"May mga binili nga pala akong snack mo at gamot na rin para sa pananakit ng puson mo,"biglaang ani nito na siyang dahilan ng pagmulat ko at napagawi agad sakaniya ang atensyon ko. Na ngayon nga ay inilalagay niya ang supot ng kaniyang mga pinamiling pagkain at nakita ko rin ang ilang piraso ng tabletas na nakalagay na sa side table ko.

"Hindi nga sabi ako umiinom ng gamot!"inis na aking ani rito at binigyan siya ng masamang tingin.

"Magandang inoman mo yan ng gamot para mawala ang sakit,"ani nito gamit ang malambing na tinig.

"Ayaw ko nga! At'saka hindi mo naman ako kailangan bilhan ng mga gan'yan. Hindi ko kailangan ng mga 'yan, Deo. Ayaw kong isipin na nagiging abusado na'ko sayo,"aking ani rito na halata ang inis ko.

"Nireregla ka lang kaya ka nagsusungit. H'wag mong intindihin 'to. Dahil maniningil rin ako balang araw. Isipin mo na lang na lahat ng 'to ay utang mo, na kailangan mo ring bayaran pag naka-luwag kana o pagdating ng araw."

"So, kaya mo lang pala ginagawa ang lahat ng 'to para magka-utang ako sa'yo? Aba ang tindi mo rin. Sana nagsabi ka na nagpapa-five six ka pala, e' di sana naka-utang ako ng malaking pera sayo. Baka naman malaki ang isingil mo sa mga inutangan ko kuno sa'yo pagdating ng araw na sinasabi mo,"ani ko rito na halata ang sarkasmo sa aking boses.

"Galit ka? H'wag mo na nga lang intindihin ang mga sinabi ko. Kumain kana lang ng mga pinamili kong snacks para sayo ng sa gan'on ay maka-inom ka na rin ng gamot pagkatapos," pag-iiba nito ng usapan dahil nahahalata niya na nga ata na naiinis ako.

"Ayaw ko nga sabi! Kung gusto mo ikaw na lang uminom ng gamot na 'yan. Pinapainit mo lang lalo ulo ko," ani rito ko at hindi na ito pinanisin, bagkus ipinikit ko na lamang ulit ang aking mga mata.

Dahil kung hindi pa 'ko titigil ay baka kung ano-ano pang masabi ko. Lalo na at parang kumukulo ang dugo ko kaya nakakaramdam ako ng inis. Basta sobrang highblood ko lang ngayon, dahil nga ata sa nireregla ako.

Mga ilang minuto rin ang naka-lipas ang akala kong Deo na naka-alis na sa aking kuwarto ay andito pa pala. Na ngayon nga ay naramdaman ko ang paglapit nito sa kinalalagyan ko. Naramdaman ko rin ang paglubog ng aking kama at ang paglapit pang lalo sa'kin nito. Ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at nanatili pa rin akong naka-pikit.

Ngunit nagulat na lamang ako ng may biglang dumamping malabot na bagay sa aking mga labi  na siyang dahilan ng pagmulat ko ng aking mga mata. At natuod na lamang ako sa aking kinalalagyan ng saktong pagmulat ko ng aking mga mata ay siyang mukha niyang sobrang lapit ang aking nabungaran. Na ngayon nga, ang malabot pa lang bagay na dumampi sa aking mga labi ay siyang mga labi niya pala.

Sa pagdamping iyon ay nanatili lamang tikom ang aking mga labi at nagtataka  sakaniyang gina-gawa. Na ngayon nga ay  ang akala kong pagdampi lamang ay pinipilit niya ng buksan ang aking mga labi. Hinawakan niya pa ang aking baba upang mas mailapit ang aking mga labi rito. Ngunit imbis na pahintoin na siya sakaniyang ginagawang paglalapastangan sa aking mga labi, ay nanatili lamang akong hindi maka-galaw. Tila bigla na lamang na paralyzed ang aking katawan at ngayon nga ay hindi ko makuhang manlaban.

Ngunit ng maka-huma rin kala-unay ay pinilit ko na rin siyang itulak palayo sa'kin. Ngunit sadyang malakas siya, kaya parang wala lang sakaniya ang pwersa ng aking pagtulak at mas lalo lamang idiniin ang kaniyang mga labi sa akin.

"Hmmm,"aking ani sa gitna ng magkadikit naming labi. At imbis na intindihin ang patulak ko sakaniya ay hinawakan niya lamang ang aking mga kamay. At agad na kinagat ang aking labi dahilan kung bakit napanganga na lamang ako. Na sa pagnganga kong 'yon upang umani ng daing ay siyang naging dahilan ng pagpasok ng kaniyang dila sa aking bibig. Nararamdaman ko ang paggalaw nito sa loob ng aking bibig at tila may inilalagay na isang bagay na siyang sobrang pait. Pilit ko itong nilalabanan gamit ang aking dila ngunit sa ginawa kong 'yon ay siyang dahilan ng paghigpit ng pagkakahawak niya sa aking mga kamay.

Na kala-unay habang nakikipaglaban rito gamit ang aking dila ay wala na akong nagawa kundi ang malunok ang bagay na iyon. Ang pait lintik! Halos gusto kong isuka ang bagay na iyon ngunit hindi talaga ako tinitigilan ni Deo at nanatili pa ring nakalapat ang ang mga labi.

Grabe na rin ang lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras ngayon. Tibok na 'di ko mawari kung bakit ko na naman nakakaramdam ito.

Nang maramdaman niya siguro sakaniyang mga dila na wala na ang tabletas sa aking bibig, ay bigla na lamang lumuwag ang pagkakahawak nito sa aking mga kamay. Ang madiing pagkakalapat ng aming mga labi kanina lamang ay biglang na lamang naging magaan.

Na ngayon nga ay parang hinahalikan na'ko nito ng walang dahilan. Na tila ang halik nito ay may ibinibigay ng ritmo sa aking mga labi. Kaya imbis na man laban pa ay tila nang hina na ako sa aking kinalalagyan at kusa na lamang napa-pikit ang aking mga mata.

Dinadama na lamang ang paggalaw ng bibig nito sa aking mga labi. At ang kaninang daing ng pagtutol ay napalitan na lamang ng daing may ungol.

Napapa-ungol na, dahil sa kakaibang hatid na sarap na ibinibigay ng mga labi nito sa aking mga labi.

Ngunit ng handa na sana akong tugunan at mas palaliman pa ang halik nito ay siya namang paghinto nito at inalis na ang pagkakalapat ng aming mga labi.

"Okay that's enough. Nainom mo na ang gamot,"kaniyang ani na lamang bigla pagkatapos maghiwalay ng aming mga labi. 

At agad na lamang lumabas ng aking kwarto na walang lingon lingkod.

Dejavu!?

Naiwan na naman akong tulala at nakatingin sa pintong kaniyang nilabasan.

"Ano 'yon?!"kunot nuo at inis kong tanong sa aking sarili.

Nararamdam ko na naman ang paglukob ng inis sa aking sistema. Napapasabunot na lamang ako sa aking buhok sa sobrang inis at ng ma-realize ko rin ang kahihiyang aking ginawa. Na muntikan na rin akong bumigay sa halik nito.

"The fudgebar! 'Yong first kiss ko nasayang lang sa bakla! Nilapastangan ng bakla 'yon ang labi ko!"gigil at inis na mahina kong ani sa aking sarili at napasabunot na lamang.

Nang maka-huma na ay agad ko na lamang inabot ang bottle water sa side table ko na kasama sa mga nakalagay sa supot at tinungga ito. Ngunit ang inis na aking nararamdaman  ay hindi pa rin talaga humuhupa. 

Pangalawa na 'to, Deo. Namumuro ka na sa pabitin mo'ng bakla ka!

Mas lalo lang akong nalilito at nahihirapan!

Walangyang bading !

Kapag ako maka-ganti paniguradong siya naman ang bibitinin ko!

Pero kasi may boyfriend na siyang tao. Lintik! Bakit niya ba kasi ginawa 'yon?

Ginawa niya lang ba 'yon para painomin ako ng gamot?

Lintik na way ng pagpapainom niya. Ang sarap ng magka-sakit. I mean ayaw ko ng magka-sakit!

Argeh!

Makakaganti din ako  sa'yo, Deo. Sinisigurado ko...

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now