The Algorithm To Your Heart

84 1 3
                                        

For Victoria

Prompt: Write me a love story please, thanks!

-

Having the key to your Ate's condo unit is very handy when you want to just sneak in without her consent, one perfect example is today. Vicky decided to go visit her Ate Des because she's in need of a relationship help. Apparently, high school love is really hard to understand at kaya si Ate Des niya ang naisipang puntahan ni Vicky ay dahil nasurvive niya ang hamon ng high school pagdating sa love.

So here she is soundlessly opening the door para hindi magulat ang ate niya (her ate's a programmer, baka kapag kumatok siya eh magulat ito at biglang umiyak nalang). She tiptoed her way to the sala kung saan nakaset-up ang computer ng ate niya and there she was looking intently at the screen. Mukhang busy na naman ang ate niya.

"Hey Ate Des." Malumanay na sabi ni Vicky sa ate niya, again baka magulat niya ito habang sobrang busy sa paggawa ng program, that's the last thing she wants for today.

"Hi." Simpleng sabi ng ate niya without even looking at her, she must be very very busy.

"So, uhm I need your help." Diretso sabi ni Vicky, ayaw niyang daldalin ang kapatid baka maasar lang at paalisin siya.

"Yeah? For what?" Still not looking at her, pero uminom ito mula sa mug na nasa tabi lang ng mouse (Vicky's guessing it's coffee or very hot milk).

"You know Tristan right?" Vicky heard her ate say mm-hm kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita "Well, pinayagan na ako ni mama na makipagbalikan sa kanya."

"Oh hey that's nice." Vicky heard her ate trying to sound happy "What's the problem with that?" Her Ate Des said then took a sip from her mug again.

"The problem is I don't know how to do it." Vicky exhaustingly said then flopped down on the seat that's closer to her ate.

"That's ridiculous!" Medyo natatawang sabi ng ate niya habang nagrarun ito ng program sa console (mukhang hindi siya natawa dun sa sinabi ni Vicky eh, dun ata sa program).

"You can't blame me, halos isang taon din kaming hindi nakapag-usap." Vicky sincerely said habang ang ate naman niya ay napamura "Can you please help me? Paano ba magaapproach ng lalaki ng maayos?"

"Sus, simple lang yan." Medyo inis na sabi ng ate niya, hindi talaga alam ni Vicky kung sino ba ang kausap ng ate niya "It's just like algorithm ni Java, you know? It has steps and –"

"Oh my God Maria Desiree Rodriguez stop talking Java to me!" Vicky can't help but shout at her ate na kanina pa walang pake sa kanya "Tumigil ka sa kakacode at pakinggan mo ako!"

"Woah okay, ito na-"

"Bilis, ishut-down mo na yang computer mo!" Mataray na sabi ni Vicky habang nagmamadali naman si Des na isave ang mga codes niya "Nako Maria Desiree, bagalan mo pa!" Mataray ngunit natatawang sabi ni Vicky, grabe nagmadali talaga ang ate niya para sundin siya.

"Ito na nga!" Sagot naman ng ate niya na hindi nakakahalatang pinagtitripan lang siya ni Vicky. "Ayan, nagsasara na! You happy now?"

Hindi na napigilan ni Vicky ang matawa sa nagawa niyang panguuto niya kay Des "Well, I must say that seeing you rush things is just entertaining."

"Karen Victoria, stop laughing or stop going to my apartment anymore?" Now that was Vicky's cue to stop laughing "Okay, so back to your problem."

"Yes finally, what do I need to do?" Vicky asked in full focus, she really needs this. Ayaw na niyang maulit yung isang taon na walang Tristan na tumatawag sa kanya tuwing gabi, just because pinagbawalan sila ng mga magulang niya.

Surreal NotesWhere stories live. Discover now