ano bang karapatan ko para iligtas nya ang Isang tulad ko? tama ang prinsesa wala akong kahit na ano.

Pina-alis ko muna si lily upang magpahinga. pasikreto akong pumunta sa silid ng punong dyos upang kausapin sya.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanyang pwesto mukhang hindi nito naramdaman ang presensya ko kaya matagumpay akong nakalapit sakanya ngunit, bigla akong nakaramdam ng kaba.. bakit ang putla nya. ramdam kong bahagyang humina ang kapangyarihan nya.

dahil ba ito sakin? kaya ba sya nagka-ganyan.

" pinuno eto na ang—” lumipat ang tingin ko kay kine na tila gulat sa pagpunta ko dito may dala itong kakaibang klasing... gamot ba ang isang iyon?

" bakit nandito ka binibini, dapat ay magpahinga kapa. " aniya at binaba ang hawak sa maliit na lamesa.

" anong nangyari sa kamahalan? bakit ang putla nya?”  tanong ko sakanya pero umiwas ito ng tingin, kung ganon ay meron syang itinatago.

" kine... ano bang nangyari sa kamahalan? " seryosong tanong ko sakanya. Napabuntong hininga nalamang ito na tila wala ng magagawa pa.

" nang matulog ka ay unti unting pinagaling ni pinuno ang mga sugat mo, ibinalik din nya ang enerhiya mo sa katawan kaya... sya naman ngayon ang nanghihina. " pagsasabi nito. muling dumako ang mata ko kay indra.

Bakit nya ba kailangan gawin ang ganong bagay sakin, nagugulahan nako sakanya.




Bumalik nalamang ako sa silid ko ngunit hindi ko mapigilang hindi maisip ang kalagayan ng punong dyos, naturan pa namang punong dyos' ngunit bakit hindi nya inaalagaan ang sarili nya? paano kung may mangyari ulit na masama sakin tapos iligtas na naman nya ako? hindi kona maatim na makita ko syang ganoong ang kalagayan.

Kailangan kong umalis na dito. dito mismo sa palasyo !

Akmang kukunin kona ang mga gamit ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si imre.

" hindi ka pwedeng umalis, " pag pipigil nito sakin kaya napakunot ang noo ko.

" kapag umalis ka. may mang-yayaring masama sa punong dyos. " dugtong nya pa na lalong nag pagulo sa iniisip ko.

" anong ibig mong sabihin?, hindi kita maintindihan imre... "   litong tanong ko sakanya.

"  simula ng umapak ang mga paa mo dito sa palasyo ng punong dyos' iisa na kayo. simula ng bigyan ka nya ng sarili nyang enerhiya magkadugtong na kayong dalawa... "  seryosong saad nito, kung ganon'  kaya pala lumalakas ako dahil sa porselas na iyon ay dahil merong enerhiya ni indra mula doon?

kaya ba ayaw nyang ipatanggal sakin ang porselas?

" pero bakit kami iisa? anong dahilan?  isa lamang akong mababang nilalang... " 

" siguro ang tadhana ang may nais non, may rason ang lahat arcadia. "  sagot naman nya. natahimik ako dahil don. kung ganon' kapag umalis ako ay mapapahamak sya? ako parin ang magiging dahilan kung bakit sya mapapahamak.

"  kung ganon' ano ang makakapag tanggal ng pagiging isa namin? gusto ko iyong maputol sa lalo't madaling panahon. "   napahalukipkip naman si imre na tila may iniisip.

" hindi ko alam. walang nakaka-alam kung ano ang makakapag putol sa pagiging isa ng mga nilalang na nakatadhana na sa isat-isa. "  kamot ulo nitong sabi kaya pagbagsak akong naupo sa higaan ko.

kung ganon ang magagawa ko nalang ay iwasan sya para hindi na kami maglihis ng daan, tama.




" Balita ko may nangyari daw na masama sa punong dyos. "  Bungad ni lily habang binababa ang nga pagkain sa maliit na lamesa.

hindi ko naman sya sinagot at mas lalong wala akong wala akong balak na sabihin sakanya kung bakit nagka-ganon ang punong dyos, na dahil sakin kaya sya naging ganon.

" ayos kalang ba arcadia? mukhang malalim ang iniisip mo, teka... siguro ay nag aalala ka sa punong dyos.? "  kinikilig nyang sabi kaya naman napabuga nalang ako ng hangin. 

Gabi na at hindi manlang ako dinadapuan ng antok, puntahan ko kaya sya? kamustahin ko kaya ang lagay nya. nagkamalay naba sya?

Agad akong nagbihis ng damit at lumabas ng kwarto sumalubong sakin ang malamig na hangin kaya bahagya akong napayakap sa sarili. agad kong tinungo ang kwarto ni indra ng hindi gumagawa ng ingay,.

Dahan dahan kong sinara ang pintuan ng silid at tumambad sakin ang wala paring malay na si indra. may nakapalibot sakanya na sa tingin ko ay proteksyon para sakanya.

unti unti akong lumapit sakanya at naupo sa tabi nya, para lamang syang tulog. tinignan ko ang mukha nyang maamo sinimulan ko syang tignan sa kilay makapal ito sumunod naman ako sa kanyang pilik mata na mahaba parang mas babae pa ang pilik mata nito kesa sakin. sinunod ko naman ang ilong nyang perpekto. at ant labi nya manipis ito at maypagka kulay rosas.

Agad ko namang pinilig ang ulo ko, paanong naiisip ko ang mga ganitong bagay? pag bisita lang ang nais ko dito at hindi isipan sya ng kakaiba. ano bang nangyayari sakin?


Ancient Romance (God's series#1)ON-GOING Where stories live. Discover now