At kahit hindi naman namin sabihin ay alam naming na na-trigger ang insecurities niya. Natakot lang naman siya pero hindi sa lahat nang oras ay si Dean ang manunuyo.

Si Dean naman ay hindi rin naman nagkulang kay Ivy. Tuwing umaga ay siya ang naghahatid ng pagkain namin dito sa Condo nila. Sinasabi lang namin saknya na si Bebi ang bumibili Ng mga iyon dahil ayaw namin ipahalata Kay Ivy na hindi siya matiis ni Dean.

Tuwing dadarating siya ay tulog pa si Ivy at hinahalikan niya muna si Ivy bago siy umalis. Kahit na ganyan ay hindi niya nakakalimutan ang responsibilidad niya sa mag ina niya. Sana lang ay mag ka ayos na sila.






I V Y

Nagising ako dahil may naramdaman akong huamlik sa aking noo. “Anong ginagawa mo dito?” Gulat na tanong ko sakanya.

“Sorry, I was just leaving. Chineck lang kita.” Sagot niya at binuksan Ang pinto.

Kaylan ka uuwi dito?” Malambing kung Tanong.

“Hindi ko pa alam.” Plain niyang sabi. Tuluyan na siyang lumabas ng pinto at sinarado.

Hindi nalang ako muna lumabas ng kwarto at nag mukmok. Gustong gusto ko na syang pauuwiin dito dahil sa totoo ay hindi talaga ako sanay na matulog mag isa nasanay na akong adyan siya lagi sa tabi ko. Gusto ko n syang yakapin kaso hindi ko nagawa.



F A S T F O R W A R D

Dean Wong was recently spotted with Ivy Lacsina at a mall at pasay.

Ivy Keith Lacsina, buntis nga ba?

Is Ivy Lacsina Dating Dean Wong?

What's the real score between Ivy Lacsina and Dean Wong?

Si Ivy Lacsina na nga ba ang ipinalit no Dean Wong kay Jessica Galanza?

Yan ang mga nabasa naming news at mga trending topics sa social media.

May mga nakapag-picture pala sa amin noon nag mall kami. Sa totoo lang kung ano angdapat gawin or sabihin sa mga oras na ito. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko at kapatid ko.

Hindi naman ako natatakot na malaman nilang buntis ako at kasal na kami dahil sabi nga nila mama ay nasa tamang edad na kami at may ipon na at naka graduate na kami. Sa lahat ng headlines ang nabasa ko ang pinaka-huli Ang tumatak sa isipan ko.

Hindi man ako close kay Ate Jema. Kilala ko din naman siya minsan na din ko nang nakalaban din siya. Natatandaan ko nga ay may pagka-hawig daw kami kasi pag nakatalikod raw ako napagkakamaalan nila na si Ate Jema daw ako.

To be honest, hindi ko naman alam talaga na nag karoon sila ng something ni Dean. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nasasaktan na ako sa mga nag lalabasan na mga pictures nilang dalawa at mukhang masaya nga sila.

Hindi ako sigurado pero nabasa ko na nagdate pala sila noon at may nabasa pa akong na parang ano last month niya lang raw huling nakitang magkasama silang dalawa.

Siguro ay napipilitan lang si Dean na panindigan ako dahil nabuntis niya ako at kasal na kami. Siguro ay wala siyang choice kaya pinapakisamahan niya lang ako.

Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Masakit dahil kung nung isang buwan lang silang nag kita nag sama ay nasa iisang bubong lang kami noon ni Dean. Halos limang buwan na din ang tyan ko. Kaya kung ganon ay paniguradong niloloko na pala ako.

“ADI?!” Narinig kong sigaw bago mag bukas ang pinto.

Dahan dahan na lumapit sa akin si Dean atska hinalikan sa noo. Hingal na hingal siya at halatang tinakbo papunta dito.

Falling Inlove Where stories live. Discover now