Lalo akong kinabahan. Natatakot ako na iba ang isipin niya.


"He's with Miya... Hindi ko naman alam na pupunta sila ngayon. At hindi ko alam na pupunta ka rin. You said you would text me."


"Bakit siya pumunta dito?" balewala niya sa sinabi ko.


"Binisita nila ako."


Hindi siya nagsalita.


"He's my bestfriend, Clay. We've been friends for how many years and he has a girlfriend!"


"I didn't ask," suplado niyang aniya saka naunang pumasok sa unit ko.


Sumunod ako sa kaniya. Hindi ko nakita na may dala pala siyang paper bag. Alam ko na kung ano ang laman noon. Tapos na akong mananghalian.


Parang panaginip ito. Claine is here and want to eat lunch with me. Tapos na akong kumain pero kakain muli ako para kasama siya kumain. I have the appetizer. Kung mananatili siya hanggang hapon ay papayag ako. Kahit matulog na siya dito.


Get a hold of yourself, Hill! Hindi pa kayo!


Tumikhim ako nang prente na siyang nakaupo sa dining table.


He's wearing a brown t-shirt and black pants. He looked even handsome with simple clothes. Hindi na kailangan ng magarbong damit.


"Kumain ka na?" aniya nang makaupo ako.


"Yes but... I want to eat lunch again."


Umiwas siya nang tingin. "Where's your brother?"


Doon ko lang naisip na hindi pa kumakain si Perth. I was about to say something but somebody clears his throat. Alam ko na kung sino iyon.


It was Perth!


"Ate? Claine?" He asked.


Gusto ko sanang sawayin ang kapatid dahil wala man lang paggalang ang tawag niya kay Claine. Claine face is calm. Habang ako hindi ko na alam ang uunahin na isipin.


"Call him Kuya Claine, Perth. He's older than you."


Iyon na siguro ang nakuha niya sa US. Tinuruan ko siya noon na tawagin akong Ate at ako lang at si Miya ang tinatawag niya ng ganoon. Kahit si Lance ay minsan niyang hindi sinasabihan ng Kuya. Iba pa rin talaga kapag lumaki ka sa ibang bansa.


Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nanatili ang kunot niyang noo.


"What are you doing here?" he asked as he directed his gaze to Claine.


"I am courting your sister. I went here to visit and ask your permission."


Napanganga ako. Ang akala ko ay ako iyong naghahabol. He's courting but he didn't tell me about it. Pero kung tutuusin ay ako dapat ang gagawa non dahil ako iyong may gusto ng relasiyon. But I feel bad for my brother. Ngayon ay mas magiging magulo lang kapag pinaliwanag ko pa ang nangyari noon. Ayokong malaman niya. Ayokong bumalik ang sakit na matagal niyang nilabanan ng ilang taon. I don't want to see him suffer again. Hindi ko kaya.

IntentionWhere stories live. Discover now