Chapter FOURTEEN

2.4K 46 0
                                    

(Pre-Finale)


 Nang makaraos ang pinuno sa matinding salpukan nang mga laman nila, ay pinalabas na agad 'nya si Carlota. At siya naman ay nagtuloy nang maligo.

. . . . . . .


Kasalukuyan namang panay ang agos ng dugo ni Marcky sa tuhod nito. Ni hindi na ito makatayo, dahil doon.


"Aaaaahhh! Pakawalan 'nyo ako dito! Hu hu hu hu! Waaaaahh!", sigaw, at palahaw pa ni Marky,

Pakubli namang naglakad si Carlota papasok sa silid kung nasaan ang babaeng banyaga na papatay kay Marcky.


Alam 'nya ang pasikot-sikot sa hotel na iyon. Matagal 'nyang pinag-aralan ito. Tiniis niya ang kung ilang taon na pamamalakad doon. Pero may hangganan ang lahat. Na-iplano na 'nya ito ng lihim. Magaling 'syang magtago. At nagawa na 'nya mga dapat gawin. Ang kulang nalang ay ang mapa, at sasakyan.


Kailangan 'nyang matulungan si Marcky. Nakita 'nya ito, at nakilala ang profile. Base na din sa access nito sa website nila.

Mabait ang magkapatid, at naawa 'sya sa mga ito.


Dala 'nya ang patalim na nakakubli sa kanyang buhok, ay madahan 'syang humakbang, at tumingkayad pa, papunta sa silid ng banyaga na babae. Kailangang mapatay na niya muna ito. Bago mahuli ang lahat. Alam 'nya ang paraan kung pa'nu ito pumatay sa kanyang biktima.


Binuksan agad ni Carlota ang pakay na silid. At nakita 'nya ang babae dito, na nakahiga, at natutulog.


Binunot agad 'nya ang patalim sa kanyang buhok, at inundayan ito sa dibdib.


Nagmulat ito ng mata, pero nagkikisay lang, at ilang saglit pa ay patay na ito. Pina-ikot pa 'nya ang patalim na nag-baon sa dibdib nito, bago iyon binunot. Sabay umalis na agad 'sya doon. 


Dala ulit ang patalim. Nilinis 'nya lang ito, at pinunasan. Humahangos 'syang nagtatakbo sa mga kasamahan 'nyang tauhan din doon, at ini-report kunwari na nakita 'nyang patay na sa silid nito ang babaeng banyaga na taga Transylvania.


Naalarma naman ang lahat. Dahil imposibleng mangyari iyon, pwera nalang kung may traydor sila sa samahan.


Lahat ay nagpukos sa pag aasikaso na namatay na kliyente nila. Isa pa naman ito sa pinaka-mayayamang membro.

Nagkaroon ulet ng pagkakataon si Carlota.


Hinanap 'nya kung nasaang silid nakakulong si Marcky. Tutulungan 'nya itong makatakas doon. 


Ewan ba 'nya kung bakit? Pero 'yun ang gusto 'nyang gawin. Kahit ang kapalit nito'y ang kanyang kamatayan. Alam 'nya ang nakalaang parusa, sa sinumang magtraydor sa grupo ay malagim na kamatayan agad ang ipapataw.


Hindi 'nya alam sa sarili. Dapat hindi 'nya iyon maramdaman. Pero since nung nakita 'nya ang picture nito sa website nila ay may napukaw ito sa kanyang diwa.


At lagi itong sumasalit sa kanyang alaala.


. . . . . . . . .


Papunta naman ang pinuno sa kwarto ni Cindy. Kakamustahin 'nya ito, kung maayos ba ang kalagayan nito. Dahil sa susunod na araw na, ang itinakda niyang pag-iisang dibdib na 'nya dito.


Nakatulog naman si Cindy nang 'di 'nya namamalayan. At sumaling sa panaginip 'nya ang isang matipunong lalaki. Hindi 'nya ito kilala. Pero 'sya ay kilala na nito.


May hawak itong mga pulang rosas, na ibinibigay sa kanya, ngunit bakit pagkisap ng mata 'nya ay ang ulo na ng kapatid 'nyang si Marcky ang hawak-hawak nito. At napakalakas nang halakhak.

Tila natutuwa pa ito sa nangyari.


Hindi naman nakaya ni Cindy ang nakita, at sumigaw ito ng ubod lakas. 


ITUTULOY. . . .

"HOTEL BUTCHER"Where stories live. Discover now