27

1K 29 4
                                    

Pagdating nila Bea sa harap ng pinto ni Bela..binulungan siya ng security.

Boss, may iniwan ang kaklase ni ma'am Bela na si Niel. Pakibigay nalang daw po.

Pakitapon mo nalang yan, saka huwag mo mabangit sa asawa ko ang tungkol diyan.

Opo boss masusunod po.

Nauna ng pumasok si Jho sa room at agad na dumiritso sa kama ng anak.

Baby, salamat at nagising kana miss na kita, miss ka na namin ng daddy at mga kapatid mo. Sabi ni Jho na nululuha at panay ang halik sa pisngi ni ng anak.

Mom I miss you too.. I'm sorry pinag-alala ko kayo..where's daddy pala?

Beatriz!! Tawag ni Jho sa asawa na kakatapos lang mag instruction sa security.

Love, honey welcome back..I miss you..Sabi ni Bea saka humalik sa anak.

Dad? Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?

Pano ako masasaktan kung sinalo mo ang bala para sa akin. But next time don't do that okay...si daddy na bahala sa lahat...thank you anak.

Kaya ko lang naman ginawa yon dad kasi....tumingin si Bela kay Jho.

Sssshh...saka na natin pag usapan yan..importante okay kana ngayon anak....Sabi ni Jho.

Tumango naman si Bela.

Mom? Kailan tayo uuwi? Ang sakit na po ng katawan ko.

Kailangan mo muna magpagaling baby, Two weeks kang natutulog lang dito alam mo ba?

What? Two weeks? Mom may exam pa ako saka alam ba ni Cris? Mom, baka nag alala na yon how about my teachers?

Bela, honey come on relax okay...all is well don't panic huwag kang magpaka stress masama sayo yon. Don't worry about your studies alam na nila ang nangyari at si Cristina she knows naman pumupunta siya dito para dumalaw. Sabi ni Bea.

Ganon ba? Pano kung....

Sshhh..Baby don't stress yourself huwag masyadong magisip, Anong gusto mo bang kainin? Mag request kalang ha bibili ang daddy mo sa labas. Sabi ni Jho.

I want Grandma Deth kari-kari mom.

Ooh..ganon ba tatawagan natin ang Lola mo for sure excited yon saka papuntahin natin ang kambal dito miss ka na nila.

Thank you mommy.

Love, total gising na si Bela baka pwede ka ng umuwi saka maligo at matulog muna..Sabi ni Bea.

Bakit? Nabahuan ka ba sa asawa mo?

Hindi naman sa ganon..Wala kapa kasing pahinga dalawang linggo wala ka masyadong tulog.

Mom..sundin niyo nalang po si dad.. I'm okay na po..kayo naman po ang bumawi para din po yan sa inyo.

Walang nagawa si Jho pinagkaisahan siya ng mag ama niya.

Okay mamaya pagdating ng Lola mo sasama ako sa pag uwi.

Hai...salamat naman at nakinig din bulong ni Bea.

Tumawag si Bea sa bahay nila para ibalita na gising na si Bela ang mommy niya iyak ng iyak at ipagluto niya daw si Bela ng masarap na kari-kari. Nagbilin din si Jho na lutuan ng soup ang asawa niya.

Maraming kwentong dala si Bela lahat ng detalye di pinalampas ng mag asawa nakikinig sila ng maigi sa anak. Nag video call din sila sa US para ibalita kay Ben ang nangyari. Masaya naman si Ben at niyaya si Bela na sa US na mag aral ng college. Pero dahil nandiyan si Jho iniiba nalang ni Bela ang usapan ayaw niyang mag hysterical na naman ang mommy niya kahit plano palang.

Bandang tanghali dumating din ang parents ni Jho saka ni Bea kasama ang kambal.

Ate Bela..who kissed you? Tanong ni Lucas.

Huh? What are you saying Lucas? Tanong ni Bela.

Ate, you wake up so some prince charming kissed you is that the boy who gave you flowers and chocolates? Tanong uli ni Lucas.

Napailing si Bela saka ngumiti nalang sa kapatid.

Hey little boy come here to daddy.

Umupo naman sa sabak ni Bea si Lucas.

Daddy, why ate Bela let the prince charming kiss her? Daddy you said it's bawal right?

Ate Bela don't have prince charming....you and Isaac is the only prince here.

And you daddy is the King...Sabi ni Lucas.

Mommy is the Queen...sigaw ni Isaac.

Napangiti naman ang lahat sa dalawang kambal.

Si Bela nagsimula ng kumain sinusubuan ni Deth na ayaw umalis sa tabi ng apo. Sumabay din sa pagkain si Jho.

Bea, Jho umuwi muna kayo sa mansiyon at kami na ni Mareng Louvile ang magbabantay kay Bela.

Napatingin naman si Bea sa anak.

Daddy, magpahinga nalang kayo ni mommy don't worry po magaling na po ako.

Sa huli napag kasunduan na ang kambal iiwan sa pamilya ni Jho at ang parents ni Bea ang maiwan sa hospital.

Pumayag naman ang mag asawa sa set up basta may security na kasama ang kambal. Di naman nagreklamo si John dahil baka ano pa mangyari sa mga apo niya. Excited din naman ang kambal dahil makapag laro daw sila sa putikan.

Ang bahay nila ni Jho na iniwan muna ay bantay sarado din ng security tanging dalawang katulong ang pumupunta araw2x para mag linis saka mag patay sindi sa ilaw.

Wala parin balita kay Marci. Sabi ni Elmer baka daw nagtatago sa bukid.

Nagpaalam na ang mag asawa sa anak nila na uuwi. Nauna na ring umalis ang pamilya ni Jho baka daw gabihin pa sila sa daan papuntang Batangas.

Pagbaba nila ni Jho sa lobby ng hospital may naghihintay na sasakyan sa kanila kasama ang dalawang security.

Pinagbuksan sila ng pinto sa likod. Pina akyat muna ni Bea ang asawa saka sumunod.

Diritso sa mansion..utos ni Bea sa driver.

Sumandal si Jho sa dibdib ng asawa saka pumikit hanggang sa makatulog.

Pagdating nila sa mansion..binuhat ni Bea ang asawa saka inakyat sa sariling kwarto nilang mag asawa.

Malaki ang bahay ng parents ni Bea sa Manila. Tanging silang mag asawa pati anak nila may sariling kwarto. Pati kuya niya sa tuwing umuuwi galing US.

Pagod na pagod na din si Bea kaya kahit di pa siya nakabihis paghiga niya sa tabi ng asawa nakatulog din agad siya.







COLLIDE IIWhere stories live. Discover now