"Pero alam ko, naging selfish din Ako, Kasi Hindi ko inisip yung .araramdaman niyo kung umalis lang Ako Ng Basta-basta. pero Yun lang Kasi Ang naisip Kong paraan." Paliwanag ko.

Nakita Kong may namuo ring luha sa mata ni Tyler pero pinipigilan Niya iyon pumatak.

"At least Ngayon alam ko na. Pero Hindi rin kita masisisi Louie, I know you're in pain. It's my fault." Sabi Niya at tumulo rin ang luha Niya.

Balak ko sana kontrahin ang sinabi Niya pero biglang tumunog Ang cellphone ko. Si Kevin, tumatawag sa'kin.

Bumalik kami ni Tyler sa condo dahil may emergency na sinabi sa'kin si Kevin. Sinalubong namin siya sa unit na papalabas.

"Kevin, ano na nangyari? Si tita?" Agad Kong tanong. Ang sinasabi Kong tita ay yung mama Niya.

"Tumawag sa'kin si papa, may sakit daw si mama, kailangan ko silang puntahan sa ospital." Sabi Niya.

Napatakip nalang Ako sa bibig ko. Ayun Pala yon, kaya Naman Pala Hindi naka-attend si tita sa birthday ni Kevin. Baka dahil yon don.

"A-ano daw sakit ni tita?" Tanong ko.

"Hindi ko pa alam Louie, kaya kailangan ko makapunta agad don para mabantayan ko yung kalagayan ni mama."

"O-osige." Tanging nasabi ko. Nabigla rin Ako sa ibinalita Niya.

Hinawakan Niya ko sa Mukha.

"Louie Ikaw Muna Dito ahh? Babalik Ako. Kailangan lang talaga ko nila mama at papa Ngayon." Sabi Niya sa'kin at hinalikan Ako Ng Madiin sa noo. Tapos ay nag mamadaling naglakad palayo.

"K-kevin mag iingat ka, balitaan mo ko." Pahabol kong Sabi.

Naalala ko kasama ko pa si Tyler.

"Louie." Hinagod Niya Ang likod ko.

Nilingon ko siya. Tumutulo pa rin Kasi Ang luha ko.

Bakit Naman Kasi Ngayon pa? Kakatapos lang Ng birthday ni Kevin.

***

Nandito kami ngayon ni Tyler sa Roof Deck ng condo. Nakaupo kami sa siment bench na walang sandalan.

Walang nagsasalita sa amin dalawa. Iniisip ko pa rin yung emergency na nangyari sa mama ni kevin. sana okay lang ang mama niya. Bukod pa don, naalala ko yung usapan namin ni Tyler kanina sa cafe, gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano nang masabi ko na sa kanya kung bakit hindi ko nagawang mag paalam sa kanila noon. Hindi naging madali para sa akin yon. at alam ko, maiintindihan na ko ni Tyler ngayon na nasabi ko na sa kanya kung bakit.

"Ayos ka na ba Louie?" Tanong niya. kanina kasi ay walang tigil ang pag iyak ko. inalok niya ko na umakyat muna dito sa rooftop para makapag refresh. natuwa naman ako na sinamahan niya ko.

Marahan akong tumango. "Okay na ko." nginitian ko siya. "Salamat. sinamahan mo ko."

Ngumiti siya pabalik. "Basta pag may kailangan ka, nandito lang ako ahh.." sabi niya.

na touch naman ako dun. Gusto kong isipin na bumabawi siya sa'kin. na parang dati lang ako yung nandyan parati para sa kanya, ngayon naman siya yung nandito para sa'kin.

"Salamat uli." pagpapasalamat ko uli

nanaig muli ang katahimikan sa aminng dalawa. Habang nakatingin ako sa madilim na kalangitan kasama ng mga nag kikislapang nga bituin at ang puting buwan, Nagulat nalang ako ng kunin niya ang kamay ko at ipatong iyon sa palad niya. Pinagdikit niya ang kamay namin at hinawakan iyon ng mahigpit.

"Ty?" Tawag ko sa palayaw niya. actually nagulat nga ako sa sarili ko nang matawag ko siya uli sa ganoong way.

Di siya sumagot at para lang siyang walang narinig nakatingin pa rin siya sa kawalan habang ako nakatingin sa kanya.

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now