"Buy me a comdom. 'Yong strawberry flavor." My brows arched.

Seryoso ba siyang strawberry flavor? O mas magandang tanong, bakit may flavor ang condom? Am I outdated? Bakit ngayon ko lang alam 'to?

"C-Condom? Oh, okay."

"Here," inabot niya sa akin ang one hundred pesos.

Hindi ko na siya sinagot pa lalo na't nawala na naman ang mukha niya sa mood.

Walang pasabing umalis ako ng apartment, kahit sa pagbaba ko ay sarado ang tinitirahan ni Tita Cass. Sabagay, alas otso pa lang ng umaga. Marahil ay tulog pa ang mga ito.

Naglakad ako papuntang labasan at nakasakay agad ng tricycle.

I opened my phone and tapped Google Maps.

I looked for a convenient place where I could buy everything I needed.

Ilang scroll ko pa nang may nakita akong market at convenience store na p'wedeng bilhan ng magagandang klase at murang produkto.

But this time, tutungo muna ako sa isang mall para bilhin ang ilang hygiene kits na para sa akin.

Buti na lang at isang sakayan lang pagpunta sa mall kaya hindi na ako nahirapan. I paid my fare and entered the mall.

Agad akong nagtungo ng drugstore since do'n ko lang mabibili ang ilan sa mga pangangailangan ko.

Kuha there, kuha here and everywhere.

I even checked the prices if may mas mura and magandang quality bago ko nilagay sa cart.

◦•●◉✿✿◉●•◦

NANDITO ako sa grocery section.

Bumibili ng makakain. Pang stocks lang sa bahay dahil mukhang wala akong mapapala sa roomate ko.

Para talagang wala siyang balak sa buhay niya.

He looked wasted.

Parang patapon na ang kanyang buhay. I can't help but get annoyed.

His presence and the way he spoke to me.

Nakakairita!

Napatigil ako sa pag-iisip nang may naramdaman akong bumunggo sa aking likuran.

"Oh my gosh! Sorry, hijo!" napatingin ako rito at napansin ang isang magandang babae na may dalang stroller.

Ang cute ng baby! Gosh, gusto kong kunin at yakapin.

"Okay lang po, ma'am. No worries." napatingin muli ako sa kanyang baby na ngayon ay nakangiti sa akin kahit may mask ako.

Pigilan niyo ako! Gusto kong kurutin ang pisnge ng bata!

Napabalik ang tingin ko sa ina ng bata.

I bet she's in her 40s but she looks young. Aging like a fine wine.

"Hawig niyo po 'yong baby." nasabi ko na lang.

The mother smiled.

"Sabi ko na nga ba. Hawig ko talaga si Luna!" nagulat ako sa paraan ng kanyang pagsasalita.

"Ang cute nga po ni baby, eh. She' so pretty po and kuhang kuha niya po 'yong mga mata at lips niyo po." I complimented.

"Buti ka pa napansin mo pagkakahawig namin," she sighed afterwards. "She's the last in our family. Humabol pa talaga, eh. Ang layo tuloy ng age gap niya sa mga kuya niya!" She added.

Parang nanay na nanalo sa debate ng kaniyang asawa kung kanino mas hawig ang bata. Ang cute pa ng pagkakasabi niya.

I was quite shocked with what she said, "I can sense that she'll gonna be the next Miss Universe in the future," I smiled at the baby and bid my farewell to them.

Four Of UsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ