Hindi pa din ako makapagsalita. Pano niya nalaman? Sino nagsabi? Kelan? Ang daming tanong na bumabagabag sa isip ko pero hindi ko masagot sagot.

"How did I know? Well, its a secret. You're a great pretender, Kylie. A very great pretender." Sabi niya at tumawa bago ako lagpasan.

Naiwan akong tulala. She know! Pano na 'to?!

Ilang segundo din akong tulala ng biglang may nakabangga saakin.

"Ouch!" Daing ko dahil sa lakas ng pagkabunggo niya saakin ay napasandal ako sa locker ko.

"Sorry miss." Sabi ng nakabangga saakin at hinatak ako ng marahan.

Tinignan ko siya. At halos hindi na ako makapagsalita ng makita ko ang mukha niya. Messy hair, matangos ang ilong, pinkish lips, perfect jaw line at ang kaniyang brown eyes. Wait, familiar 'to ah?

"Kylie?" Tawag niya saakin.

Kunot noo lang ang itinugon ko sakaniya. Omg! Familiar talaga siya!

"Kylie! This is me, Jules!" Sabi niya.

Jules? Wait. Jules! Oo! 'Yung nakasabay ko pauwi galing Cali.

- CNCTQ Chapter 56 kung nakalimutan niyo :) -

"Uy! Ikaw pala 'yan? Hindi kita namukhaan! Sorry." Sabi ko sakaniya.

Tumawa naman siya. Showing his white perfect teeth. "Oo. Hahahaha! Buti nga namukhaan kita e. Dito ka pala nagaaral?" Tanong niya.

"Oo. Ikaw? Dito ka din?"

Umiling siya sa tanong niya at tinuro ang jersey niya. Doon ko lang napansin na taga Weston University sya.

"Ay. Kalaban ka pala e!" Biro ko sakaniya.

"Hahaha. Oo nga. Wait, pupunta ka ba sa Gym niyo?"

"Oo. Sabay ka?"

"Sana. Kanina pa kasi ako naliligaw e. Ang laki naman kasi ng school niyo! Balita ko kayo may ari nito ah?"

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. Hindi niya dapat malaman.

"Ha? Ah oo. Sige tara? Sabay kana sakin. Kawawa ka naman e. Hindi pa nga nags-start 'yung game pawis kana." Sabi ko at tumawa.

"Oo nga e. Di bale, hot pa din naman ako." Sabi niya at kinindatan ako.

Umiling na lang ako. Gwapo siya. Pero loyal ako kay Blake e.

Naglakad na kami papuntang Gym. Pero nagkwentuhan pa din kami.

"Teka nga. Ba't nga pala hindi na kita nakikita? Kapitbahay lang kita pero hindi kita nakikita? Angas nun ah!" Tanong ko sakaniya.

"Ah. Pinili ko kasing mag-dorm. Alam mo na, namiss ko na din mga tropa ko e."

"Kaya pala."

Nanahimik kami saglit. Awkward. Joke. Hahahahaha!

"Uy! Nga pala, nagtext ako sayo ah?"

Napatingin ako sakaniya. "Ha? Wala naman akong nareceive ah?"

"Hindi. Matagal na. Tinanong pa nga kita kung naaalala mo ko."

Napaisip ako. Wait, isip isip. Pakshet! Gumana ka utak! Bwisit.

"Ah! Oo. 'Yung nasa rooftop kami. Ikaw din ba 'yung nagtext sakin ng 'Hey babe. What's up?"

Alinlangan siyang tumango kaya sinamaan ko siya ng tingin at hinampas siya sa braso niya.

"Bwisit ka! Nag away kami ni Blake dahil dun! Asar!" Singhal ko sakaniya ng nakasimangot.

Campus QueenWhere stories live. Discover now