3

32 1 0
                                    

"Ano ang pumasok sa isip mo at pumunta ka rito sa Paris?!" Sabi ko habang nilalagyan ko ng malamig na bimpo ang pisngi n'ya.

He just laughed pero ngumiwi nang maramdaman ang sakit sa pisngi, "Nothing, I was bored and all of my friends have their own private lives already. I don't want to disturb them."

"So, sa lahat ng tao sa mundo, ako ang naisipan mong bisitahin at disturbohin?"

"Bakit nadisturbo ba kita? Gusto mong suyuin kita?" He replied. Ewan ko na lang talaga sa lalaking 'to. Is his purpose ba sa life ko ang guluhin ako palagi? Gosh!

Binitawan ko ang bimpo nang mainis na ako sakan'ya. "Woops! Sorry, eto na titigil na. Lagay mo na ulit yung bimpo sa pingi ko, please." He did the puppy face kaya mas nagmukha s'yang tanga.

Hindi naman kaya ng konsensya ko na iwan s'ya, and I'm guilty. Holding a bimpo for him won't hurt a percent of my pride and ego. Alam ko namang hindi malaki ang nagawa n'ya para sampalin ko s'ya, I'll have to be kind to him especially baka mapatay ako ng Tatay at Nanay ko.

After n'yang sabihin na okay na siya, niligpit ko na ang bimpo at nilinisan. I felt bored so I told him na pumasok muna sa kwarto ko so that I could clean the living room. It looks so messy kasi.

"Bakit? Nakakatakot ba pag pinapanood kitang mag-linis?" He asked.

"Hindi, mas nakakatakot mukha mo." I replied with a sarcastic smile. He scoffed, mukhang magrereklamo pa pero nanahimik nalang at pumasok sa kwarto. Ayaw ata ng gulo.

Mabilis lang din naman ako natapos since I am used in cleaning already, Nana taught me how. Iniiwan kasi ako ng mga magulang ko sa bahay, and I actually didn't like toys back then and Nana didn't know what to do but to teach me how to do chores. Nagalit nga si Dad dahil ayaw n'ya raw na nag-lilinis ako, but I liked doing chores.

Whenever my parents weren't around, I would sneak out sa room ko just so I could help Nana and the other helpers sa gawaing-bahay. They were very a fond of me, masayahing bata raw. I also became friends with their children, pero sadly when we grew up they had to transfer places. So parang nakasanayan ko na rin na mag-isa.

Growing up wasn't easy for me, being a heir for the Del Valle's was not an easy responsibility. Being academically pressured and everything. Ngayon naman pinepressure ako para maging "Ideal Wife Image" sa Tinik na 'yun. Isa pa ang ugali n'ya, nakaka-inis.

Bumalik ako sa wisyo when someone screamed my name.

"Roseanne Almoríe! Tapos ka na ba mag-linis?! Bored na bored na ako dito!"

"Yes, I'm done! Pwede ka nang lumabas d'yan!"

He got out with a smile on his face, "Finally, tapos ka na. Tapos na rin ako mag-lagay ng mga damit ko sa cabinet-"

"Excuse me?"

"Yes? Dadaan ka?"

"What did you say?! Anong tapos ka nang maglagay ng mga damit mo?!'

"Uh, I'm staying here with you?" Sagot n'ya with a confused face.

"What?! Sa yaman mong 'yan, you'll choose to stay in my small hotel room?! No way!" Reklamo ko.

"Yes way, 'yan ang sabi ng Dad mo. I actually want to check-in into a VIP Room pero ayaw ng Tatay mo. Ewan ko ba, akala ata may mangyayari sa atin kapag isa tayo ng kwarto."

"Jusko! Hindi ko makakaya 'to! I asked Dad for a peace time here sa Paris! Hindi yung mas pinapalala mo pa ang init ng ulo ko!"

He reacted exaggeratedly, hinawakan n'ya ang dibdib n'ya at ginaya yung meme ni Bea Alonzo.

Obstacles of RosesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon