Ikinulong kona ang sarili ko sa kwarto at hindi na lumabas, iniisip ko parin ang sinabi ni imre. pumunta ako sa lawa ng katotohanan at malalam ko kung sino ako,? pero.. sino nga ba talaga ako? bakit ako pinanganak sa isang talulot'ng bulaklak.

" arcadia? nanjan kaba? " napatingin ako dahil sa kumakatok sa pinto,si lily ito na mukhang kanina pa Hinhintay ang pagbabalik ko.


Inabutan nako ng umaga dahil sa kakaisip. at hanggang ngayon ay hindi parin ako nakakapag pasya sa gagawin ko. malalim akong huminga at tumayo sa pagkakaupo, binuksan ko ang pintuan ng kwarto kaya sumalubong sakin ang liwanag ng paligid.

Napatingin ako sa mga kawal na nagmamadaling tumakbo sa kung saan nakita ko rin ang mukha ng tagapaglingkod ng prinsesa at humahangos ito kasama ang mga kawal. anong nangyayari.?

Biglang lumakas ang hangin kaya naman natabunan ng buhok ang mukha ko may kung ano akong naramdaman sa hangin na iyon, parang may-mangyayaring masama.

"   arcadia, salamat naman at lumabas kana sa lungga mo... "  humahangos na saad ni lily habang hawak hawak ang kanyang dibdib pawisan din sya gawa ng pagtakbo nya.

" anong nangyayari lily.? bakit nakita ko ang mga kawal na nagmamadali.? "  tanong ko sakanya umayos naman sya ng tindig at tinignan ako.

"  may kung anong nangyari sa prinsesa ng durram, may nakita sa katawan nya, na kapangyarihan ng isang angkan ng kadiliman. " kinabahan naman ako dahil don. pasimple kong naiyukom ang kamao ko.

Nag-paparamdam na naman sila...

Agad akong nag-alala kay indra, wala sya dito ngayon sa palasyo. wala naman sigurong nangyari sakanya na masama.

" kung ganon' kamusta ang kalagayan ng prinsesa ng durram.? "  agad na nangunot ang kilay ni lily dahil sa tanong ko.

" hephep... diba dapat magalit ka sakanya.? sya ang dahilan kung bakit ka muntikan na mamatay. "  inis nitong pahayag.

malalim naman akong Napabuntong hininga.

" hindi ko kailangan pairalin ang galit ko sakanya ngayon lily may mga kalaban tayo kaya kailangan nating magtulong-tulong. " mahinahong sagot ko sakanya.

" oo na sige, ayos lang ang prinsesa ngunit wala parin itong malay gawa ng malakas na enerhiyang natanggap nya. "  sino naman kaya ang magtatangkang pumasok sa ganitong Lugar.? hindi kaya alam ng mga kalaban na wala dito ng punong dyos kaya sumugod sila.?

" at sa punong dyos naman, wala parin balita tungkol sakanya ang alam ng lahat ay nasa gintong lawa sya at nagpapalakas ngunit.. ang totoo ay hindi talaga alam ng ibang dyos kung nasaan sya. "  kung ganon ay palabas lang nila ito, dahil kapag sinabi ng ibang dyos na hindi nila alam kung nasaan ang punong dyos ay, maaring magkagulo sa palasyo.

" hahanapin ko sya... "  pagpapasya ko ako lang ang makakahanap sakanya ngayon.

" ngunit delikado arcadia, ikaw na nga mismo ang nagsabi ng delikado tayo ngayon tapos hahanapin mopa ang punong dyos—” 

" kung ganon sino ang maghahanap sakanya.? hindi pwede ang ibang mga dyos dahil sila nalamang ang natitirang mag po-protekta sa palasyo. "  seryosong saad ko sakanya.

" kung ganon, paano kapag hindi kana naka-uwi ng buhay.? "  kita ko sa mukha nya ang pag-aalala kaya ko syang hinawakan sa kamay.

" babalik ako, ng buhay. "  ngumiti ako sakanya at ganon din naman sya, sisiguraduhin ko ring babalik ako ng buhay at ligtas. hindi ako mamatay hangga't hindi ko nakakamit ang gusto ko.







" sigurado kabang yan lang ang dadalhin mo.? "  tanong ni lily habang buhat ko ang dala kong gamit sa gagawin kong paghahanap.

Tumango naman ako sakanya upang sabihin na ayos na itong mya dadalhin ko.

" basta mag ingat ka arcadia, at siguradohin mong mahahanap mo punong dyos. "  tipid naman akong ngumiti bago sya talikuran at Maglakad.

Kailangan kung gamitin ang teleportasyon ko upang mas maraming lugar pa ang mapuntahan ko, hindi rin ako pwedeng Maglakad ng malayo dahil hihina agad ang katawan ko.

Huminto ako sa paglalakad at napatingin sa braso, wala sa akin ang porselas kaya hindi ko nararamdaman ang enerhiya ni indra maaari ko sanang malaman kung nasan sya kung suot ko ito at ini-ngatan.



Malalim na ang gabi at nagpapahinga na ako, nagsindi lang ako ng apoy sa kahoy upang Mainita ang katawan ko, bahagya kong hinipan ang kamay kodahil nakaramdam ito ng lamig. hindi ko inaakalang mas malamig pala sa labas ng palasyo kapag gabi.

Hindi ko alam kung saan ko hahagilapin si indra, dumaan din ako sa gintong lawa ngunit wala sya doon tahimik ang lugar at katulad parin ito sa dati.

Tatayo sana ako upang kunin ang gamit ko sa puno ng makaramdam ako ng kakaiba, parang may nakatingin sakin kaya nakaramdam ako ng takot. wala akong ibang kasama kaya paniguradong nakatawag ako ng atensyon sa mga misteryosong mga nilalang dito.

Bigla kong naa-lala ang sinabi ni Zamir,

Hindi porket' nasa palasyo kana ay ligtas kana. ang labas ng palasyo ay pinalilibutan ng mga kakaibang nilalang,. kaya hindi mo parin masasabing magiging ligtas ka.

Eto naba yung sinasabi ni zamir.? isa kaya ito sa mga misteryosong mga nilalang na naninirahan sa labas ng palasyo.?

Kumuha ako ng isang sanga at mahigpit itong hinawakan hindi ko pwedeng sayangin ang enerhiya ko, kailangan ko iyong tipirin para makagamit ako ng teleportasyon.

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kahoy ng gumalaw ang mga dahon malapit sakin.

" sino ka.? " matapang kong tanong, at agad na hinanda ang sanga, handa kona sanang hampasin ang kung' sinong nilalang na iyon ng magsalita ito.

" wala akong gagawin na masama sayo. "  napakalaki ng boses nito, unti unti kong tinaas ang tingin at halos manlaki ang mata ko ng makita ang itsura nya. medyo mataba ito at may sungay pero ang mukha nya katulad lang ng amin...

" isa akong taong toro... " taong toro.? anong klaseng nilalang ang bagay nayon.?

" alam kong hindi mo naiintindihan ngunit, hindi ako kalaban. naatasan lamang akong magbantay dito dahil nag-paparamdam na naman ang mga kalaban. napag-alaman din naming nakapasok na iyon sa palasyo.. " paliwanag nito, ngunit dapat naba akong mapanatag.?

" hindi kami nanakit ng walang dahilan. "  tila nabasa nito ang nasa-isip ko, para naman akong nakonsyensya kaya ibinaba kona ang hawak kong sanga.

" bakit nandito ka sa ganitong lugar.? paano nalang kung bigla kang sugurin ng nakakita sayo.? " tanong ko sakanya.

"  katulad ng sinabi ko kanina pinag-bantay ako ng aming pinuno. "  napatango nalang ako dahil don. ganito pala ang mga kakaibang nilalang sa labas ng palasyo.

" e, ikaw.? sino kaba.? " tanong naman nito sakin.

"  isa lang akong diwata, tagapaglingkod ako sa palasyo. "  tumayo ito sa pagkakaupo kaya halos atakihin ako sa gulat.

" kung ganon', isa ka palang diwata.? kaya pala kakaiba ang itsura mo. "  magiliw nitong sabi kaya nag pilit nalang ako ng ngiti.. ngunit hindi ito ang sadya ko sakanya.

" kung maaari, tatanungin ko sana kung meron kang nakitang isang lalaki na nakasuot ng puting damit.? " tanong ko sakanya, napahawak naman ito sakanyang baba na tila nag iisip.

" Teka! sya ba yung lalaking maganda ang mukha at may kakaibang klaseng ng enerhiya. "  kung ganon nakita nya si indra.?

" Oo, nakita moba sya.? nasan sya, maaari kobang malaman.? "  sunod sunod kong tanong.

" Nakita ko sya na walang malay dito mismo sa lugar na kinatatayuan natin, mahina ang katawan at enerhiya nya kaya inuwi ko sya tribo namin. bago ako umalis gising na sya.. "  bigla naman ako Nakaramdam ng ginhawa, kung ganon ayos lang sya. mabuti naman.

" pwede moba akong samahan sakanya.? nais ko syang makita. "   paki-usap ko.

" Sige, sasamahan kita. " agad nagliwanag ang mukha ko dahil don. kailangan kong sabihan si indra tungkol sa nangyayari sa palasyo,. kailangan na nyang bumalik sa lalong' madaling panahon.










Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now