Napabuntong hininga na lamang siya.


Nakakaasar lang,akala pa man din niya ay masosolo na niya ito sa lugar na iyo.yon pala aasarin lang siya nito.


''uhm,excuse me.''


Napalingon sila pareho ni joven sa nagsalita.Don ay nakatayo sa kanyang harapan ang isang matangkad at gwapong lalaking nakangiti at nakatingin sa kanya.


Kilala niya ang lalaking iyon.Hindi siya maaaring magkamali dahil ang binatang nakatayo sa kanyang harapan ay ang isa sa mga tinatawag na heartthrob sa kanilang campus.Ang section 1 at varsity player ng kanilang basket ball team na si ....... Jeff Ulanday.


''uhm,Sandra.'' Halata ditto na kinakabahan ito pero hindi niya alam kong bakit.


''yes.''



''k-kasi..'' sumulysp muna ito sa kasama niyang si joven bago siya nginitian.


''kung,p-pwede sana kitang isayaw.''kinakabahang tanong nito.


Hindi siya kaagad nakasagot ditto dahil nagulat siya.


Siya na unpopular sa kanilang campus at yayaaing sumayaw ng isa sa mga sikat sa kanilang campus sumayaw.


Napalingon siya kay joven na ngayon ay nakatitig na sa kanya.Hindi niya mabasa ang emosyong nasa mga mata nito.


Kinakabahan siya.Hindi niya alam.


Tatanggapin ba niya o.....hindi.


''C-CAN I.''


Napatingala siya kay jeff na nakalahad na ang kamay sa kanya.


Napabuga siya ng hangin at hindi na siya nagisip pa.Tinanggap niya ang kamay nitong nakalahad sa kanya.


Ngumiti naman ito ng maluwang sa kanya.GInantian niya rin ito ng ngiti.Pero bago sila makarating sa gitna ng dance floor ay hindi niya sinasadyang mapatingin sa kinaroroonan ni joven.


Kita niya ang mga titig nito sa kanya.Biglang kumabog ng mabilis ang kanyang puso.


Napaiwas tuloy siya ng mata ditto at binaling sa nakangiting si jess sa kanyang harapan.


Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa balikat nito at ito naman ay sa kanyang baywang.


Kasabay ng slow dance ay sumabay na rin ang katawan nilang dalawa ni jeff sa musica.


Hindi na niya napansin pa ang pagtalim ng mga mata ni Joven sa mga kamay na nakahawak sa kanyang baywang.


The Alpha's MateWhere stories live. Discover now