Chapter 1

6 1 9
                                    

Vampire Diaries Inspired Story

Habang ang mga bampira, werewolves, at witches ay laganap sa Mystic Falls, tayo naman ay dadako sa kabisera ng isang arkipelago sa bandang silangang bahagi ng mundo.

...

Chapter 1

"Namatay daw yung kapitbahay ng kaibigan ko," sabi ng isang babae habang ngungumuya ng kanyang kinakain sa mesa sa aking likuran.

"Ha? Ano daw nangyari? Natokhang?" ang tanong naman ng kanyang kasama.

"Ewan ko. Nawala daw nang ilang araw tapos nakita na lang sa isang eskinita na bangkay na lang daw. Sabi daw namatay daw dahil naubos ang dugo sa buong katawan."

"Hala?! Aswang?" hiyaw nang kausap niya.

Narinig siya ng lahat at siya ay pinagtinginan.

"Ang OA mo naman!" pagkainis naman ng nagkukuwento. "Aswang tapos nasa Maynila, ok ka lang? Malay mo naman, sinasaksak tapos hindi nakahingi ng tulong," dagdag pa nito.

"Malay naman natin 'no? Naku, dapat mag-ingat pala 'yang kaibigan mo, may snatcher pala dyan. Malay mo aswang pala yung snatcher."

Natawa ako ng kaunti sa narinig ko. Napansin naman ito ni Daphne na kadadating lang, dala ang pagkain para sa aming dalawa.

"Bakit ka natatawa? May kulangot ba ako sa ilong?"

"Ha? Hindi! Natawa lang kasi ako sa narinig ko, aswang daw," nakangiting sagot ko sa kanya.

"Bakit? Hindi ka ba naniniwala doon?" tanong niya habang kumukuha ng kanin.

"Hmm... hindi naman sa hindi naniniwala pero hindi pa kasi ako nakakakita no'n."

"Ako rin naman e, pero naniniwala ako kasi sabi ni lolo, may lahi daw kaming aswang."

Lumaki naman ang aking mata. "'Di nga?"

"Charaught! Hindi ko rin alam pero I'm open to all the abilities."

"Shala! English, pero mali."

Tumawa naman siya nang malakas. "You know what I meant! Anyway, anong gagawin mo sa summer?"

"Pupunta kaming probinsya ng pamilya ko. Doon kami magbabakasyon," pagbigay-alam ko sa kanya.

"Aww! Hindi tayo makakapag-hangout!" ang kanyang reaksyon na overdramatic na nag-cross-arm habang nakasimangot.

"Pwede naman mag-usap sa social media ha?"

"Aww... Alright!" agad niyang sagot at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Pagkatapos ng huling araw ng klase, nagpaalam na ako sa kaibigan ko at ako'y umuwi. Habang nasa biyahe kasama si Papa ay nasa isip ko ang kwento ng babae sa canteen. Napapailing ako dahil alam kong hindi totoo ito. (Dahil ako ang pumatay sa kapitbahay ng kaibigan niya! Char) Dahil kung ito ay totoo ay dapat naikwento na sa akin nina Mama o ni Lola ang tungkol dito. Bakit naman, tanong niyo, malalaman ng mama at lola ko yun? Well...

"Nandito na tayo, iwan na muna kita dito. May pupuntahan pa kasi ako," Paalam sa akin ni Papa at pinaandar muli ang motorsiklo.

Lumapit na ako sa pinto ng bahay namin. Kumatok na ako at sinabi kina Mama na nandito na ako. Agad namang bumukas ang pinto. Ang galing 'di ba? Automatic! Kahit walang tao, bumubukas!

Pumasokna ako, pumunta ako sa kusina at nakita si Mama na nagluluto ng aking favorite!Chicken Nugg—Noodle Soup! Sa pagkumpas ng kamay niya ay muling sumarado angpinto ng bahay.

"Magpalit ka na ng damit para makakain ka nitong paborito mo at tawagin mo na rin ate mo," utos ni Mama na sinunod ko agad.

Pagkapasok ko ng kwarto namin ng ate ko ay naabutan ko siyang nagpa-practice palutangin sa ere ang mga lapis niya.

"Ate, kakain na daw sabi ni Mama," sabi ko sa kanya. Pagkatapos kong sabihin 'yon ay nagsihulugan ang mga lapis sa paligid niya.

Humarap siya sa akin at may inis sa kanyang mukha. "Ugh! Nakikita mong nagpa-practice ako eh."

"Sabi kasi ni Mama eh," katwiran ko naman.

"Okay," tumayo na siya at ginalaw ang kamay na parang binubuhat ang nagsikalatang lapis. Bumalik sa ere ang mga lapis at pumunta sa loob ng pencil case. Pagkatapos niyang mailagay ang mga lapis ay lumabas na rin siya ng kwarto.

Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin. Ang aking pamilya ay pamilya ng mga mangkukulam.

Forbidden Legacies: Unleashing ShadowsWhere stories live. Discover now