SEDYUSAN TRES

323 15 4
                                    

*SECOND PERSON'S POV*

"Freak, I want you to fucking cook some beef steaks for me. Make sure, you'd fucking cook it right. Or else, you're dead."

Utos at banta sayo ng halimaw mong amo.

Napatango ka nalang at sinabing, "Opo, boss. " monster. Dugtong mo sa isipan habang tinitingnan ito ng masama.

Pano ba naman kasi ay hindi ka naman marunong magluto tsaka may kusinera naman. Bakit ikaw pa ang inutusan diba?

"Good. Now, go. Your ugly face is making me vomit." pagsusungit pa nito bago ka pinagsarhan ng pinto ng kwarto nito.

"Grrr! Ang yabang! Sa ganda kong to?! Ang panget mo naman! Halimaw ka pa!" inis na sigaw mo sa pinto.

Narinig mong tumawa pa ang halimaw mong amo sa loob.

'Buset yun! Kainis!! Buti pa yung kaibigan niyang si Sir Dave! Sobrang bait na nga, gwapo pa!'

wika mo sa isipan habang padaskol na bumababa ng hagdan.

Ang babait at ang ga gwapo ng mga kaibigan ng halimaw mong amo kaya napaisip ka tuloy kung pano ito naging kaibigan nila.

'Siguro pinagbantaan din nya.'. nakasimangot mong sabi sa isipan nang sa wakas ay makarating ka na rin sa kusina para iluto yung request ng amo mong halimaw.

Nabuksan mo na ang ref at hinahanap na yung plastic ng steak nang lapitan ka ni Ate Nelly-- ang matandang kusinera na close na close mo.

"Oh, *insert your name* anong gagawin mo? Magluluto ka ba? Ako na. Trabaho ko yan eh." anito sayo.

Umiling ka naman at isinara na ang ref matapos mong makuha ang hinahanap mo.

"Utos sa akin ni Halimaw to, ate." sagot mo at inilabas na ang steak sa plastic. Huhugasan mo sana nang pigilan ka ng matanda.

"Naku! Wag, hija! May timpla na yan eh. Idefrost mo lang saglit. Pero wag mong hugasan ng tubig. May timpla na kasi tsaka malinis na yan." mahabang paliwanag niya sayo.

Napatigil ka nalang at napakamot ng ulo.

"Ganun po ba? Hehe.." awkward na sabi mo.

Malay mo ba naman kasi diba? Anong alam ng prinsesang kagaya mo sa pagluluto? Sa kaharian nyo, ikaw ang pinagsisilbihan at inaasikaso.

Kahit gusto mong matutong magluto, hindi pwede dahil bukod sa 300 ang kusinero/kusinera nyo sa palasyo ( Di pa kasama yung mga taga gawa ng inumin ) ay nag aaral ka pa ng matindi.

Isang daang makakapal na libro ang kailangan mong kabisaduhin at pag aralan.

Kaya kung tutuusin, mas madali at maluwag ang buhay mo rito sa Pinas kumpara sa kaharian mo.

At magiging masaya rin sana kung hindi asal halimaw ang amo mo.


"Marunong ka bang magluto, ineng?"

Napabalik ka sa realidad nang marinig mo ang boses ng matanda.

"P-po? Hindi nga po eh." Nahihiyang amin mo.

Napapailing naman ang matanda. Nakatingin siya sa ginagawa mo.

"Halata nga. Di naman kasi nilalagyan ng kamatis at dahong sili ang beef steak." anito.

Napatingin ka naman sa ginagawa mo at nakitang sa sobrang kaiisip mo, naghihiwa ka na pala ng kamatis at nasa mangkok na ang mga dahong sili.


SEDUCING BOSS MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon