Chapter TWELVE

2.4K 47 0
                                    

 Inayos ni Marcky ang kanyang itsura, itinakip niya sa kanyang mukha ang talukbong na suot din ng mga maskuladong lalaki kanina, at isinulong na 'nya ang pust cart. Kahit 'di 'nya alam kung saan dapat na dumaan.

Mabuti nalang pati, at natatabunan ang kanya sapatos, kaya't 'di ito pansin.


Malapit na 'nyang masalubong ang taong pawang naka-uniporme din ito ng gaya 'nya. Kinakabahan si Marcky, pero pinilit 'nyang maging kalmado.

Ngumiti lang ang mga ito sa kanya, at ganun din naman ang ginawa 'nya, pero 'di na 'sya nag-abalang magsalita pa.


Samantala sa hide out ng pinaka pinuno ng kulto, ay nagkakagulo ang mga naroroon. Hinahanap kase ng mga ito si Marcky, subalit 'di nila makita. Ilang minuto'y nandyan na ang nakabili dito. At pag 'di nila 'yun nahanap ay masisira ang kanilang plano.


Iba pa naman kung magalit ang babaeng galing ng Trasylvania. Isa ito sa pinaka mayayamang membro ng kulto. Malaking kawalan ito sa kanila kapag 'di nila naibigay si Marcky dito.


Pinulong lahat ng pinuno ang mga utusan. Walang lusot si Marcky para hindi pumunta, dahil sinabihan na rin 'sya ng mga akala sa kanya'y, isa rin 'sya sa kanila.


Nag-isip nang paraan si Marcky kung paanong makaka-puslit doon.

Ang daan palabas ay hindi pa 'nya nahahanap.


Kumubli ulit 'sya sa isang sulok, na walang makakapansin sa kanya, at hinubad ang suot na talukbong. Inabangan 'nyang wala na ang mga ganun ang suot sa kanya, at nagsimula na rin 'syang lumakad. Mabilis ang mga hakbang 'nya, habang patuloy sa malikot na pag-sulyap sa paligid ito.


Hind na 'nya malaman kung nasaan na 'syang lugar doon, parang pabalik-balik lang 'sya sa mga mahahabang koridor na walang katapusan.

Nawawalan na 'sya ng pag-asa. Pero pinilit pa rin 'nyang tatagan ang sarili. Naisip 'nya ang kapatid 'nya. Halos maiyak na 'sya.

Hiniling 'nya na sana'y walang mangyaring masama dito.


. . . . . . . .


Ilang araw ang lumipas.


Kinalagan na ng kadena si Cindy, at dinala ito ng mga babaeng naka-itim sa parang paliguan. Nakahanda na ang lahat ng kasuotan 'nya doom sa kama. Parang isang silid ito na pang prinsesa ng mga kultong 'yun.


Ito na rin ang nagpaligo sa kanya. Wala naman 'syang magawa dahil itinali ulit na mga ito ang kamay at paa 'nya bago dinala sa parang bath-tub na nasa gitna ng sala ng kwarto. Masarap ang tubig doon, at may mga bulaklak pa itong nakalagay. Parang pinahanda talaga ito para sa kanya.


Kahit nahihiya sa kahubdan 'nya'y hinayaan nalang din 'nya ang nangyayari.


Matapos iyon ay binuhat 'sya ng mga ito, at ibinalot sa malaking towel, upang tuyuin ang katawan. At dinala 'sya sa kama, at doon, sinuotan ng magarang damit.


Sabay kinalagan na 'sya ng mga ito, at iniwan sa silid na iyon.

Tumayo naman agad si Cindy, at derecho sa pinto, pero di 'nya ito mabuksan. Pinag-susuntok 'nya ito, pero para lang 'syang sumusuntok sa pader.


Nanangis na ulit 'sya, at nag-wala.

Ginulo 'nya ang mga gamit doon, pero wala din namang nangyari sa kanya. Nasugatan pa 'sya sa daliri.


Kawalang pag-asa ang makikita sa mukha ng dalaga, at bumalik na lang ulit ito sa kama, at umiiyak na nahiga.

"HOTEL BUTCHER"Where stories live. Discover now