OSS- Prologue

568 26 12
                                    

"Marriage is only for those who are financially stable, mature, and ready to commit to a lifetime relationship. So, the question is, are you ready? Handa ka na bang ikasal, Quin?"

Nagpatuloy lang ako sa pag scroll down sa Instagram at kunwari'y walang narinig sa pangaral at tanong sa akin ni Summer. Abala ito sa pag-ayos ng mga make-up namin para sa make-up tutorial vlog niya.

"Hindi dapat minamadali ang kasal. Nakita mo ang sinapit ng sikat na vlogger? Ilang buwan pa lang sila magkakilala at nang mas sumikat ay nagpakasal kaagad at bumuo ng pamilya. Ang kinalabasan? Boom! Hiwalay na sila ngayon at trending dahil may third party. Pinag pipyestahan tuloy sila ng mga mosang sa pilipinas," mahaba niyang lintaya.

"Pero tama lang ang desisyon mo. Ang gwapo kaya ng mapapangasawa mo," aniya, tumingin sa akin at kinindatan ako.

"Guwapo nga pero sukdulan naman ang kasungitan at kagaspangan ng ugali," mapait kong saad.

"At least, guwapo pa rin. Kaysa naman pangit na tapos pangit pa ang ugali? Gusto mo 'yon double kill?" She wiggled her eyebrows

"He's also boring! Probinsiyano at piling conservative, that's just... not to my liking," I said irritatingly.

Napaisip ito. "Ayon lang," umismid ito.

"If Quen wouldn't pursue Law, I would not agree to arrange marriage in the first place. I am still young and I have lots of things I wanna do in life. Ayaw ko pang mag seryoso sa buhay."

Nilapitan ko siya at inayos ko ang aking buhok sa kaniyang vanity mirror. Pinakulot ko sa kaniya ang dulo ng aking buhok.

"You're a famous model and lots of seniors in our university and other universities are waiting for their chance to court you or flirt with you. Isang pitik mo lang ay makakakuha ka na ng isang guwapo at mayaman na lalaki. Kaya lang ay matatali ka na," humalakhak ito sa huli niyang sinabi.

"Gaga, e kung 'wag natin ituloy itong vlog?" Pananakot ko sa kaniya, sponsored pa man din itong mga make-up na gagamitin namin.

"Hey! I'm just kidding girl, chill out."

Ilang minuto pa kaming nagtalo bago nag-umpisang mag-vlog.

Saktong matapos kami ay ang pagpasok ni Quen sa aking kuwarto.

"Quin, your fiancé is here. Hinihintay ka sa baba, kasama niya Mommy."

"What?!" I exclaimed.

"Lagot ka, Ate girl. Sinusundo ka na ng fiancé mo," panunukso ni Summer at nangiinis na humalakhak.

Inis akong tumayo at pinasadahan kung okay lang ba ang suot ko ngayon. Pink sando top and black shorts, okay na 'to. Makikita rin naman niya ang hubad kong katawan kapag kinasal na kami.

Nanlaki ang aking mga mata sa naisip.

"My gosh Quin! Get a hold of yourself," pinag tatampal ko ang aking pisngi at lumabas sa aking kuwarto, iniwan ang dalawa.

Banayad akong bumaba sa hagdan papuntang living room. Mula sa taas ay kita ko si Mommy, masayang kausap ang hindi ko kilalang lalaki- just kidding, kausap niya si Santiago na tumatango sa kung ano man ang sinasabi ni Mommy.

I checked his outfit, he's just wearing jeans, a gray sweatshirt, and high cut converse- which really is not to my liking. So plain and simple. Hindi kagaya ng mga taga siyudad at kaklase kong lalaki na magaling pumorma.

Kaagad na umangat ang kaniyang kaliwang kilay nang magtama ang aming paningin. His forehead creased after checking my whole body.

I am pretty sure na nilalait na niya ako sa kaniyang isipan.

One Sweet Summer (Trevino Twins Series 1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora