KABANATA 25

8.2K 116 9
                                    

[GRAND FINALE]


"Bakit ganito? Nasaan ako?", tanong ni Ally sa sarili.

Mula sa kanyang pagkaka-tayo, ay natatanaw niya ang malawak na kaparangan.


Sa banda roon ay may puno, at may duyan.

Nakasakay doon ang isang babae, patalikod sa kanya.

Wari niya'y nagduduyan ito ng sarili niya.


Inihakbang ni Ally ang kanyang mga paa, subalit parang wala siyang naramdam.


At pakiwari niya'y inilipad lang siya ng hangin papalapit sa babae.

"Paanong ganito ang pakiramdam ko? 

Nasaan ba ako na lugar?


At bakit ang gaan ng pakiramdam ko?", mga katanungan sa isip niya na walang kasagutan.


Ganap na siyang nakalapit.


Parang may mga isip ang mga kamay ni Ally na inilagay iyon sa balikat ng babae.


Natigil ito sa mahinang pagdu-duyan sa sarili, at lumingon sa kanya.

Hindi siya makapaniwala, ang kanyang ina ito, na matagal nang yumao.

Ngumiti ito ng payak kay Ally, tumayo, at inilahad ang mga braso sa kanya.


Alanganin naman si Ally na yumakap dito. Pero dala ng kasabikan, at pangungulila dito ay tinawid na niya ang isang dangkal na pagitan nila nito. Pag-daka'y niyakap niya ito nang mahigpit na mahigpit.

Miss na miss na niya ito.


Masaganang naglandas ang kanyang mga luha sa mata.

Doon pa lang niya iniiyak ng todo, ang mga pag-hihirap na dinanas niya.

Wala na siyang pakialam kung nasaan man siya ng mga oras na iyon, ang mahalaga, kasama niya ito, at hindi na siya papayag na mahiwalay pa dito. Not now, not tomorrow.


Payapa ang hangin. Napaka-tahimik sa lugar na iyon, at wala na siyang iba pa mang sakit sa katawan na maramdaman.


"Diyos ko, kung hanggang dito nalang po ako. Matatanggap ko. At hindi na po ako mag-hihiganti pa sa mga nag-kasala s'kin. Kayo na lang po ang bahala. Masaya na ako, at payapa, kasama ang aking ina.", usal niyang panalangin sa kanyang puso.


Ipinagpasa Diyos na niya ang lahat.


Kung anuman ang plano nito sa kanya ay buong puso niya tatanggapin.

Mula sa pagkakasub-sob niya ng ulo sa dibdib ng ina, ay marahan siya nitong ikinalas sa katawan nito, at tumingin kay Ally.


"Hindi pa oras anak ko! Bumalik ka. Hihintayin nalang kita dito.",wika nito kanya na masaya ang reaksyon nang mukha.


"P-Pero, Mama, gusto ko po na makasama na kita dito.", sagot naman niya.


"Wag mo madaliin ang panahon. Darating din ang itinakdang oras na magkaka sama-sama tayo.

Magdalena Series 1: Babaeng Puta ( Allison Bernabe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon