Chapter 3 - Chat

Magsimula sa umpisa
                                    

                querkykid: nakita ko yung post mo sa chatbox at sa tingin ko hindi sila nakapagpayo ng maayos puro sila joke. Kung gusto mo makikialam ako sayo hehe este mag aadvice ako and I will do my best :)

     Napangiti ako sa chinat niya, may sense of humor pero may pagkaseryoso yung sinabi niya. At nagreply na ako sa kanya:

     trademarky12: salamat :) ayos lang na makialam ka basta magpapayo ka hehe

     querkykid: demanding hehe pero sige sige mmmmm ayun sa nabasa ko kanina may nakita kang boy na nagpaconfuse sayo sa pagkatao mo right?

     trademarky12: tama may boy na nagpaconfuse sa akin

     querkykid: hindi naman kaya lust lang yan? Sorry sa tanong ha? Gusto ko lang himay himayin yung sitwasyon :) so don't get offended ha? At tell me the whole truth :) okay?

                Grabe, yan ang una kong naisip nung nabasa ko yang message niya. Talagang seryoso siya at thankful ako na ganyan siya kaseryoso sa pagbibigay ng payo sa akin. Naiintindihan ko naman na dapat niyang malaman lahat para makapagbigay siya ng maayos at nararapat na payo para sa akin. At sa mga sinabi niya tiwala na agad ang loob ko sa kanya. Kaya ang sagot ko sa kanya ay ito:

                trademarky12: okay lang :) naiintindihan ko sasabihin ko lahat. At sa tanong mo kung lust yun? Hindi naman lust ang naramdaman ko ay para tumigil ang mundo ko at natunaw nung tumingin siya sa akin.

     querkykid: Mmmm okay hindi siya lust, definitely not lust. Ang nangyari sayo ay parang Love at First Sight.

     trademarky12: Love at first sight?

     querkykid: Yepp love at first sight, mula ba nung nakita mo siya hindi na siya maalis sa isip mo?

     trademarky12: to be honest, oo ee pati sa trabaho naiisip ko siya pati ngayon hay

      querkykid: Mmmm okay, nung nakita mo siya ano pa yung iba mong naramdaman bukod sa tumigil ang mundo mo at natunaw ka?

     trademarky12: Well bukod dun parang naging possessive ako sa kanya gusto ko sa akin lang siya.

     querkykid: Wow! Ang intense naman nun, do you imagine na kasama mo siya habang buhay?

     trademarky12: Oo dapat kasama ko siya habang buhay.

     querkykid: Confirm! Love at First Sight yan :)

                Napaisip ako sa sinabi niya baka tama siya na nalove at first sight ako sa boy na yun.Tama nga siguro siya. Magthank you na sana ako sa kanya nang may bumagabag na naman sa akin.

                trademarky12:  pero hindi pa ako nainlove sa kapwa ko lalaki?

     querkykid: eh anong tawag mo sa nararamdaman mo ngayon?

     trademarky12: ewan, hindi ko alam naguguluhan ako

     querkykid: natackle na natin yan "marky" okay? Alam ko naguguluhan ka tlaga, sabi mo nga ngayon ka lang nakaramdam niyan diba? Alam ko na kunang nararamdaman mong alam no ng inlove ka sa kapwa mo lalaki, takot.

                Yung last word na sinabi niya, yun talaga ang sumampal sa akin ng todo. TAKOT, takot ako sa bagong nararamdaman ko ngayon, takot akong mahusgahan, takot na takot ako. Ang sakit sakit na ng dibdib ko siguro nga tama siya na takot ako sa nararamdaman ko ngayon. At nagulat ako ng may biglang tumunog, tinignan ko yung laptop at nagmessage si querkykid

My CHATMATE, My SOULMATE (boyxboy) ON HOLD TEmporarilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon