Uno

48 2 0
                                        

Sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mga mundo...

Bihira magbigay si Tadhana ng chance upang pagtagpuin ang dalawang tao, pwede ding hayop. Malay natin. Ang nakakainis pa nga dun wrong timing pa.  Kung hindi naman, sa hindi magandang panimula.

~~~

Friday ngayon at hindi 13 ang petsa pero minamalas ako. Sobrang tagal dumating ng mga bus kaya apat at kalahating oras na akong tumatambay dito sa terminal kasama ng pinsan ko. Jusmiyo ! Eto ang mahirap pag hindi ka nakapagreserve ng uupuan mo sa bus.

"Punyemes naman oh! Ang sakit na ng pwet ko! " sigaw ko habang tumatalon. Aamagin na yung pwet ko kakaupo. Gustong gusto na niyang makalasap ng malambot na mauupuan sa bus.

"Tiis lang kasi. Nag oorasyon na nga ako dito eh", sagot niya naman ni Ella.

Tumayo ako matapos ang limang oras, sakto namang may pumarang bus. Aba lintik. Eto na to!

Umakyat agad ako hila hila ang pinsan ko. Hmmm!! Bawal ang papatay patay ngayon lalo na't maraming ibang pasahero.

"Kuya dalawa pong upuan",sabi ko kay mamang konduktor.

"Isa dito Miss. Dun yung isa." ,tinuro niya yung upuan sa harap niya at yung upuan na hiwalay sa akin. Nanlaki ang mga mata ko dahil first time kong sumakay ng bus na iba ang katabi.

Isang upuan ang pagitan namin ng pinsan ko. Jusmi. Sukain pa naman yun. Kawawa naman yung magiging katabi niya.

At dahil nauna ako sa pagpasok, ako na ang uupo sa likod samantalang sa harap naman si Ella.

"Dito ka na sa bintana.",sabi ni kuyang naka blue shirt.

Jackpot! Gusto ko parati sa bintana para kitang kita yung view.

Pag-upo ko isinalpak ko na agad ang earphones ko. Wala akong interest manuod ng tv sa loob ng bus. Una, hindi ko naman naumpisahan. Pangalaw, hindi ko marinig dahil basta!

Kaya pala ako pinaupo sa bintana dahil tumatama ang sinag araw sa side na to. Loko pala tong katabi ko eh! Buti na lang may kurtina at AC. Hindi ako sumasakay ng ordinary na bus tuwing bumabyahe hindi ko carry.

Tinignan ko yung katabi ko, busy sa panunuod sa harapan.

"Ang panget naman ng palabas eh. Boring ",bulong ko sa sarili ko.

"Hindi siya boring Miss. Hindi mo lang naumpisahan .",sabat niya. Agad kong tinanggal ang earphones sa tenga ko.

"Ansabe mo? Pakiulet. Narinig ko eh",sabay turo sa earphones ko.

"Ahh. Sabi ko. Nakita mo ba yung parada ng mga binge? Baka gusto mong sumali."

"Ahhh. Nabalitaan mo ba yung pinatay dahil nanglait ng binge na pumaparada? ",sagot ko.

"Hindi. Anong nangyare? ",ngumisi siya bilang pang aasar sakin. Kumunot ang noo ko at pinandilatan siya ng mata.

"Pilosopo!",ikinabit kong muli ang bagay sa tenga ko at nilakasan ang volume. Bwisit!

"Nagsalita ang hindi pilosopo", bumuka ang bibig niya kaya alam kong may sinabi siya. Aba! Pake ko sa kanya?

Matagal tagal din akong nakatingin sa bintana kaya nangawit ang leeg ko. Sinubukan kong ibaling naman sa kabila . Nakita kong tulog si pilosopo tasyo. Tinignan ko siya at hinintay na tumulo ang laway niya pero nabigo ako.

Naisip kong itext si Ella at tanungin kung buhay pa ba siya.
"Sukang suka na ako Ley. :3 Lalo na sa katabi ko."

Hahaha! Kawawa naman siya. XD
"Pareho lang tayo La. Nakakasuka din yung katabi ko."

Tawang tawa ako sa mga panlalait niya sa katabi niya at sa naiimagine kong itsura ng mukha niya.. Kesyo bakulaw daw, mahangin ,madaldal,feeling close at marami pa.

Nagulat ako nang may pumatong na ulo sa balikat ko.

~~~

Tadhana by Up Dharma Down.

BiyaheStories to obsess over. Discover now