Nakapikit Ako. Dinadamdam ko Ang bawat linya dahil damang dama ko Ang pakiramdam Ng kanta.

🎵Hindi mapakali🎵

Muli Akong dumilat pag dating sa verse 2 at tumingin sa lyrics sa cellphone

🎵Hanggang tingin nalang🎵

Bigla, napatingin Ako sa Gawi Ng kusina nila. Nakita ko si Louie nakatingin sa'kin. Kanina Niya pa siguro Ako pinapanood kumanta. Hindi Ako tumigil sa pag kanta, sa halip ay pinag patuloy ko pa iyon.

🎵Bumubulong sa'yong tabi🎵

Habang kinakanta ko Ang linyang ito ay nakatingin pa rin ako sa kanya. At oo sa kanya ko dine-dedicate Ang kantang ito, para sa kanya Ang kantang ito. Naisip ko kahit sa pamamagitan man lang Ng kantang ito ay maipahiwatig ko sa kanya yung bugso Ng pusong ko. Yung nararamdaman ko para sa kanya.

🎵Sadyang walang makapantay
Sa kagandahang inuukit mo sa isip ko🎵

Sa linyang ito talagang pinakita ko sa kanyang pumukit Ako para Makita niyang galing sa puso Ang lahat Ng lyrics na binibigkas ko Mula sa kanta. At buong puso yon na para sa kanya.

🎵Ako'y alipin ng pagibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin🎵

Tumingin na ko sa lyrics na nag p-play sa Videoke gamit Ang cellphone. Alam ko na rin na Hindi na nakatingin sa'kin si Louie. Tinapos ko yung kanta.

Batid Kong tapos na Ang kantahan dahil tumahimik na Sila, lasing na rin ang mga kasamahan ko at alam ko, lasing na rin Ako. Masyado naparami Ang inom ko, siguro Kasi dahil yon sa problema ko. Yung problema ko na Hindi masabi-sabi Kay Louie yung mga gusto Kong itanong sa kanya, yung mga gusto Kong Malaman tungkol sa kanya, Yun yon. Ang hirap hirap Kasi ibalik sa dati ang lahat Ang hirap na ipakita na para bang Hindi na ko apektado sa nangyari dati, pero Hanggang Ngayon dala-dala ko pa rin talaga. Ang hirap mag panggap. Ang sakit mag tiis na Hindi Ako nasasaktan na mag kasama Sila ni kevin

May yumogyug sa'kin. "Tyler, Tyler tapos na, umuwi ka na sa apartment mo." Sabi Niya sa'kin. Kilala ko ang boses. Si Louie Ang gumigising sa'kin

"Hmmmshshhsh" sinubukan Kong mag salita pero antok na antok na talaga ko hilong Hilo na rin Ako

"Tyleeeeeerrr. Tyler umuwi ka na Muna sa unit mo Bago ka matulog." May tinis Ang boses Niya at ramdam Kong may inis. Siguro Kasi lasing na lasing Ako at Hindi ko kaya Ang sarili ko.

Inakbay Ako ni Louie para akayan palabas Ng unit nila. Kahit hilong Hilo Ako pinilit Kong makapaglakad.

"Tyler, Tyler, yung card mo nasan?" Rinig kung Tanong Niya sa'kin, Hindi na Ako makasagot naramdaman ko nalang na may nag bukas Ng bag ko at may kinuha roon. Nakapasok kami sa unit ko. Binagsak Ako ni Louie sa sofa. Dumagdag yon sa Hilo ko. Sa bagay di ko siya masisisi. Alam Kong mahirap nga Naman Akong akayin. Tumingala Ako. Pero kahit anong linga-linga ko di pa rin mawala Ang kalasingan ko. Hilong-hilo pa rin Ako.

"Tyler, nandito ka na sa apartment mo ah, Alis na ko." Rinig kong Sabi ni Louie

"Louise." Tinawag ko siya. Hindi ko na mapigil Ang sarili ko gustong-gusto ko na siyang tanungin, gustong gusto ko nang may masagot sa katanungan ko, gustong-gusto ko na siyang makausap

"Louise bakit ka umalis?" Tanong ko sa kanya

Alam Kong Hindi pa rin siya nakakaalis Ng unit ko at alam ko narinig Niya Ang sinabi ko. Hindi ko pa naririnig sumara Ang pinto kaya alam ko nandito pa rin siya

Kahit 'Di Mo Alam [COMPLETED]Where stories live. Discover now