Epilogue

4.2K 117 207
                                    

Zeref Gray Vermilion POV

Sa buhay, hindi nawawala ang problema at mga pagsubok. Palaging andiyan 'yan.

Pero sa bawat problema at pagsubok, nakakayang lampasan. Malakas tayo eh.

Katulad ko, sobrang dami kong naranasang pagsubok sa buhay. Isa na 'don ang ginawang pangre-rape sa akin nila Ate Stella, Ate Bryn at ni Cherry.

Pero kung hindi dahil din sa problema na 'yon, hindi ko makikilala ang pinakamamahal kong asawa. Siyempre walang iba kundi ang Misis kong si Aizen Dabria Avila-Vermilion.

Ang babaeng baliw na baliw sa akin. Hays. Hahahaha.

Dahil sa kanya natutunan kong unti unting makawala sa nakaraang hindi ko mapakawalan.

We both haunted by our past, at kapwa rin namin tinulungan ang isa't-isa. I mean, wala pala ako masyadong naitulong, pabigat lang talaga ako sa buhay niya. Ewan ko ba kung bakit 'to nabaliw sa'kin.

At isa pa, siyempre lumaban din ako para sa anak ko na si Keanna. Kahit naman nalaman ko na hindi ko siya totoong anak ay masaya parin ako. Siya ang kasama ko noong panahong walang wala ako. Dahil sa kanya natutunan kong lumaban. Masakit man na malaman na hindi ko anak si Keanna ay wala akong magagawa, iyon na yun eh.

Alam ko rin naman na hindi siya pababayaan ni Axcel.

Anyway, si Cherry ay nasa mental hospital parin. Hindi ko pa siya nadadalaw mula ng mapunta ito room dahil ayaw akong payagan ni Dabria.

Hays, sana gumaling na si Cherry. Alam ko namang mahal pa rin ni Axcel 'yon eh. Paano ko nasabi? Well, may time na nag-inuman kaming dalawa tapos nauna siyang malasing. Doon niya nasabi na mahal niya pa si Cherry kahit na gano'n siya. Hays, first love nga naman.

Napailing ako sa kawalan habang pinagmamasdan ang dalawang batang masayang nag-uusap sa tabing dagat.

Actually birthday ngayon ni Aize at dito namin naisipan icelebrate sa private resort na binili ko noong nakaraang buwan para kay Aize.

Kanina pa ako andito nakatayo habang pinapanood silang dalawa na nagtatawanan.

Masaya ako dahil hindi nagbago ang turingan nilang dalawa kahit na malaman nilang hindi sila tunay na magkapatid.

"What are you thinking, hmm?" Nabalik ako sa ulirat ng may yumakap sa akin mula sa likuran ko.

"Iniisip ko lang na sobrang pogi at ganda ko dahil nainlab sa'kin ang professor ko. Nabaliw pa nga e- aray hahahaha." Daing ko ng malakas nitong kinagat ang balikat ko.

Hinarap ko naman ito, kita kong ang sama ng tingin nito sa akin pero ngitian ko lang siya.

"Iniisip ko lang na, paano kaya kung hindi tayo nagkakilala? Paano kaya kung hindi ako tumakas kasama si Keanna? Paano kaya kung hindi ako lumipat sa university na pagmamay-ari mo? Paano kaya kung hindi ikaw asaw- aray ang sadista naman nito! Paano lang naman 'yon e." Reklamo ko ng malakas nitong sinuntok ang braso ko.

Anak ata 'to ni Pacquiao eh, sobrang sakit manuntok amp.

I cupped her face bago halikan ang noo nito at yakapin. Sobrang swerte ko sa baliw na 'to, charot lang sa baliw na part baka paulanan na naman ako ng bala.

Sobrang swerte ko kay Aizen, siya lang 'tong hindi swerte sa akin.

Humiwalay ako sa kanya at ibinalik ang atensyon sa dalawang bata na masaya pa ring nag-uusap.

Buti nalang talaga tinuturing parin nilang kapatid ang isa't-isa.

Minsan naii-stress ako kay Aize dahil halos ayaw na nitong umuwi, gusto niya palagi doon sa bahay nila Axcel dahil gusto niya raw makasama si Keanna.

Haunted Where stories live. Discover now