" Maghihintay ako hanggang maging ready ka. I love you," malambing na sabi nito.

"Thank you," tipid na sagot ko.

Palapit na ang mukha niya sa akin, Hindi ako kumilos at hinihintay ang gagawin niya.

"DAMN, BITAWAN MO AKO! KAKAUSAPIN KO ANG KAKAMBAL KO!"

Sabay kaming napatingin ni Laurence sa pinto dahil sa sigaw.

"Hindi po talaga pwede."

"Umalis ka dyan," Galit na sabi ni Serenity sa secretary ko.

Rinig ko pa ang mura ni Laurence sa tabi ko kaya hinawakan ko ang kamay nito.

"Let her in," saad ko sa secretary ko

"Sorry po miss Dela Vega, mapilit po kasi." Hinging paumanhin ng secretary ko bago umalis.

Tinitigan ko si Serenity at parehas pa rin ang suot nitong damit sa cctv kanina.

"Disgusting," panunuya ko ng makita ako ng stain sa damit nito.

Uminit ang ulo nito at binagsak Ang dalawang kamay sa mesa ko. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Laurence.

Tinaas ko ang kamay namin ni Laurence na magkahawak kaya duon napako Ang tingin nito.

Her face is priceless.

"Wrong timing naman ang pagdating mo, nag-uusap pa kami ng Asawa ko. Tsk," kunwaring irita na sabi ko.

"You bitch!" Gigil na sabi nito.

"Stop it, Serenity. You are the bitch not my wife," pagtatanggol ng Asawa ko.

Tumayo ako at hinalikan si Laurence sa labi, ramdam ko ang gulat nito na agad ring tumugon. Nang maramdaman ko na mawawalan na ako ng hininga humiwalay ako at agad na tumingin kay Serenity.

"Ops sorry, nandyan ka pala."

"I will kill you," bulong nito.

Ngingiti na sana ako pero nagulat ako ng may nilabas itong baril sa maliit na bag at tinutok sa akin.

Mabilis akong nailagay ni Laurence sa likod niya.

"Umalis ka dyan Jhezter, papatayin ko ang babaeng yan para bumalik ka na sa akin. Kukunin ko lahat ng inagaw niya," nababaliw na sabi nito.

"Ibaba mo 'yan Serenity. Hindi ako papayag na patayin mo ang Asawa ko," saan ni Laurence.

Pasimple Kong binuksan ang drawer ng mesa ko at kinuha ang baril na regalo ni Uncle Shawn.

Umalis ako sa likod ni Laurence at mabilis na tinutok Ang baril ko kay Serenity.

"Wife," tawag ni Laurence sa akin pero Hindi ko siya pinansin.

Tumawa si Serenity.

"Hindi mo kayang IPUTOK yan, kambal mo ako di ba?" Nakangising sabi nito. "Mahina-"

Hindi niya naituloy Ang sasabihin niya ng iputok ko ang sa braso niya.

"AHHHHHHHHH!"

"Stay there, Laurence." Mariing sabi ko kay Laurence na lalapit sana sa akin.

"Damn you!" Sigaw ni Serenity na hawak ang balikat na naputukan habang ang isang kamay ay may baril na nakatutok pa sa akin.

Mabilis kong sinipa Ang baril sa kamay nito at nilapitan siya.

Tinutok ko ang baril ko sa ulo nito.

"SIGE PATAYIN MO NA AKO! KINUHA MO NA ANG LAHAT SA AKIN, HIRAP NA HIRAP NA AKO! PATAYIN MO NA AKO!"

Mahina Kong sinampal-sampal gamit ang baril.

"Hindi ka pa pwedeng mamatay, my dear sister. Gusto kong maghirap ka at nakitang lumuhod sa harap ko."

"Ang sama mo," mariing sabi nito. "Patayin mo na ako dahil hinding hindi ako luluhod sayo!"

" Sabi mo eh," baliwalang sabi ko.

Napatingin ako sa pinto ng pumasok si Daddy.

Mabilis na lumapit sa akin si Daddy.

" You okay, baby?" Tanong nito sa akin bago tumingin kay Serenity. "Ano na naman ito, Serenity! Ginugulo mo na naman ang anak ko! Kailan ka ba titigil!"

Galit na sabi ni Daddy na Hindi pinansin Ang pagdurugo ng braso ni Serenity.

Hindi pa kami okay ni Daddy pero lagi rin ito sa bahay para dalawin kami ni Sierra kahit Hindi ko kinikibo.

"Dad, binaril niya ako-"

"DAHIL NANDITO KA AT NANGGUGULO! LEAVE MY DAUGHTER ALONE!"

"ANAK MO RIN AKO!" Sigaw ni Serenity na punong Puno na ng luha ang mukha.

"Tapos na akong maging ama mo. Mula ng pagtangkaan mo ang buhay ni Sierra, Hindi na kita kinikilalang anak," mariing sabi ni Daddy.

"Dad-"

"Binigay namin sa'yo ang lahat pero hindi ka na kontento at nagawa mo pang pasakitan Ang kambal mo. Nagsisisi ako na naging anak kita."

Napatitig ako kay Serenity.

You deserve every savage word, twin.

Your BOYFRIEND is my HUSBAND!Where stories live. Discover now