"Bakit ka nga pala nangungupahan din dito?"tanong nito at biglang inaayos ang kaniyang pwesto paharap sa'kin. Na hindi ko na lamang inintindi at sinagot ang tanong nito.

"Ahm... Mag-isa nalang ako sa buhay. Taga probinsiya ako na lumuwas lang dito sa Manila para makipag- sapalaran... 'Yung bahay namin sa probinsiya ay ibinenta ko, 'yun ang ginamit kong pera para lang maka-punta rito. Ginamit ko rin sa pang-upa at budget sa gastosin ko para sa pang araw-araw noong panahon na walang wala pa ko,"aking ani at tahimik lamang itong nakikinig habang nakatitig sa'kin. " Una talagang gipit at hirap  pa ako dahil hindi pa 'ko sanay na mag-isa sa buhay. Na mag-isang hinaharap ang mga mabibigat na pagsubok na ibini-bigay sa'kin ng kapalaran. Ngunit kaulanay di'y unti-unti ko na 'ring natatanggap. Na wala na kong ibang aasahan kundi ang sarili ko na lamang. Kaya kailangan kong maging matapang, matatag at madiskarte sa buhay, kung gusto ko pang mabuhay,"ani ko at napangiti na lamang ako sa panghuli kong binanggit.

"Ang tapang mo,"ani nito na akin namang ikina-lingon rito.

"Matapang? Bakit naman?"takang tanong ko rito.

"Matapang ka kasi nakayanan mo lahat ng hirap na dumating sa buhay mo nang mag-isa. Matapang ka 'ring nakipagsapalaran dito sa Manila kahit alam mong hindi ka sigurado kung tama ba ang naging desisyon mo o kung tama bang aayon sayo ang kapalaran. Kaya bilib ako sayo,"ani nito na akin na lamang ikinatawa.

"Gan'un,"nasabi ko na lamang at napangiti dahil sa sinabi niya.

Pagkatapos ay itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa T.V , maging gan'un din siya ay inayos na ang kaniyang pwesto paharap na sa T.V at ipinagpatuloy na ang panunuod. Paglipas ng ilang oras at nang makaramdam na'ko ng antok ay nagpaalam na 'ko rito at  pumasok na ko sa aking kwarto upang makapagpahinga na at matulog.

---

DALAWANG linggo na ang naka-lipas simula ng mangupahan dito si Deo Mhino Vergara. Alam ko na ang kaniyang buong pangalan dahil itinanong ko iyon sakaniya nung mga nakaraang araw pa. Sinabi ko 'rin sakaniya ang buo kong pangalan na Mia Joyesha Alcantara.

Sa paglipas ng mga nagdaang araw na iyon ay talagang kahit papano ay naging close na kami. Naging magkaibigan na kahit sa maiksing panahon pa lamang.

At sa mga araw ding iyon talagang nahahalata ko na bakla itong  talaga dahil sa sobrang arte at linis nito. Ayaw niyang nakaka-kita ni katiting na dumi at ano pa mang kalat na nahahagip ng mga mata niya, agaran niya itong nililinis. Instant parang may naging katulong na rin ako rito sa bahay ng dahil sakaniya.  At sa sobra nga'ng kalinisan na nakikita ko sa araw-araw ay talagang nakakagaan ng atmosphere.

Wala kasi akong time noon na maglinis o asikasuhin itong bahay, dahil babad ako sa pagtatrabaho at pagsusulat. Na kailangan ko talagang pagsipagan dahil marami akong bayarin o gastosin para rito sa bahay. At nag-iipon 'rin ako para sa aking pag-aaral.

Kaya ngayon nga sa nakikita kong sobrang linis nang kabahayan ay parang ang lakas maka-good mood. Napapa-ngiti na lamang ako at kasabay ng pag-uunat ko ng aking katawan.

Nakita ko si Deo na abalang nagwawalis sa sala at pinagpapawisan na ito dahil talagang inaayos niya ang pagwawalis rito. Maging ang posisiyon ng sofa sa sala ay iniba niya na ng ayos at nasa magandang pwesto na ito naka-lagay.

"Good morning,"bati ko sakaniya at napa-angat naman siya nang tingin sakin at ngumiti.

"Good morning din. Wala kang pasok?"takang tanong niya dahil siguro sa suot ko na naka-pambahay lamang.

"Yeah. Day off ko tuwing linggo,"ani ko at napa-tango lamang siya sa naging tugon ko at tinapos niya na ang pagwawalis bago lumapit sa akin na ikina-taka ko naman kung bakit.

"May sasabihin ka?"takang tanong ko rito.

"May bisita kasi ako mamaya. P'wedi ba siyang tumuloy dito?"tanong nito sa'kin.

"Oo naman. Bahay mo 'rin naman 'to at parehas lang din naman tayong nangungupahan kaya walang problema,"sabi ko rito at napangiti nalang sa naging tanong nito.

"Sige maliligo na 'ko,"ani niya na akin na lamang ikina-tango.

At nakita ko sa kilos nito ang pagmamadali patungo sakaniyang kwarto. Imbis intindihin ang inakto nito ay agad na lamang akong umupo sa sofa at binuksan ang T.V.

Paglipas nga ng ilang minuto ay napatingin na lamang ako nang maka-rinig ako ng pagbukas ng pinto. At mula iyon sa kwarto ni Deo na iniluwa nga siya nito palabas. Bagong ligo ito't nakasuot lamang ng sandong black at shorts na talaga namang bumabagay rito.

Dahil siguro sa pangangatawan at sa kag'wapohang taglay nito ay kahit anong naman atang suotin nito ay babagay. Kahit pa mukhang basahan ay para lamang siyang nagmomodelo kung titingnan nun pagnagkataon. Sayang nga lang dahil 'di mapapakinabangan ang lahi nito.

"May problema ba sa suot ko?"tanong niya na agad ko naman ikina-iling.

"Wala. Ayos nga e'. Bakit puro pang lalaki lagi ang suot mo? P'wedi ka naman nang mag-damit ng pambabae dahil tutal naman wala kana sa bahay niyo kaya pwedi mo nang ipaglandakan sa lahat na binabae ka,"ani ko rito na ikina-ngiti lang niya.

"Ayaw ko mag suot 'nun ng lantaran. Masaya na 'ko sa ganito at kunti lang ang nakaka-alam,"ani niya na akin namang ikinatango lang.

Napa-baling naman ang atensyon namin sa pintuan nang apartment namin ng may biglang kumatok.

Agad siyang napa-ayos ng tayo at masayang nag-tungong pintuan upang pagbuksan ang kung sino man 'yung taong kumatok.

Agad na lamang akong napatayo sa pagkaka-upo ng makita ang kasama ni Deo. Isang gwapong nilalang na kauri rin nito. Na talaga namang nakakahalina 'rin ang taglay nitong kag'wapuhan at halos mag-laway ako habang naka-tingin rito. Napa-ayos lang ako ng tayo at bumalik ang ulirat ng tapikin ako ni Deo sa balikat.

"Rex si Mia pala ka-boardmate ko at Mia si Rex, Boyfriend ko,"pagpapakilala ni Deo sakaniyang kasintahan habang may malapad na ngiti ang naka-hulma sakaniyang mga labi.

Napansin ko 'rin rito ang tingin na iginagawad ni Deo sakaniyang kasintahan. Mababakas mo sakaniyang mukha ang pagmamahal at paghanga para rito. At kita mo ang kasabikan sa mga mata nito sa muling pagkikita nila ng kasintahan.

----

The Unexpected HeartbeatWhere stories live. Discover now