Chapter 27: Video

6.3K 247 46
                                    

Mica's POV

"Wow! Nagdisney land pero hindi nag-aya!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Niks sa likod ko. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko dahil nag-i-scroll ako sa mga pictures namin nila Nueves at Persia.

"You're so loud, Niks." reklamo ko. "Date 'yon, Niks. I thought pagod ka ng maging third wheel?" Wika ko sa kanya.

"Malay mo doon ko pala mahanap future ko." Niks said and then laughed. Napatingin pa ako sa paligid. Mabuti nalang kami lang ang tao dito sa coffee shop, walang ibang naiistorbo bukod sa'kin.

"You can't even stare at a girl past 5 seconds. Paano ka magkakaroon ng girlfriend?" Pambabara ko kay Niks.

She's like that since her ex girlfriend left her. There's a possibility that she still love that girl. Playgirl s'ya noon bago maging sila ni Soul pero hanggang ngayon ay hindi parin s'ya nagkakaroon ng girlfriend.

"Nagkagirlfriend ka lang ganyan ka na?" Pambabara n'ya rin sa'kin. Her order came kaya sabay kaming napaayos ng upo. "Thank you." Saad ni Niks sa waitress. Nahihiya namang tumango ang babae.

"It's not about me having a girlfriend. It's about you, being single." I stated. Tumingin ako sa watch ko, it's still early for my next class.

"Mica, what if ano.." panimula n'ya. I raised a brow indicating that I'm listening to her. "What if lang ha," dagdag n'ya.

"Go on," pang-encourage ko. Kapag ito kalokohan lang n'ya. Humigop pa ako sa kape ko sa tagal n'yang magsalita.

"What if bumalik yung great taste white ko?" Tanong n'ya na ikinasamid ko. Kinuha ko yung hanky ko at umubo nang umubo habang s'ya ay tawa lang nang tawa. "Oy, saan ka pupunta?" Tanong n'ya nang kunin ko ang bag ko at lumakad paalis.

Tinaas ko lang ang kanang kamay ko. Nixen can pass as a clown. Marami s'ya laging baon but deep down I wonder how she really is. Hindi kasi s'ya nag-oopen up about her problems but I know there are some things she's dealing with. I hope she pass through it.

I'm walking now pabalik sa Amherst nang biglang mag-ring ang phone. Nueves is who I'm expecting pero hindi s'ya ang tumatawag. It's an unknown number pero sinagot ko parin.

"Hello? Who's this?" Tanong ko agad. Ayoko na ng paligoy-ligoy.

"Mica," mahina ang boses na nanggagaling sa kabilang linya. The voice sounds familiar but I can't identify who this is. "It's Lili." Doon ko lang narealize na siya nga but why?

"Lili? Why did you call?" I asked again. I have moved on of course, ayoko lang talagang kausapin siya nang matagal because she was from my past and I have a girlfriend now.

"Can we talk?" Her voice sounds hesitant.

"We're already talking." I said in a formal tone.

"No.. but like talk, personally. Nandito ako sa city n'yo ngayon." Wika niya. It made me confused. What is she doing here? Did she came here just to talk to me personally?

"Sorry, I'm swamped. Can you just tell it right now?" Magalang na tanong ko. I'm losing patience already.

"Hindi pwede.. it's really important." Pamimilit n'ya.

"Okay, we can talk but not now. I have a class to attend. Bye." Pinatay ko na agad ang tawag para hindi na s'ya makapagprotesta.

Tumuloy ako ng paglalakad papunta sa school library. I'll just spend my remaining time here. Hindi pa nasasayang because I can read some books.

After my class, I texted Nueves if I can come to their house. After minutes, she answered yes kaya nagdrive na agad ako. Dumaan muna ako sa isang food store to buy some meryenda.

𝐆𝐨𝐥𝐝𝐞𝐧 𝐇𝐨𝐮𝐫𝐬 [TSS #2]Where stories live. Discover now