na nga po kami ng gamit e si ate nalang ang hinihintay namin na magbihis o kahit magbalot manlang ng bathrobe"

Kinuha ni Ion ang bathrobe. "Ako na dyan at mauna na rin kayo kasi saakin sasabay si meme"

Agad naman na sumunod si Jacque kay Ion. Sa kabilang banda naman ay nakita ni MC si Ion kaya agad nyang nilapitan si Vice upang ipaalam ito sakanya ngunit patuloy parin ito sa pangungulit kung kaya't di nya ito makausap o malapitan manlang.

"Ay bahala ka na nga dyan, meme. Lagot ka sa asawa mo, nakahubad ka pa" Natatawang babala pa ni MC sabay takbo papalayo kay Vice.

"Anong asawa? Gago nasa bahay si Ion, hindi nya ako makikita" Natatawa ring sabi ni Vice pabalik.

Hingal na tumatawa pa nga si Vice matapos ang maiksing usap nila ni MC pero natigil ang pagtawa nya nang makita tumigil na rin sa pakikipaghabulan ang mga kasama nya dahil lahat ng ito ay nakatingin na sa likuran nya. 

Nang marealize ni Vice na lahat sila ang nakatingin sa lukuran nya at lumingon na rin sya at doon nya lang nakita ang asawa nyang nakapamewang sa isang gilid habang hawak ang bathrobe nya.

"Babe!" Masaya pang salubong nito sa asawa sabay tungo sa harapan nito hudyat na naghihintay sya ng halik sa noo.

"Magpalit ka na ng damit mo, lalamigin ka pa dyan sa ginagawa mo e" Seryosong utos ni Ion sa asawa.

"Tinatamad ako, babe"

Napasinghal si Ion. "Magpalit ka na" Ma-awtoridad nitong utos muli.

"Akin nalang yang bathrobe, susuot ko nalang yan hanggang bahay" 

Inabot naman ni Ion ang bathrobe rito dahil hindi nya talaga ito mapilit na magpalit at gusto nya na ring umuwi kaya hinayaan nya na ito.

-fast forward-

Nakauwi na ang dalawa. Naunang umakyat si Ion sa kwarto nilang dalawa ni Vice dahil alam nyang mag-aayos pa ang asawa bago matulog.

Nakahiga na kaagad si Ion dahil bago nya sunduin ang asawa y nakapaglinis na sya kaya naman ang tanging ginawa nya nalang ay ang maghubad ng tshirt bago sumampa sa kama.

Makalipas ang ilang minuto, bahagya nang nakapikit ang mga mata ni Ion at halos patulog na nang maramdaman nya ang kaonting galaw mula sa paanan ng kama nila. 

"Babe?" Tawag pa nito.

"Yes?" Sagot naman ni Vice.

Napamulat ng mata at napa-upo si Ion dahil hindi sya makapaniwala na tapos nang mag-ayos ang asawa nya at paakyat na ito kaagad ng kama nila.

At tulad nga ng inaasahan nito, hindi parin nag-aayos ang asawa. 

"Babe, ano ba yang suot mo? Magpalit ka na nang makatulog na tayo" Medyo iritado na si Ion at napapakamot na ng ulo.

"Last shoot na naman kanina, pwede ko na tong isuot hanggang bukas dahil hindi naman to need agad na labahan" 

"Kahit na. Hindi kumportableng pantulog yan"

"Sino ba nagsabing matutulog na ako?" Pagaasaar pa ni Vice sa asawa sabay marahan na gumapang papalapit dito.

"Babe, kapag hindi ka pa nagpali--"

"Bakit mo ba ako gustong magpalit? Hindi ba ako sexy dito?" Nakasimangot na tanong nito.

"Sexy...sobrang sexy kaya dapat magpalit ka na kasi kung hindi..." Pinulupot ni Ion ang kamay sa bewang ng asawa sabay hinila ito papalapit sakanya. "...baka mapilayan kita"

Kinabahan si Vice ngunit nangingibabaw ang excitement nito sa ginawa ng asawa nya sakanya.

"Wag kang ngumiti dyan dahil may showtime ka bukas at mapapagalitan ka ni direk pag di ka nakapasok dahil sa biglaang pilay mo" Pahabol na babala ni Ion bago humiga at tuluyan nang natulog.

VICEION One Shot StoriesWhere stories live. Discover now