Chapter 32

10 0 0
                                    

Huminto ang sasakyan sa sinabi kong lugar. Sa labas ng building ng Morgan Corp. He was quite when we are inside the elevator. Gusto ko sanang tanungin kung bakit siya sumama pero dahil sa takot hindi ko na lang ginawa. Ang akala ko ay ihahatid niya lang ako and here we are, inside the elevator. Tumikhim ako nang tumunog ang elevator. Naisip ko na baka inihatid niya lang ako sa aking opisina.


Lumabas ako. Ang akala ko ay mananatili siya doon pero hindi, lumabas din siya at hindi ako pinansin. Nagtungo ito sa aking opisina. Ang aking sekretarya ay naguguluhan na pinagbuksan ng pintuan si Claine. Tango na lang ang ginawa ko kay Lara bago naglakad patungo sa pinto saka pumasok.


I think it's about business...


Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa. Sinundan niya ako ng tingin nang makatayo ako sa harapan niya. My knees is trembling. Damn it!


"Sorry about t-the meeting that had been cancelled. We can schedule meeting for that. It's our privilege to have you as a client." Kinain ko na talaga ang aking pride nang sabihin iyon.


I have no other choice.


Tumaas ang kilay nito. Nanatili ang galit na tingin. Mas lumala pa yata ang galit dahil sa sinabi ko.


"Hindi ako nandito dahil doon. I'm here because of what happened earlier." Kontrolado ang boses niya pero mariin at may gustong ipahayag.


Bahagya akong napaiwas ng tingin. Nagkunwari akong hindi alam ang sinabi niya.


"Oh, you mean I-I left my key in that restaurant?" I asked innocently, faking a curious remark.


Ipapakuha mamaya sa aking sekretaya iyong purse ko. So, I don't bother to see Brent again.


Sana talaga ay hindi niya nakita ang nangyari kanina. Pero bakit pa niya tatanungin kung wala siyang alam? Dapat hindi niya narinig ang mga sinabi ni Brent. Dahil kung narinig niya iyon panghuhusga na naman ang maririnig ko. And I'm tired of it.


"Who's that guy? Katulad ko rin ba siya?"


Nainsulto ako sa tanong niya.


Katulad niya?


This is one of the examples why I'm tired being judge because they think I'm just a person who use people to get what I want. At kay Claine pa na naging totoo ang nararamdaman ko sa kaniya.


Noong una, hindi ko kayang tanggapin ang totoong nararamdaman ko. But I learn to accept it when it hurts so bad. Nasaktan ako ng husto dahil iiwan ko siya. Noong may nangyari sa amin... It was my first and I admit that was one of most memorable moments of my life. Hindi ko aakalain na makakaramdam ako ng gaanong damdamin. It was ecstatic.


"What do you mean, Claine?" I asked.


Humalukipkip ito. "One of your victims?" Parang obvious ang sagot noon.

IntentionWhere stories live. Discover now