"Lumayas ka na dito." sabi ni Daniel sa babae.

Pagkaalis nung babae, lumapit agad sa akin si Daniel.

"Hey. Are you ok? Masakit pa rin ba? Ano pang ginawa nya sa iyo?" sabi ni Daniel. Talagang nakikita kong nag-aalala sya.

"I'm fine. Sinabunutan nya lang ako. Ay, natapunan din nya pala ako juice." sabi ko kay Daniel. Pinupunasan nya lang yung mga luha ko.

"Sure ka? Tsk. Badtrip yung babaeng yun. Lagot yun sa akin mamaya." sabi nya. "Nag-alala ako sa iyo. Narinig ko kasi yung mga ibang students kanina na may away daw. Tapos narinig ko pangalan mo kaya nagmadali akong nagpunta sa iyo."

"Salamat ha Daniel. Siguro kung di ka dumating baka kalbo na ako ngayon. Hehe." sincere kong sabi kay Daniel.

"Wala yun. May extra na damit ka ba? Magpalit ka muna. Malagkit yang juice eh." sabi ni Daniel.

"Ah wala nga eh. Ay wait. Friend, meron ka bang extra na damit?" tanong ko kay Arisse.

"Wala nga din friend eh. Sorry ha." sabi nya pero nakangiti pa rin. Baliw. Ay parang alam ko na kung bakit. Kinikilig 'to kay Daniel. Psh.

"Uhm, meron akong extra. Hiramin mo muna." sabi ni Daniel.

"Jusko ka. Meron ka naman pala eh. Di mo agad sinabi." sabi ko kay Daniel.

"Sorry naman. Akala ko kasi mayroon si Arisse eh." sabi nya.

"Tara na. Nilalamig na din ako. Friend, gusto mo mauna ka na sa room?"

"Ah sige friend. Bye!" sabi ni Arisse pero pinanlakihan ako ng mata. Gusto nya pa kasing makasama si Daniel eh. HAHAHA.

"Tara Daniel."

"Tara."

***

Nakapagpalit na ako ng damit. Ang laki nga eh. HAHAHA!

"Hello Mrs. Padilla." sabi ni Daniel na ngiting ngiti pa. Ay oo nga pala, may apelyido nya sa likod pati number 30. Parang jersey pero t-shirt sya.

"Baliw! Hahaha! Thank you ulit Daniel ha. Ang dami mo nang naitulong sa akin ngayon." sabi ko nang nakangiti sa kanya.

"You're welcome." sabi nya sabay ngiti ulit. "Sa tingin mo, papasok pa tayo sa room? Magtitime na din eh."

"Ay oo nga noh. Tara doon muna tayo." sabi ko sabay turo doon sa soccer field. "Upo tayo sa damo. Hehe."

Masyado nga ba akong FC?

"Geh."

#Gehzoned HUHUHU

*Sa Soccer Field*

"Bili muna ako ng tubig natin. May gusto ka pa ba ipabili? Ice cream gusto mo?" tanong ni Daniel.

"Sige! Ice cream! Chocolate ha." sabi ko sabay kuha ng pera sa wallet ko. Nakakahiya naman kung magpapalibre pa ako. "Oh eto pera ko."

"Hindi na. Ako na. Treat ko na. Nakakahiyang pagbayarin ang babae."

"Ehh. Nakakahiya din naman sayo. Kunin mo naaa."

"Nope."

"Kulit naman eh. Tsk. Sige naa. Kunin mo naa."

"Nope."

"Bahala ka nga. Sige na. Bili ka na nga doon." pagsurrender ko.

"Good." sabi nya and then he patted my head. Ano ako aso?!

Nakaupo lang ako dito sa damuhan. Nakakarelax kasi eh. Tapos ang hangin pa. Napagisip-isip ko na mabait din naman pala talaga si Daniel. Gentleman nga din eh. Mukha lang syang bad boy. Siguro nung nagkita lang kami sa mall, badtrip talaga sya.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah."

"Ay andyan ka na pala! Ang bilis mo naman hehe." nagulat ako kay Daniel.

"Ayan lang naman yung tindahan oh." sabay turo nya doon sa tindahan. Ay oo nga noh. "Oh ice cream mo pati tubig mo."

"Salamat ha. Sa susunod, ikaw naman ang ililibre ko."

"Aasahan ko yan ha. HAHAHA!" tawa nya. "Kathryn, ano na? Friends na tayooooo."

Well, madami na din naman syang nagawang mabuti sa akin and mabait naman sya. So, friends na nga kami.

"Kdat. Friends na tayo."

"Yes! Hehe, umeffect na sayo ang charms ko! WAHAHA!"

"Para 'tong baliw. Psh. Ay. Uhm... D-Daniel.."

D A N I E L

"Para 'tong baliw. Psh. Ay. Uhm... D-Daniel.."

"Ano yun?" tanong ko.

"M-may tatanong sana ako sa'yo."

Bakit parang nakakakaba? Hoo.

"Ano yun? Nakakanerbyos ha. HAHAHA!" sabi ko just to ease my nervousness..

"Promise mo di ka tatawa."

"Promise." sabi ko with a serious face.

"Sure ka?"

"Sure na sure na sure."

"Lapit ka dito. Bubulong ko na lang sayo. Nakakahiya eh."

"S-sige."

"................"

O.O









Night ChangesWhere stories live. Discover now