"Minsan lang ako magseryoso. At maniwala ka man o hindi, ikaw pa lang ang sine-seryoso ko ng ganto. Una't huli ka. Pangako." Sabi ni Ian at niyakap niya si Jai.

Napangiti naman kami. First time kong makitang ganto kaseryoso si Ian. Maya maya ay hinampas siya ni Jai.

"Kainis ka! Pinapaiyak mo ko e." Sabi ni Jai at pinahid niya ang luhang tutulo na sana.

Nagtawanan lang kami doon ng may bwisit na lumitaw bigla.

"Ang saya niyo naman. Pwedeng makijoin?" Nakangiting tanong niya saamin.

Nawala ang tawanan na umalingawngaw sa table nang biglang sumagot si Blake.

"What do you want, Liz?"

"Uhmm, I just want to share with you guys. Ang saya niyo kasi e."

"Asan na mga famewhore mong mga kaibigan? Iniwan kana? Poor you." Mataray na sabi sakaniya ni Doms.

Bigla kong narinig ang tawa ni Liz kaya napatingin ako sakaniya.

"Aww, famewhore? Kayo 'yun. Kaya niyo nilalapitan 'tong malandi na 'to," Sabay turo niya saakin na ikinagulat ko. "Dahil gusto niyo lang sumikat. Popularity lang naman habol niyo sakaniya diba? Hayy, kawawa ka naman Kylie. Napapaligiran ka ng mga famewhore."

Tumawa ako kaya napakunot noo siya. Tumayo ako at naglakad papunta sa harap niya.

"Famewhore ba? Hindi mo sila kilala gaya ng pagkakilala ko sakanila. So who are you to judge my friends? Who are you to say that? Isa ka lang naman sa mga malalandi dito sa school na 'to e diba?"

Nakita kong naasar siya kaya nilapag niya ang tray niya sa tabing table niya. Lahat na ng mga estudyante nakatingin saamin.

"You bit--"

Hinarangan ko agad siya.

"Don't. Isa kang malaking germ." Sabi ko at tumawa.

Narinig ko din naman ang mga tawa ng barkada.

"Nananalamin ka? Hahaha! Whatever, oh, Blake, nasabi mo na ba sakaniya?" Sabay baling niya kay Blake.

Napatingin din naman ako kay Blake. Anong nasabi?

"Liz..." Seryosong tawag ni Blake sakaniya.

"Oh, okay. I get it. Hindi pa nga." Sabi niya at tumingin muli sakin, "Kawawa ka naman. Soon to goodbye ka na Ms..." Putol niya at linapit ang bibig niya sa tenga ko, "... Santiago."

Umirap ako at tinulak siya. "Trying to ruin us again, eh? Sorry pero hindi ka magtatagumpay."

"Oh really? Let's see," Aniya at ngumisi.

Ngumisi din naman ako at nilagay ang kamay ko sa baba ko na tila nagiisip.

Sinundot ko bigla ang bandang dibdib niya. Halata namang nagulat siya, "Ay? Lakas makapush up bra teh? Kaya pala malaki jogabells mo e. Mahal ka nila dahil malaki dede mo. Asan yung love dun? Nasa utong?" Sabay tawa ko.

Namula naman siya sa sobrang inis. Napuno ng tawanan ang caf. kaya napangiti ako.

"Lakas makafoam be?" Sabi ko at humalakhak.

Sa galit niya ay nakuyom niya lang ang kamao niya, "Damn you, bitch!" Sigaw niya saakin at tumakbo palabas.

Umirap na lang ako at tumawa na din. No mercy pagdating sakaniya.

Umupo na akong muli sa tabi ni Blake. Nagtatawanan pa din ang barkada except kay Blake na napakaseryoso na ng mukha.

"Wooh! Lakas mo Kylie!" Sigaw ni Ethan sakin.

Campus QueenWhere stories live. Discover now