26

1K 37 7
                                    

Lumipas ang dalawang linggo di parin nagising si Isabela.

Si Jho di na rin nauwi sa bahay nila Deth ayaw niyang umalis sa tabi ni Isabela.

Ang kambal patuloy sa pag aaral tanging yaya ang kasama nila saka ang body guard/driver na kinuha ni Elmer.

Una ayaw ni Jho pumayag na babalik sa school ang dalawang bata baka daw ito naman ang pagka abalahan ni Marci. Pero dahil sinigurado naman ni Elmer at Deth ang kaligtasan ng dalawang apo sa huli pumayag na din si Jho.

Si Bea..nag file na din ng leave sa hospital ang tanging trabaho niya pabalik2x mansion at hospital minsan pumupunta siya sa pharmacy pero most of her time nasa asawa niya. May mental breakdown si kung tuluyan tong pabayaan ni Bea baka mabaliw ang asawa niya.

Sa mansion sila ngayon umuuwi pero si Jho kahit minsan simula ma hospital si Bela di nakatapak sa bahay na yon.

Love, kumain kana...huwag mong abusuhin ang katawan mo ang payat mo na uh. Maya2x magkasakit ka niyan.

Wala akong gana..mahinang sagot ni Jho.

Love, kahit konti lang subuan na kita..

Biglang tinapik ni Jho ang kamay ni Bea natapon ang kutsara na hawak nito.

Jho, ano ba? Ganyan ka nalang ba? Lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo. Sabi ni Bea na tumayo at napahilamos sa mukha.

Sinabi ko na sayo na wala akong ganang kumain bat ang kulit mo? Sana ako nalang nabaril imbes na si Bela..sana ako nalang nakaratay diyan. Sana ako nalang....Sabi ni Jho na umiiyak

Love,....agad siyang niyakap ni Bea..

Huwag ka namang ganyan..alalahanin mo kailangan ka rin ni Bela pag gising niya..love kailangan ka namin ng mga bata. Kung nahihirapan ka mas nahihirapan ako pero di ko dinadaan sa ganyan. May dalawang anak pa tayo love na nanga-ngailangan g atensyon natin. Pano nalang kung magkasakit ka at mahiga sa kama na yan..pano ang kambal? Kaya mo bang makita silang nasasaktan? Love, gigising ang anak natin manalig ka.

Ilang beses mo na yan sinabi Beatriz..pero tingnan mo ganon parin si Bela..Bakit di parin siya nagising sabi 3-5 days umabot na tayo ng dalawang linggo pero ano? Wala tayong napala.

Hinalikan ni Bea si Jho sa ulo saka pinahiran ang luha nito gamit ang palad niya.

Manalig tayo sa panginoon love, di niya tayo pababayaan at di nakakatulong ang  ginagawa mo na lagi nalang kulang sa tulog at kain hindi gusto ni Isabela yan.

Biglang napahinto ang dalawa ng may kumatok sa pinto.

Pasok!

Bumukas ang pinto saka dumungaw ang security  na nakabantay sa labas ng room ni Bela.

Boss Bea, may bisita po kaklase daw po ni ma'am Bela.

Anong pangalan tanong ni Bea..na stress  na stress na dahil sa asawa niya pati sa kambal na lagi siyang hinahanap saka sa kaso ni Marci na hanggang ngayon di pa nahanap.

Niel daw po kasama po ang parents...Sabi ng guard.

Huwag mong papasukin sabihin mo bawal dalaw ngayon.

Opo boss.

Pagsarado ng pinto umupo si Bea sa tabi ng asawa niya na nakapikit nakasandal sa sofa.

Sino yong bisita Beatriz?

Si Niel daw kasama ang parents. Walang emosyon na sabi ni Bea.

Biglang napamulat si Jho...ano sabi mo?
Bawal sila lumapit sa anak ko..Isa pa ang mga taong yan. Inis na sabi ni Jho.

Relax love, pinaalis ko na...di ko hahayaan sasaktan nila ulit tayo.

Yumakap si Jho sa asawa at parang inaamoy ang t-shirt nito. Hinayaan nalang ni Bea dahil alam niya antok na si Jho kapag ginagawa niya to.

Biglang tumunog ang machine na naka kabit kay Bela..

Kumalas si Jho sa asawa...Beatriz? Anong nangyayari? Bakit....tumunog ang....Diyos ko ang anak ko. Beatriz, tumawag ka ng doctor.

Si Bela nanginginig sa kama....gusto niyang magsalita kaso may nakasaksak sa bibig niya.

Pinindot ni Bea ang button para tumawag ng doctor. Pagdating ng doctor.

Doc, Anong nangyayari sa anak namin? Bakit siya nanginginig? Tanong ni Jho.

Dr. De Leon lumabas muna kayo..

No! Sagutin mo ako bakit nanginginig ang anak ko mailigtas mo ba siya? Sigaw ni Jho.

Pasensya na Dr. Gomez..my wife is not in a good state..bulong ni Bea..lalabas na kami.

Jho, lumabas muna tayo..walang mangyayari kay Bela..kailangan lang nila e check.

Sumunod naman si Jho saka inirapan ang asawa.

Sa labas nandon pa si Niel at parents nito Nakaupo sa sofa.. tumayo si Niel lalapit sana siya kay Bea pero agad na umalis si Bea yakap patagilid ang asawa.

Nilayo ni Bea ang asawa dahil magwawala na naman ito pag nakita ang pamilya ni Niel.

Bakit mo ako nilalayo Beatriz? Anong gagawin nila sa anak natin?

Dinala ni Bea si Jho sa 9th floor sa office niya saka sinirado ang pinto.

Beatriz bitawan mo ako lalabas ako..baka anong mangyari sa anak natin.

Agad na hinawakan ni Bea ang dalawang pisngi ni Jho saka siniil ito ng halik.

Hinahampas pa ni Jho si Bea pero dahil wala na siyang lakas hinayaan nalang niya ang asawa na lunurin siya ng halik nito.

Ng matapos ang halikan ng dalawa..tiningnan ni Bea ang itsura ng asawa.

I think okay na ang anak natin love gising na siya. But we need to wait for doctor's confirmation.

Di nakapag salita si Jho at niyakap ng mahigpit ang asawa..saka umiyak.

Ssshhh...just relax..baka nakalimutan mo Doctor ang asawa mo. I know gising na si Bela.

Nag ring ang cellphone ni Bea...si Dr. Gomez tumatawag.

Hello Doc?

Dr. De Leon good news gising na ang prinsesa niyo at hinahanap na kayo.

Napangiti si Bea saka tumingin kay Jho

I knew it! My princess already woke up. Sagot ni Bea saka ngumiti sa asawa.

We're on our way ..thank you Doc Gomez.

Love, let's go I know na miss tayo ng anak natin. Sabi ni Bea habang inalalayan ang asawa palabas ng pinto.


















COLLIDE IIKde žijí příběhy. Začni objevovat