"Sa totoo lang lahat ng toh kaya kong tiisin, Tita Yrene give me a favor na samahan at alagaan ko daw ang anak niya at siya na bahala sa pag-aaral ko, ulila na akong lubos, and I don't have someone na, so I grab this chance para naman gumaan yung dinadala ko, lahat ng paninigaw ni Sir Lance, ung pangmamaliit niya?I can take all of that,"

"Don't worry, dadalasan ko ang pagpunta dito para naman may kausap ka,"

"Thanks Steph, sana ganyan den kabait si Sir Lance,"

"Mabait yan, I know na lalambot den yan, trust the process,"ngumiti ito at saka kumindat

Pakakuha ko ng tubig ay nilagay ko ito sa maliit na mesa sa tabi ng kama ni Lance at saka sinamahan si Steph palabas.

"Uhmm, Ikaw na bahala sa kaibigan ko ah, nice meeting you Farah, see you tomorrow,"pahayag nito at saka kumaway bago pumasok ng kotse

"Nice meeting you too, ingat,"sagot ko na lang at saka pumasok

Pakasara ko ng mga pinto ay umupo muna ako saglit sa tabi ni Lance at pinagmasdan ang napakaamo nitong mukha.

"Hay naku, kung palagi ka lang sanang tulog Lance edi payapa ang bahay, look how angelic your face is, wag ka nang magagalet palagi, kaya naman pala hindi ka maiwan-iwan ni Mama Paula eh, ganyan kagwapo mukha mo, sino ba naman hindi madadala sa ganyang mukha?,"

...

Pakagising ko pa lang ng maaga ay agad na akong naglaba ng mga maduming bedsheet at mga damit para maaga akong matapos at makapunta sa University.

Habang nagva-vacuum ako ng sahig ay biglang...

"SINO ANG NAGBUKAS NG KURTINA AT ILAW!!!,"biglang sigaw galing sa kwarto ni Sir Lance

Agad akong tumakbo papunta sa kwarto nito at pumasok.

"S-Sir?Goodmorning po,"pahayag ko at bakas sa mukha nito ang inis at galet

"Nasan ung mga alak ko?Where's my cigarette!?WHY DID YOU OPEN UP THE CURTAIN!F*CK ANG KULET MO SOBRA!,"galit nitong sigaw

Tiningnan nito ang mukha ko na para bang may binabasa sa kaloob-looban ng pagkatao ko.

"Uhmm, pasensya na Sir, I just open up those curtains and clean up your room, ang dumi-dumi na po, andaming mga broken wine glass, mga punit na papel at mga upos ng sigarilyo,"pahayag ko

"The hell!?Sinabihan ba kitang linisin mo ang kwarto ko!?Diba hindi!?Then, go, if you called yourself a "Maid" then stick with your role!You will never enter my room without my permission!Naririnig moko!?Itatak mo sa maliit mong utak yan!GET OUT!,"sigaw nito at saka ako napayuko at dahan-dahang umalis, kasabay ng malakas na pagsara nito ng pinto

Hindi na napigilan ng luha ko na hindi pumatak sa saket ng pananalita na binitiwan ng lalaking yun!

Gusto ko siyang sagutin, gusto kong isumbat lahat ng ginawa ko pero hindi tama na gawin ko yun.

Ang bigat ng pakiramdam ko, gusto kong sumigaw, gusto kong umiyak ng malakas!

Patakbo akong bumaba ng hagdan at pagbukas ko ng pinto ay bumungad saken si Steph..

"Goodmorning Farah, I brought some... b-breakfast,"mahinahon nitong pahayag ng makitang umiiyak ako

Dinaanan ko na lang ito at patakbong lumabas muna ng gate at umupo sa tabi ng kalsada, sa harapan lng ng bahay

"Nagmamalasakit lang naman ako pero why do he act like that na para bang hindi tao yung sinasabihan niya!?ARRGHHH!,"

"NO!WAG KANG MAGPAPATALO FARAH!YOU DON'T DESERVE NA UMIYAK DITO SA LABAS!,"

Napakuyom ang mga palad ko at gigil na tumayo.

"MALIIT KO PA LANG UTAK AH!?,"gigil kong pahayag at padabog na bumalik sa bahay

Nakasalubong ko si Steph na may dalang coffee na balak sana dalhin sa taas pero nanlaki ang mata nito ng makita ang nag-uusok kong tenga at ilong sa galit!

"Oopppss,"pahayag nito

"NASAN ANG LANCE NA YAN!?,"

"N-Nasa kwarto niya,"napakamot ito sa ulo pakatapos sumagot

Padabog akong pumunta doon at pumasok.

Pakabukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko agad ito na nakatalukbong ng kumot sa kama.

Agad kong kinuha ung isang unan at malakas yun na binato sa kanya!

"HOY!Kung akala mo nakakatalino yang panlalait mo sa kapwa mo, pwes hindi!Kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo ako mapapaalis!Tandaan mo yan!ARRGHHH!NAKAKAINIS KA!?,"inis kong sigaw at saka pa kumuha ng isang unan at pinaghahampas ito

"Hindi mo iniisip yung mararamdaman ng iba kundi sarili mo lang!,"

"Ehemmm,"napatigil ako bigla ng may isang lalaki ang lumabas ng banyo

Nilingon ko ito at...

"S-Sir Lance?,"

"Yeah?,"

"S-Sino toh..,"

Tiningnan ko ulet ung kama at unan lang pala at kumot ang pinaghahampas ko..

"It is totally clear now na balak mo akong patayin,"nakangisi nitong saad

Napatayo na lang ako sa hiya at saka bumuntong-hininga.

Napatitig ako sa napakagandang-katawan nito na tanging tuwalya lang ang nakatakip dito.

"Uulitin ko Mr. Cordiller!Kung matigas ka, mas matigas ako!Ginagawa ko yung trabaho ko dito, naiintindihan mo!?Yun ung alagaan ang isang ISIP-BATANG katulad MO!,"

Napakunot ang noo ito at saka tinitigan ako.

"Sinong isip-bata!?Ako!?Sino kaya saten yung umiyak kanina na para bang inagawan ng lollipop!?,"tanong nito at pinakawalan ang nakakaasar nitong ngiti

"HOY!Wala ka nang pake dun!Alam mo, hindi ako magtataka kung baket iniiwan ka ng nanay mo eh, you know why?Dahil ang tigas mo!Bato ka!And you don't care about what others might feel!Puro ka salita!Jan ka magaling!,"sagot ko dahilan para magsalubong ang mga kilay nito

"Tumigil ka,"mahinahon nitong sambit

"Baket?Totoo naman ako ah, I will never stop shouting at you until marealize mo na Ikaw yung mali dito at nagmamalasakit lang kami!,"

"I SAID STOP!,"sigaw nito at mabilis ako nitong kinulong sa mga bisig at mariing hinalikan sa labi

Nanlaki ang mata ko sa tindi ng gulat na naramdaman ko.

"Farah!?What!?Lumaban ka!Do something!,"sigaw ng utak ko pero bakit parang hindi ako makagalaw!?Bakit hindi ako makagawa ng kahit anong kilos na mapigilan ang ginagawa ni Lance!?








Lance and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon