Yung ganda natanggap ko kanina. Tapos ngayon malalaman ko pa na ganito katalino. Kapag sobrang talented pa nito uuwi na lang ako sa amin.

"You are an Attorney, Prof?" Curious na tanong.

"Don't you know how to read?" Supalpal nito sa'kin. Sana pala diko na lang tinanong. Nakakasama na siya ng loob.

Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa.

I was about to walk out of her office when I heard her cleared her throat.

"I am not dismissing you yet, Constantine. Learn to wait for me." May diing wika nito. Feeling gold talaga siya kahit kailan. Sa lahat nalang ng mga bagay kailangan siya number one. Superiority complex niya ay halatang halata.

"Pardon me, Professor." I replied while looking straight to her inviting dark orbs.

"You are here because I want you to be the representative of your section in my class. So that the communication will be easier. I will be asking you to create a group chat for your section. You don't need to add me in the group chat. I will just rely my messages through private message. I am very busy and I cannot afford to have a flooding social media notifications because of the chats and message request. I hope I made myself clear." Seryosong saad nito ako naman ay hindi nagbaba ng tingin at naka-titig parin sa Mata niya. Ang ganda nung Mata niya. Nakakalunod na ewan.

"What's your username po?" I asked while averting my eyes and fishing my phone in my pocket.

"Reverence Villafuente." Sagot nito na ikinatango ko. Agad naman akong nag-send ng message request na random at agad ini-unsend para hindi ko makalimutan na replayan at i-chat siya about our class schedule.

"You may go, Constantine." She said dismissively. Agad naman akong tumango bago lumabas at kinabig ang pinto ng office niya. RDV na naka-encrave sa pinto niya.

Ngayon gets ko na kung bakit ganun na lang ang respect and admiration nila kahit masungit ang Professor na 'yon.

With her face, brain and style of teaching. Umuwi na lang ang hahamon ng pagalingan. Some of her colleagues admired her for being one of the most important part of the board of the school. Her opinion matters.

Paano ko nalaman? Nag-search ako about her. Her private life is not accessible tho.

Pero masama parin ang loob ko dahil naging taga-bitbit lang ako ng gamit niya.

****

"Ruelle, papunta ka din ba sa cafeteria?" Tanong ni Hailey. Agad naman akong tumango sa kaniya habang siya naman ay sumabay ng lakad sa akin.

"Kumusta ang meeting with RDV?" Tanong nito nilang pagbubukas ng pag-uusapan namin.

"It was nothing serious. She was asking me to create a GC for the class and she will just rely the message through private message. Parang class representative lang." Seryosong saad ko.

"Ah, you are one of those class representatives of RDV. Good luck. Madalas kasi sila ang napag-iinitan dahil sila ang representative ng class. If ever na makalimutan nila i-annouce yung announcement niya ay magdadasal na lang tayo na kuhanin na tayo ng liwanag." May paglalarong ani nito. At hindi nakakatuwa yung sinasabi niya.

Pero hindi na ako naniniwala na joke lang 'yon. Kasi feel ko talaga kaunting maling galaw namin ay kaya niyang ipagunaw ang mundo. She is pretty petty like a devil.

LoverWhere stories live. Discover now