Chapter 7

302 13 0
                                    

Xylus' POV

"Yes, she's alone. Bukas pa kasi kami makakauwi ng daddy niya."

"Tita, is it okay if I accompany her?" I asked while getting my car keys.

"Of course! Make sure she doesn't stay late. Alam mo namang bawal magpuyat ang buntis," paalala niya naman.

"Opo, tita. Thank you po, ingat po kayo ni tito."

"Thank you, hijo. Kayo rin." Pinatay ko na rin ang tawag at lumabas na ng bahay.

It's quite raining so I ran to my car and immediately drove away.

Hindi ako mapakali, nag-aalala ako kay Carlyn dahil baka mamaya ay mapano siya dun sa kanila. Mag-isa pa man din siya kaya mas lalong delikado.

Mabilis lang naman akong nakarating sa subdivision nila dahil wala namang trapik. Bumili muna ako sa convenience store malapit lang sa subdivision nila ng mga pagkaing alam kong cravings ni Carlyn.

Pagkatapos kong magbayad ay agad na rin akong dumeretso sa bahay nila dahil lumalakas na ang ulan.

"Xylus? What are you doing here?" bakas sa kanyang mukha ang gulat nang buksan niya ang pinto.

Ngunit mas nangibabaw sa paningin ko ang tila namumugto niyang mga mata.

She did cried.

"You didn't turned off the call and I heard you crying. Tinatawag kita pero hindi ka nasagot kaya pumunta ako dito," paliwanag ko habang hinuhubad ang jacket ko. "What's wrong?"

"A-ah, wala. M-may hindi lang ako maintindihan eh," she's  stuttering. Something is definitely wrong.

"Do you need my help?" I asked again.

"Yes," dahan-dahan naman siyang tumango kaya hinubad ko na rin pati ang sapatos ko bago pumasok sa loob.

Inuna kong puntahan ang kusina para initin ang mga nabili ko samantalang si Carlyn naman ay bumalik na sa sala.

When I went there with all the foods I bought, I immediately sat on the carpet with her.

"Anong hindi mo maintindihan?" tanong ko at inabot ang pagkain sa kanya.

"Uh..." she looked everywhere as if she was trying to find an answer. "I forgot."

Napailing na lang ako tsaka kinuha ang libro niya pati na 'yung highlighter.

Habang minamarkahan ko ang ibang mga topic sa libro niya ay agad nakuha ang atensyon ko ng isang bakas ng luha sa pahina.

Why is she crying?

May problema ba siya? Kung meron, bakit hindi niya sinasabi sa akin?

I suddenly sense that someone is watching me and when I looked up, she's looking at me with a small smile.

God, she's so cute.

"Adik ka ba?" pang-aasar ko at tila natauhan naman siya. "Para kang sira diyan na nakangiti."

"May naisip lang! Basag trip 'to eh!" she yelled and I just laughed at her.

Pinatapos ko muna siyang kumain bago ko siya tinutor sa mga topics na hindi niya talaga maintindihan.

Nag-aral na rin ako ng mga topics na hindi ko pa nababasa hanggang sa inabot na kaming dalawa ng madaling araw.

I looked at her and she's already dozing of, pero pinipigilan niya lang.

"Bukas na 'yan. Matulog ka na." Sinara ko na ang hawak kong libro at kinuha rin 'yung hawak niya tsaka ito inilagay sa lamesita.

I helped her stand up and guide her to her room.

Instant Daddy✓ Where stories live. Discover now