OBSESSION 30 (SPG)

606 6 0
                                    

Kianna Sanchez

"Bessie, tara sa bahay muna tayo." excited na sabi ni Linda.

Napakunot ako ng noo dahil wala namang special na ganap bakit ang excited naman nito. 

"Bakit?"

"May ipapasukat lang ako sayo hindi ko kasi nadala dito." 

"Sige, ayoko rin dito dahil may asungot sa paligid." pagpaparinig ko kay Jad na nasa kusina.

"LQ na naman kayo, ikaw talaga buntis chika mo na lang sakin sa bahay tara na."

Hinila na ako ni Linda palabas sa bahay at naglakad na papunta sa kanila.

"Buti hindi na nauwi ang amo ko, doon na ata yun titira sa ibang bansa." pagkukwento niya habang naglalakad kami.

"If ever na uuwi sila saan ka pupunta?" i asked her dahil ayoko rin siya na mapalayo sa akin.

"Ang sabi nga sakin ni Matt e sa tulungan ko daw siya doon sa restaurant nila, dahil alam naman daw niya na ayaw mo akong mapalayo sayo. Hindi ko nga alam kung reason niya ba talaga ikaw or ayaw niya lang ako di makita." kinikilig na sabi nya habang umiikot ikot sa kalsada.

"Lagpas kana sa gate nyo kakaikot mo dyan." natatawang saway ko sa kanya.

Binuksan niya na ang gate habang tawa pa rin nang tawa, " So, bakit kayo nag away ni Edrene?" pang uusisa nya sa akin.

"Ayoko mag kwento masyadong syang narcissist, ewan ko ba kasi bakit ganun ang suggestions ni doc." nakabusangot kong sabi.

Nakarating na kami sa sala ng bahay na tinutuluyan ni Linda. "Hindi naman ako manghuhula Kianna, kaya hindi ko alam kung ano man yang suggestion ng OB mo."

"Hayaan mo na, oh asan na yung ipapasukat mo?" 

"Sandali lang buntis, aakyat na ho para kunin." pang aasar niya sa akin.

Maya-maya din ay bumaba na rin siya sa galing sa kwarto at may dala siyang bag, hindi ko alam kung ano ang laman non.

"Ano yan?" 

"Andito sa loob nako binigay kasi sakin ni Matt 'to, hindi naman magkasya sa akin try mo nga 'to." sabi niya sabay upo sa tabi ko at binuksan niya na agad ang zipper doon sa bag.

Kinuha agad ni Linda ang damit na nasa loob unang kita ko pa lang ay para siyang gown, pero hindi pala nung tuluyan ko ng nakita ng buo. Dress lang siya at color white, sleeveless cami dress at naka V-neck ang design simple yet beautiful.

"I love it!" sabi ko sa kanya.

"Tara sukatin mo nga, tas ayusan kita konti sa buhok." 

"Eh bakit naman wala naman tayong lakad today tsaka mag gagabi na." sabi ko habang tinitignan ang bawat detail ng dress.

"Eh gaga titignan ko lang kung anong hitsura mo, malapit kana manganak at di mo na rin yan magagamit kasi liliit na ang tyan mo. Large daw kasi ang naibigay ng sales lady sa kanya napansin ko lang yun nung sinukat ko na." 

"Dito na lang ako mag susukat isarado mo na lang yung window." 

Pumunta an siya doon sa bintana at sinirado yun, umakyat siya at may kinuha na parang make up kit.

"Oh, i know that look. Wala akong balak koloretehan ang face mo." sabi niya habang pababa na sa hagdan.

Nilapitan niya ako at tinulungan mag suot ng dress, pagkatapos ay inayusan niya na ako sa buhok at pinulbuhan at nilagyan ng kaunting lipsticks.

"'Yan lang pala ang ilalagay mo binitbit mo pa gamit mo." natatawang sabi ko

"Dinala ko lang baka magbago ang isip mo." pagtataray niya.

Obsession 1: Edrene Jad SandovalWhere stories live. Discover now