KABANATA 6

9.9K 92 1
                                    

Kumubli sa isang puno ang isa sa mga tauhan ni Waldo, at doon ito nagbawas. Nang makatapos ay may napansin itong tila mga patak ng dugo. Sinundan nito iyon, at nakita ang isang punit na tela ng nakasabit sa damuhan, at sa katabi niyon ay maraming dugo na nagkalat.


Umaliwalas ang mukha nito, at ipinag-palagay na baka sa dalaga ito, kaya't tinawag 'nya agad ang mga kasamahan.

"Boss Waldo, dito! Bilis!"


Nang marinig naman 'yun ng kanyang mga tinawag ay nagtakbuhan itong papunta doon. At iisa nga ang naging sapantahan nang mga ito, nakaligtas ang dalaga, pero nagtataka sila kung nasaan na ito nagpunta.

Patulog nag-siyasat ang apat na tauhan ni Soledad. 


At sa 'di kalayuan ay napansin din nila ang mga marka na tapak sa lupa. Sinundan ito nang apat. Muling nakita nila ang mga patak ng dugo. Dito na sila na nakatunog na may mga tao na tumulong sa dalaga.


Ilang sandali pa ang lumipas, tinaluntun nila ang derechong daan, kung nasaan naroroon ang mga patak na dugo, at mga tapak.


Inabot sila ng isang oras sa paglalakad sa kasukalan. At natanaw nila sa dulo ng daan ang isang kubo.


Napangisi si Waldo, pagkat nasisigurado na niya sa sariling naroroon ang hinahanap nilang dalaga.

Bumunot muna ng baril ito, bago naunang lumapit sa kubo.

Ang tatlo naman na kasama 'nya ang pumalibot sa kubo, para kung may tumakas man na tumulong sa dalaga ay matutunugan agad nila.


Sabay tadyak ni Waldo sa pinto nito nakasara, at itinutok ang baril sa mag-ama na nuo'y kumakain na ng hapunan. Nabigla ang mga ito. . .


"Huh, mga sino kayo? Anong kailangan 'nyo?", sunod-sunod na wika ni Mang Paeng, kahit na kinakabahan ito, at natatakot.

Tumago naman agad si Joel sa likuran ng ama.


"Huwag kang marami pang tanunng, Tanda. Nasaan ang dalagang tinulungan 'nyo? Ibigay 'nyo, kung ayaw 'nyong pati kayo ay madamay!"

"P-Pero. . . . !"


"NASAAN?", gigil na sigaw na ni Waldo, at kinalabit nito ang hawak na baril. Pumutok iyon. Halos manginig naman sa takot ang mag-ama. Sinampolan lang pala sila nito.


"N-Naroroon sa s-silid.", ngatal na wika ni Mang Paeng. Ayaw pa nilang mamatay, kaya mas mabuti pang ibigay na lang nila ang babae. Wala din naman sila magagawa, kapag nagmatigas pa sila. Nakakaawa nga lang, pero wala silang pagpipilian ng anak....


Tinawag agad ni Waldo ang mga bata niya nang makapasok ito sa silid, kung nasaan ang babaeng nakahiga. May benda pa ito ng mga tela sa mukha, pero hindi na iyon pinag-aksayaan pang kilalanin ng mga ito, kung si Ally nga ba ito, o hindi.


Binuhat agad ito ng isa sa mga tauhan 'nya, at nilisan nila ang kubo ng mag-ama.


Mahina pa ang babae, pero tumututol ito, at nagpapasag-pasag ang mga paa.


Nang makalayo sina Waldo sa kubo ng mag-ama ay ibinagsak nila ang babae sa damuhan, at binaril ito sa nang kung ilang ulit. Saka naman tinanggal ng isang kasamahan nila ang benda nitong tela sa mukha, at gayon nalang ang pagkagulat sa mga mukha nila, lalo na kay Waldo. 

Hindi ito si Ally. Nagkamali sila, pero anu pang magawa. 


"Boss, pa'nu 'to? Iba pala! Hindi ito iyon?", wika ng isa, na nakabawi agad.


"Patay tayo nito kay Madam. Anung gagawin natin boss? Ayaw ko pang makulong, walang alak, at chicka babes doon! Wah!", wika din ng isa pang tauhan ni Waldo.


Pero 'sya ay tahimik lamang, at may nabubuong plano na sa kanyang isipan.


"Mga ungas! Wala talaga kayong mga utak. Dalhin na 'yan, at isakay sa likuran. Akong bahala. May naisip na akong plano. Uutakan natin si Madam. Ha ha ha!


Hayaan 'nyo na ang Ally na 'yun. Hindi na iyon makakabalik pa sa Mansion nila. Dahil ipagbibili naman iyon ni Madam.", anito ni Waldo sa mga tauhan na naumid ang dila, nang magsalita 'sya.


Nagpauna na nga itong lumakad.


Kinaladkad nalang nila ang babaeng walang nang buhay, at isinakay nga sa likuran ng kotse. Nilisan na nila ang lugar na iyon, at kinuntak agad ni Waldo ang kilala niyang supultero. May ipapatrabaho 'sya dito, ayon sa kanyang naiisip ng plano.


. . . . . . . .


Ang mga magulang naman ng babaeng kanilang pinatay ay patuloy na nagluluksa. Sakay kase ng truck na ten wheeler ang babae. Ito ang anak ng may-ari. 


May pupuntahan sana silang shipment na mangyari ang aksidente. Malakas ang impact nang pangkakapreno ng driver niyang kasama, pero yumanig pa rin ito, at nabasag nga ang salamin sa harapan ng truck. Hindi naman napuruhan ang driver, kaya lang ang amo niyang dalaga ang napuruhan, pero pinili pa rin niya itong iligtas. Ibinaba agad ito ng driver, at dinala sa may di-kalayuan doon na damuha.


Ang perang dala nila ay binalikan pa ng driver sa truck, pero huli na dahil, sumabog na ito, at kasama ngang natupok ng apoy ang driver.

Ang dalaga naman na nailigtas ay nagkamalay, at nakapaglakad pa ng medyo may kalayuan doon, pero nawalan na din ito ng malay.


. . . . . . . .

ITUTULOY. . . .

Magdalena Series 1: Babaeng Puta ( Allison Bernabe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon